Chapter 57: 'Dang'

378 10 0
                                    

Sinasaktan ko lang siguro sarili ko, dahil masyado kong iniisip ang mga bagay na wala namang katotohanan.

Hindi habang buhay na sa akin ang atensyon niya.

At hindi din habang buhay hahabulin ko yung isa.

Kailangan ko nga bang pumili? Kung sino yung mas nararapat? O pwede namang... pakawalan ko na lang sila parehas.

Ako lang naman nagpapakomplikado ng kwentong 'to. Baka mas mabuting ako na lang yung mawala...

Ako na lang yung lalayo?

" Hers... " pagtawag ni Diether sa atensyon ko noong nakita niya akong umiiyak sa lagi naming pinupuntahang garden sa school.

Nagpunas ako ng luha.

Tumabi siya sa akin at humawak sa magkabilang pisnge ko ang dalawang kamay niya.

Lumakas ang tibok ng puso ko.

Hinarap niya ako sa kanya, nagkatitigan kami. Hinihintay ko lang ang maaring mangyari. Pero mali.

Tuluyan pa ring natulo yung luha ko, at sa pagkakataon ngayon, parehas na kaming dalawa.

" Wag ka ng umiyak ah? Nandito na ko. Nandito na ko. Shh.. shh... " pinunasan niya ang luha ko kahit ang sarili niyang luha ay napatak mula sa kanya. Niyakap niya ako na parang katulad ng dati. Tinatahan niya ako dahil palakas ng palakas ang pag iyak ko sa hindi maintindihang dahilan.

" Die-dieth-diether... " sabi ko sa kabila ng walang humpay ko na pag-hikbi.

" Wala kang kailangan sabihin. " sabi niya sa tenga ko. Nakayakap pa rin siya sakin.

" Ma...hal..Mahal kita... " I mean it.

kumalas siya sa pagkayakap.

Tumingin sakin at huminga ng malalim. Sabay ngumiti sakin.

Ako naman, hinihintay ang sagot niya.

" Nakakatuwa ka Hersheys. Mahal mo din ako. "

" ha? "

" Mahal din kita, alam mo yan. " tumango-tango ako. " ...at dahil mahal kita, kilaka kita... at hangad ko kung anong nagpapasaya sayo. "

" Dang... " muli kong pagtawag sa kanya.

" Alam mo ba kung bakit sa Three favors ko, hindi ko hiniling na tawagin mo ko niyan? Kasi naniniwala akong isang araw, kusa mo yang sasabihin... pero mali ako Hers... " naiyak na talaga siya.

Nasasaktan ako dahil ako yung dahilan na nasaksaktan din siya.

" Hindi ko gustong umasa ka... "

" Kaya wag mo ng uliting tawagin ako niyan dahil sa susunod na gawin mo yun... I'll make you pay for it. " sabi niya ng seryoso kahit natulo pa rin ang luha.

" Pero Diether, gusto kong tawagin ka non... Gusto ko ituloy natin yung dati, yung pangako natin sa isa't-isa? " ang madamdaming sabi ko.

" Gusto mo? HAHA. Nakakatawa naman, natulo luha ko pero natatawa ako sa mga pinag-sasa-sabi mo. Herheys, wag mong gawing bingi yang sarili mo. Mahal mo ko bilang kaibagan... Pero hindi ako yung taong makakabigay ng sayang gustong-gusto mong makuha... " nagpunas siya ng luha.

" Diether... "

" Kung sakin lang? Okey lang maging rebound, panakip-butas o kahit ano pa mang tawag dun... Kaso, ayokong lokohin mo yung sarili mo. Sasaktan mo na nga ako, sasaktan mo din yang sarili mo. I will never be happy seeing you with the one you dont love. " paliwanag niya.

Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya. Gusto kong paniwalaan na siya talaga yung mahal ko. Siya yung nagpapasaya sakin. Siya yung taong bubuo sa araw ko. Pero ipipilit niya pa rin yang alam niya.

Light Feather (HAB)Where stories live. Discover now