Chapter 40: Ignored

400 15 0
                                    

" hello bes!? " napatawag ako kay Mairah.

" bakit? " ang sabi nya.

" punta ka naman dito oh. Please. I need you. Wala kong makausap. " pagmamakaawa ko sa kanya.

" dyokla naman bes. Alas otso na. Pababyahihin mo ko papunta dyan sa party na yan? Nasan ba si Diether? "

" iniwan nga ako. "

" ay sira ulo yun ah! "

" may kikwento ko sayo , please punta ka na lang dito. "

" aysss sige na nga. kung di lang kita mahal eh. " sabay end call.

Lalamunin na ko ng inis at sakit dito.

Kahit di ko na tinitignan ang table nila joseph ay naririnig ko pa rin yung mg boses nilang nagtatawanan.

Samantalang ako,

Ito , nasisiraan na ng ulo.

" HERSHEYS!! UPO KA DITO SAMIN!! NASAN SI DIETHER!!? " sigaw ni Ateng dahil sa lakas ng tugtog.

Ang iba nasayaw, yung iba naghaharutan o nagkekwentuhan.

" Wag na Ateng. Di na ko kasya dyan. " palusot ko. Ayoko dung umupo dahil nandon sila Joseph at Leah. Ano? Harap-harapan silang maglalampungan ?

" Kasya ka dito! Di ka naman mataba eh! " sabay hatak nya sakin at wala na kong nagawa.

Dun talaga nya ko inupo sa harap nila Joseph.

Buti na lang at may Vase sa harap.

Kaya natatakpan nito ang mukha ko.

" PANIRA NAMAN TONG VASE EH. " sabay tanggal ni Ateng. Lesheee. T.T

May tama na rin kase kaya makulit na tong baklang toh.

Nagkatinginan kami ni Joseph at umiwas sya pagkatapos.

Ni-hindi nya na ginagalaw ang leeg nya at laging nakalingon sa dumadaldal sa kanyang si Leah.

Magka stiff neck sana sya! Hmmp!

Nakakabwiset eh.

" HERS! OH BASO MO! INOM KA! " hiyaw ni Ateng Jonathan.

" ayoko. Ayoko. Di ako nainom. " ang sabi ko ng mabilis.

Napatingin ang lahat ng nasa round table na yun sakin.

Ang iba ay nagchi-cheer na uminom ako, samantalang, si Joseph ay nakatingin ng seryoso at si Leah naman ay nataas ang kilay.

" ANG KJ MO NAMAN! WINE LANG TOH! DI NAKAKALASING YAN! " sabi pa ni Ateng.

" Bawal po talaga ako. Sorry. " nanindigan ako sa sagot ko.

" Ateng, tulog ka na kaya? Dito ka muna sa bahay nila Leah? Okey lang yun diba Leah? " biglang singit ni Joseph.

Wow. Ang concern naman po pala.

" uh... oo naman. Wait, papahanda ko lang kay yaya tes yung guest room. " sabay alis si Leah at pumasok sa pinto malapit sa garden.

" Di ako matutulog hanggat di nainom si Hersheys! AYOKO! Ah-ah AYOH-AYOKOOO! " sabi ni Ateng na malakas na talaga ang tama.

" Ateng. Bawal talaga ako dyan, baka magalit si Papu pag uwi ko. " nagmamakaawa ko ng sabi.

" Ako na lang iinom nyan ateng. Ako na. " seryosong sabi ni Joseph at napatingin kami sa kanya.

Tumayo sya ng bahagya para maabot yung baso ng wine na nasa tapat ko.

" oh sige! Basta gusto ko sampung baso na puno ahh! Babantayan ko kayo! Ako ang maglalagay ng wine sa mga b-bassso nyooo! " lasing na lasing na talaga si Ateng at sobra ng kulit.

Pa-Hero effect pa toh si Joseph. Daming alam.

Unang lagok ni Joseph ay kita sa kanya ang pagkadismaya sa lasa na para syang nasusuka dahil hindi nya gusto.

hindi nya pa ata nasusubukan makipag inuman sa buong buhay nya.

" GO JOSEPH!! HOOOOO! " sigawan ng mga katable namin na nagkuha ng atensyon sa iba pa.

Naki-cheer din sila . Watda.

