Chapter 41: Last Sem

391 15 0
                                    


~~~~

.

May tama bang salitang kayang iakma,
Sa walang katapusang pasakit na aking nadarama,

.

May tao kayang nakakaintindi
Sa walang tigil kong paghikbi
At sa tuwing gabi,
Nananalanging kay tindi,

.

Masasanay na lang siguro ako,
Na para akong hanging natakbo,
Nararamdaman mo,
Pero di mo pinapansin,

.

Umaasa sayong pagtingin,
Ngunit di mo nga pala ko gusto,

.

Ako yung hangin na hindi mo kailangan,
Ako yung hangin na kahit wala
Ay kaya mong mabuhay,
Ako yung hangin na hindi gustong sayo ay mawalay,

.

Isang araw, hindi ka na mangangamba,
Dahil pag pasok mo,
Wala ng tititig sayong mukha,
Malapit na malapit na,

Wag kang mag alala.

~~~~
.

" OUCH!! ARAY NAMAN BES! napakamadrama naman nyang spoken words na ginawa mo. " ang sabi ni Mairah.

" bakit hindi kasi ako yung kailangan mo? Yung tipo ng taong di magloloko. " dugtong ko pa sa kahibangan ko ngayon.

" Ano na bang nangyayari sayo Hers? Dahil lang ba dyan sa lalaking yan, lahat na ng kalokohan gagawin mo? Subukan mo mag pakamatay, ako na mismo yung tutuloy nun. AT ! Hindi ako pupunta sa lamay mo. -3- " sermon ni Mairah.

" grabe ka, wala akong planong sirain buhay ko. " sabi ko sa kanya.

" Di mo pa nga sinisira? Amoy alak ka kaya nung nagparty ka! Di mo kailangang gumaya sa madaming babae dyan na para magpapansin lahat gagawin. Alam mo namang... " napabuntong hininga sya at sumimangot. " ... isang linggo na lang stay ko dito, tapos hanggang bukas na lang ako dito sa school kasi nakuha ko na form 1.37 ko. "

" Hala ka dyan bes! Bakit? Akala ko pa naman di ka na aalis! Iiwan mo rin pala ko. " ang sabi ko sa kanya. Bumabalik nanaman yung nangyari samin ni Diether. ugh!

" Diba ininform na kita matagal na? Ayoko din namang umalis eh. Kaso kailangan. At , please lang.. sa pagkawala ko, wag kang magpabaya sa sarili mo. Lumaban ka kapag tama ka. At pag mali ka, magpakumbaba ka ah? Tigil-tigilan mo na yang Joseph na yan. Hayaan mo na yun kay Leah. " sabay tapik nya sa likod ko.

" Bakit ang panget mo 'no? " yun na lang ang nasabi ko sa lahat ng sinabi nya.

Ito nanaman ako, maghahanap ng taong magtatanggol sakin.

Pero,

Parang ayoko na din.

Sawa na kong ipagsiksikan sarili ko.
Sawa na kong maiwan.

Sanay na kong mag-isa.

buong araw na hindi ko naramdaman yung prisensya ni Diether.

Di nya ko pinapansin, di sya umaalis o parang di rin ata kumikilos sa kinauupuan nya.

Ni-paghinga nya , di ko ramdam.

Parang lahat ng kung ano man sa kanya.

Sinisimplehan kong tingin, pero di ko talaga kayang tignan sya, narinig ko pang sinabi ng isa naming kaklase: " Diether, bat fierce na fierce ka? Laki ng galit sa mundo ah. "

Pero wala akong narinig na anumang kumento o sagot nya dito.

Galit ba sya sakin?

Maya-maya,

Pumasok yung last subject teacher namin.

Which is our Adviser.

" First project for clearance.. " ito na 'to. Meaning una pa lang sa sandamakmak na requirements. " ... Thesis na okey? Put your own topics. And, please wag pare-pareho at common ng topics, masasaulo ko na nga siguro yung climate change, biodiversity, life cycle , importance of gantong subject in our life.. Ang ku-common na. I want a rare one! Which I can read until the very end because its interesting. Plus, I dont want descriptions that are just copied from the Internet web sites. Its your duty to research, then, R-E-A-D. At kung ano mang mga naintindihan nyo dun, gawan nyo ng output. Matanda na kayo. Wag pang parang highschool pa rin ang gawa na naka-summarize lang. Ellaborate Ideas! "

Taeng yan. English pa kailangang language dyan. Kamot-ulo nanaman ako.

" And.. " dugtong pa ni maam. "...para di kayo mahirapan sa Atleast 5000 words Thesis... "

" HALA MAAM FIVE THOUSANDDD!!? " violent reaction ng iba kong kaklase.

" MAIKLI PA NGA YUN! END OF THE SEM 15, 000 NA! WAG NA KAYONG MAGREKLAMO, IGU-GROUP KO NA NGA KAYO BY THREE EH!! " sigaw ni maam nakakarindi.

Tumango-tango ang lahat at yung iba naggroupings na on their own.

" PERO AKO MAGGU-GROUP SA INYO. Dahil mas madami boys, one girl then two boys in one group. okey? At wala din akong pake kung di okey. " lumabas na ang pagka-dragon ni maam. Nakataas ang dalawang kilay pero halatang di naman galit. Nagpapaka-masungit lang for good.

Pero wtf. Di ba nya naisip na pwedeng mag-lead into temptation yun? Pano kung ughhh! Bata pa ko, marami pa kong pangarap sa buhay. I still love my life.

Ayokong maging 'bagita' . Ew.

Walang nagawang umangal sa mga desisyong yun ni maam. Papansin naman eh.

" Reyes, Dimaculangan at Lindoy , magkakagrupo kayo; Chua, Santos and Romualdo; .... " ina-announce na ni maam ang magkakagrupo habang binabasa ang ginawa nyang listahan.
" Ignacio, Flores and Delmar ... "

oh?

nabanggit na ko?

" kagroup mo si Joseph. " bulong ni Mairah sa gilid ko.

" Huh? " at dun ko lang narealize na magkasunod palang binanggit ni maam ang apilyido namin.

Gusto ko ng sumigaw ngayon pa lang pero nasa harap si maam at kailangan kong pigilan ang nararamdaman kong inis ngayon. Kabwiset!

paglipas ng ilang minuto, natapos din ang pag aanunsyo ni maam.

" The deadline will be next week at friday. You have two weeks to finish beautifully and readable entertainly your works. Good bye class.. " sabay walk out sa room ni maam.

Naging hudyat ng ingay ng madami.

Nagrereklamo ang iba, tapos yung ilan masaya , at karamihan ay naiilang.

Mas lalo naman sakin. Kabanas.

Pag dating ko sa bahay, nakakunot ang noo kong iniisip ang kalalabasan ng project,

Si Joseph, kaaway ko.
Tapos si DelMar? My ghaaad. Pariwara yun sa pag aaral eh.

Parang mas gusto ko ng gawin mag isa yung Thesis kahit 5000 words pa yan.

Kakainis talaga. Bat sila pa?!

*Phone snooze*

'YOU HAVE ONE MESSAGE COMING FROM JOSEPH IGNACIO ON FACEBOOK. REPLY WITH 27 , TO SEE MESSAGE AND REPLY.'

Speaking of the crazy man.

Nacurious ako at nag open ng facebook.

" JOSEPH: Flores, pumunta ka sa bahay bukas for Thesis. 8 AM. Dito ka na lang din maglunch. "

Active 32 minutes ago...

.
.

_____________________________________

Spoken words written by Me.
Mema eh. Hahahaha. Sorna.

#SlowUpdateSiAuthorPapansinHaha

Onting ire pa guys. Labyu.

Light Feather (HAB)Där berättelser lever. Upptäck nu