Chapter 11: Those memories

633 22 0
                                    

                   JOSEPH'S POV

Pag balik ko from Palawan,

" Anak? Kamusta naman? " salubong sakin ni mama ng nakangiti, siguro akala nila naging masaya yung stay ko dun. Hindi ako sumagot, instead i just gave a kiss to mom. " Pagod ba sa byahe? " I just nod at umakyat na papuntang kwarto ko.

wala akong gana makipag usap o kung ano man. naiinis ako.

Nababadtrip ako sa mundo.

tapos pag pasok ko pa ng kwarto ko, makikita ko yung picture ni Vick na nakadisplay sa kwarto ko.

Dahan-dahan kong hinawakan ng di namamalayang tumutulo nanaman yung luha ko.

" Vick, ano bang nagawa ko sayo? Vick bakit mo ba ko iniwan ng ganon-ganon lang? "

gusto kong basagin yung frame pero di ko magawa. Joseph, ano na ngayon?

Hanggang pagmumukmok ka na lang? Wala ka ng ibang gagawin ah?
Nakakaawa ka.

May kumatok sa pintuan ng kwarto ko pero di ko pinagbuksan. Its either si Mama or si Kia. How I wish naman na si Vick yan, sasabihing 'sorry' at magpapaliwanag sakin. pero Hindi.

" Kuyaaa... " dahan-dahan nyang binuksan yung pinto at pumasok. Pinunasan ko agad yung luha ko.
" Okey ka lang? Musta? Kwento ka naman! "

" Pagod ako. Lumabas ka na. "

" Pagod? Ganyan ka naman eh. -3-"

" Tsk. Ang kulit naman. -_- "
Luminga-linga sya at nakita yung picture ni Vick na nasa likod ko.

" Oh? Bat tinatago mo yan? "

" Labas na nga. Bilisan mo. "

" May nangyari bang di maganda sa inyo dun? " lumakad sya papunta sa harap ko at pinisil yung pisnge ko.

" Hayst. Tigilan mo nga ako sa mga tanong mo Kia. " inaalis ko ung kamay nya sa mukha ko. Pero ayaw nya alisin.

" No! Tell me, baka makatulong ako. Just like the old days, ako yung nagbabati sa inyo. Yieee! Hihihi "
tinapik ko yung kamay nya.

" Old days? Just like the old days? Wala ng ganon. Wala ng mangyayaring ganon! " napagtaasan ko sya ng boses at nagulat sya.

" Ahh-ah-a-ano ba yu-yung nangya-ri? Bakit ka ba nasigaw? " pinakitaan nya ko ng mukhang nagaalala.

" Tama na Kia. Umalis ka na muna." Tumalikod ako sa kanya , ayokong makita nya yung pagpatak ng luha mula sa mata ko. Ayokong makita nya na yung kuyang laging positibo, ay down na down ngayon. Ayokong makita nya na sobrang nasasaktan ako.

naramdaman ko yung pagyakap nya sakin mula sa likod.

" Kuyaaa.. Nandito lang kami. Kaya mo yan. :) T.T " iniwan nya rin ako at lumabas ng kwarto.

Tuluyan ng bumuhos yung luha ko.
Ang sakit-sakit. Sobrang sakit.

Dumating na yung araw na inakala kong di mangyayari. Sumumpa kaming kami lang hanggang dulo.
Walang bibitaw. Walang mang-iiwan.

                   
.

.

                    HERSHEYS' POV

Oo na. Ako na yung gigive up. Wala naman akong choice. Tsaka, abnormal ka ba Hersheys? sino ka ba sa buhay nya? Patawa ka. HAHAHAHAHA.

Di naman mahirap i-let go ung nabuong feelings kong katiting lang naman para sa kanya.

Ngayon pang nalaman kong nagvacation sila sa Palawan, Ang tatag nila. Hindi na yan mabubuwag. Not unless may iba pa kong di alam. At wala rin naman akong pakialam.
Buhay nila yun. Ill mind my own.

Light Feather (HAB)Where stories live. Discover now