Pangalawa, done,

Pangatlo, done,

Pang apat, done,

Pang lima, done,

Bawat pag lagay ni Ateng sa wine sa basong yun ay halos apaw-apaw kaya ang tagal ding maubos ni Joseph.

napapakain na lang sya ng mga putaheng nasa harapan nya para makalimutan amg lasa.

" Pang anim~ haysss " sabi ni ateng at tuluyan ng nakatulog sa kinauupuan.

Unti-unti na ring nag uuwian ang iba pero may mga matatatag pa ring nasayaw-sayaw at nakanta.

Nakabalik na si Leah.

" At--- OH? BAKIT PARANG NAHIHILO KA JOSEPH? OKEY KA LANG? " sabay hawak sa leeg at noo nito. " *sniff* AMOY ALAK KA AH?! " gulat na sigaw ni Leah.

" Inako kase nya ung wine na dapat kay Hersheys. " ang sabi ng isa pa naming kaklase na medyo may tama na din. " oh sige, alis na ko. Alas nuebe na pala. Bye guysss. " tinignan lang namin sya hanggang sa makaalis.

apat na lang kami sa table na yun,

Ako, ang nakatulog na si Ateng, si Joseph na nahihilo at Si Leah na nanggagalaiti yung mukha ngayon.

" SIRA KA BA? KUNG AYAW MO NG ALAK, EDI WAG MO! NAPAKA PABEBE MO! DINAMAY MO PA SI JOSEPH? WH HINDI SYA SANAY UMINOM NG ALAK! OKEY? " sinigawan nya ko.

" Sorry ah. Di ko naman sya sinabihan na kunin nya yung wine na para sakin. Choice nya yun! " napatayo ako sa kinauupuan ko.

" FEELING ANGHEL KA KASE! HINDI NAMAN! SIGE, INUMIN MO YANG NATITIRA PANG MGA WINE AH! KUNG HINDI.. DI KA MAKAKAALIS NG BAHAY NAMIN! DITO KA LANG SA GARDEN MAGDAMAG AT PAGLILINISIN KITA NG MGA KALAT GAMIT LANG YANG KAMAY MO!! " Nababaliw na tong babaeng toh.

" Wow ah? Sino ka para takutin ako ah? " tanong ko sa kanya at nakitang nakatulog na din si Joseph sa kinauupuan nya.

" AKO LANG NAMAN YUNG HINDI NINYO KAYANG I-BULLY SA ROOM KASI HINDI NYO KO KAYA. DAHIL NASA ILALIM KO LANG KAYO! " ang sabi nya.

" nasa ilalim? Nasa ilalim ba kami nyang napaka ikli mong shorts na kulang na lang mag underwear ka na lang sa harap ng  maraming tao! " di ko na napigilan sarili ko.

" Baket? porket naka mahaba kang dress o nakapantalon ka , virgin ka pa? " ang sabi nya.

" NAKAKAINSULTO KA NA AH! "

" TIGIL !!!! " aamba na sana akong  sasampalin sya dahil gigil na gigil na ko, pero biglang sumigaw si Joseph.

Nagising sya sa ingay ng sigawan naming dalawa ni Leah.

" BAKIT BA NAG AAWAY KAYO AH? ANONG NAPAPALA NYO DYAN SA PAG AAWAY NYO?! UMUWI KA NA HERSHEYS!!! " seryosong sabi ni Joseph habang iniinda ang sakit ng ulo.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko, o sumapi sa katawan ko , pero hinawakan kong bigla yung bote ng wine, at tinungga ang laman nun.

Ni-hindi ko nalasahan yung pait o tamis na sinasabi nila dun.

Tumulo ang luha ko at naglakad paalis.

Saktong paglabas ko ng gate ay kakadating palang ni Mairah.

" oy bes? Anyare ?  Bat ka naiyak? " bungad nyang tanong.

" Walaa. " habang pinupunasan ko ung luha ko.

" Inaway ka nanaman ng Leah na yun?! Tara, resbakan natin!! " pagyaya ni Mairah .

" Wag na. Uwi na tayo. " sabay hatak ko sa kamay nya pabalik sa trycycle na sinakyan nya.

" Ay taray, kakadating palamg, uwi agad. " pero di ko na yun pinansin at nagpatuloy na ko sa pag hikbi.

___________________________________

HAPPY READING! dont forget to vote. Or Comment after. :)

Light Feather (HAB)Where stories live. Discover now