Chapter 58: The Return

402 11 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay,

Diether: Nakauwi ka na ba? Ingat ka ah.

Diether: Kain ka ng maayos, baka mangayayat ka HAHAHA

Diether: kinuha mo first kiss ko. Bad ka. :'(

......

Kinikilig ako.

Pero bakit nagi-guilty ako na hindi siya yung first kiss ko?

Na dapat siya na lang yun. Dapat siya yung nauna. Dapat siya.

Syehsreh: Bad you too. Hihi.

Nagkalkal naman ako sa bag ko dahil hinahanap ko ang reviewer ko sa isang major subject.

Nang makita ko naman ang bagay na magpapa-alala sakin kay Joseph, bigla akong natawa. Ang lalaking yun, napaka-masungit pero napaka-bait naman.

Binuklat ko naman ulit. At pinagmasadan.

May nakaipit na papel. At nakasulat:

" Biyahe

Isang beses, tinanong mo ko
Kung okey lang ba ko,
Oo ang sagot ko, Oo
Hindi dahil nagpapanggap lamang ako,
pero, dahil , mahal kita at yun ang totoo,
Pag sinabi kong mahal kita,
Ibig sabihin no'n ay salamat,
Salamat sa pagsakay sa trip ko
na kahit paikot-ikot tayo
At ang mga pangyayari'y nakakahilo
Di pa rin tayo humihinto,
Sinubukan kong pumreno
Pero, napakalakas,
Napakalakas ng pagtakbo, pagsulong, pagtibok
Minsan na tayong nasubsob
Walang nagawa kundi kumapit ng mabuti,
At sayong mga ngiti,
Isang salita ang sinasabi ng labi,
Mahal kita
Mahal kita kaya Pasensya,
Na noon ay karugtong ng salitang saya
Ay walang kasiguraduhang ano nga ba
ang tayo ba o ikaw at ako ay iisa?
Paumanhin kung nagtagal
Bago aminin ang nadarama
Sa mga panahong tayo'y magkasama,
tulad ng halamang nalantang,
Biglang sisigla,
Siguro nasaktan ka, Mali,
Nasaktan ka talaga, Kaya Pasensya,
Nang iyong hawakan,
ang aking kamay,
Ayoko ng bitawan,
gusto kong sumabay,
Napalingon ka ng akoy pumara,
Akala mo siguro, ayoko na,
di ko lang gustong masanay,
Bago ako umalis, inisip ko..
Sana tawagin mo ang pangalan ko,
Na- " Please Mahal wag kang lumayo! "
Sana yakapin mo ako,
hudyat na ayaw mo kong umalis sa piling mo,
Sana pigilan mo ang unti-unting pagtulo ng luha ko,
Sana punasan mo ito at di na maramdaman ang pagkalito,
Tumatakbo ang oras,
ngunit wala pa ring natupad sa hiling ko,
Noon ko napagtantong
may mga bagay pala talagang nauuwi sa Sana ,
At patuloy ka na lang Aasa,
Noong sinabi kong Tama na,
Ang ibig sabihin ay " mahal, huwag mo kong iiwan "
Noong sinabi kong Umalis ka,
Ang ibig sabihin ay " mahal, dito ka lang. "
Noong sinabi kong Bakit pa?
Bakit di mo sinabing
" kasi Mahal kita " ?
Bawat binayad ko ay di ko ininda,
Dahil para sakin masuklian man lang ng kaunting saya ay tama na,
Diba noong una, ay wala tayong pakialam,
Kung sinong magrereklamo o makikisakay lang,
Nag iba nga ba ang ihip ng hangin,
Dahil ba sa polusyon ng ibang mga sasakyan sa paligid natin?
At sa ingay nila ay nainis ka ba?
Wag kang makinig sa sinasabi nila,
Saan nga ba tayo pupunta,
Saan patungo ang lahat ng sakit?
Naghintay ako ng kay tagal
para lang makasakay,
At di inaasahang naging di malilimutan ang paglalakbay,
Ang biyahe natin ay akin ng wawakasan,
Salamat mahal.
Salamat sa 'yo. "

Sulat kamay 'to ni Joseph at di ako pwedeng magkamali. Saan niya naman nakuha 'tong Spoken Poetry na 'to? Ang ganda naman.

At nang baliktadin ko ang papel may nakasulat ulit:

Light Feather (HAB)Where stories live. Discover now