Chapter 47: Closeness

370 11 0
                                    


" He speaked to me and I stuttered in awe, I asked myself whats happening to me!? But I recieved no answer. All I can hear is my heart beating such  inadvertent error.  pagbabasa ko sa librong binigay sakin ni Joseph.

" Translate mo sa tagalog, tapos ibalik mo sa simple english. " at nasa tabi ko siya ngayon. Tinuturuan  ako.

" Kinausap niya ko.. at nanginginig ako  dahil sa gulat. Tinanong ko yung sarili ko, Ano bang nangyayari sakin? Pero wala akong natanggap na sagot.. Ang naririnig ko lang ay ang pintig ng puso kong di malaman kung anong gusto.."
Habang sinasabi ko yun ay nakatingin lang siya sakin.

" Transalate it to simple english. "

" He talked to me, and I was standing shock. I asked myself whats going on to me? But theres no answer. All I can hear is just my heart beating weird. " napataas ang isa niyang kilaya. Mali pa rin ba? Nakakaloka naman. T_T

" Wow. