Chapter 42: Flores de Mayo

381 12 1
                                    

.

Dumating ako sa bahay nila Joseph, 7:48 AM.

Inagahan ko talaga yung gising kahit ang hirap gumising. Tae. 4 hours sleep!

" Upo ka. " ang sabi nya pagkapasok ko sa bahay nila.

Makalaglag pangang ganda at laki ng bahay nila. Sobra. Ang elegant ng house design, pang royal pero bumagay sa antiques na mga kasangkapan nila sa bahay.

Umupo naman ako sa sofa nilang floral red , yellow and white.

nakita ko sa harap ko ang laptop at nakapatay pa ito.

Bumalik sa sala si Joseph, dala ang isang orange juice, at sandwiches.

Pinagprepare nya kaya ako?

Tanong sa isip ko. Tumabi sya sakin pero may gap, mga 5 inches.

pagkatype nya ng password at 'Ok'. Nag open laptop nya at nakita ko yung wallpaper na silang dalawa ni Victoria.

" Ang saya nyo naman diyan.. " bigla ko na lang nasabi. Kahit ang hina lang ng boses ko. Narinig nya pa rin yun.

Napatingin sya sakin.

Mukha ng isang nagtataka at parang nagtatanong kung ano ang ibig kong sabihin. " Ha? "

" Ahh.. wala. -_- " naiinis kong sagot.

nagbukas sya ng file sa microsoft at nakita kong may nagawa na pala siya.

" Ayan, naka 2,395 words na ko. Dugtungan mo na lang. " sabay sandal sa sofa nila.

" Anong topic nito? " tanong ko. Inumpisahan nya ng di ko alam. May sariling desisyon eh.

" matuto kang magbasa. Syempre may nakalagay dyan. " nabwisit ako sa sagot nya.

All about Festivals pala topic.

" Festivities Joyfulness " napabasa ako sa Title at napatango. Edi sya na magaling. Problema ko dito kung pano dudugtungan kabanas. Boplaks ako sa english.

Napapakamot na lang ako sa ulo.

" if you dont have any idea, try searching para walang nasasayang na oras. Nakaconnect yan sa Pldt. " bigla nyang sabi.

aysstt.

" okey sir. " sagot ko na may halong sarcasm.

umupo sya sa kabilang dulo ng sofa at may hawak na tablet na doon lang nakatuon yung pansin nya.

" may nadagdag ka na ba? " mali pala, pati sa ginagawa ko. Ang kulit. Akala nya ba madali!? Porket englishero eh.

" ito na nga po, nagbabasa na ko ng articles.. " ang sabi ko while scrolling on the laptop.

" Kumain ka, sayang yung pagkaing hinanda ko. " Sobrang concern nya talaga sa mga bagay sa paligid nya pero pag sakin nevermind. Tss.

Nagutom naman ako at kumain habang nagbabasa at nakakakuha na ng ideas na pwedeng ipang-dagdag sa Thesis.

" uhmm bakit nga pala .. wuala seh ahnouh..lauaksvysnqag " napalingon sya saken na punong-puno ang bibig ng sandwich.

Ang gusto ko lang naman sabihin ay kung bakit wala yung isa pa naming dapat kasama ngayon.

Nanlaki bigla ang mata. " HOY YUNG LAPTOP NATUTULUAN MO NG EXCESS NG SANDWICH!!! " napatayo pa sya at nilayo yung laptop sakin. Nasamid ako bigla. Pero imbis na alukin nya ko nung juice, mas inalala pa laptop nya.

Hoo. Galing.

pagkalunok ko at ubos ng kinakain, nagpatuloy ako sa paggawa ng thesis.

Okey.. " 3,207 na yehey. " pagpaparinig ko.

Light Feather (HAB)Where stories live. Discover now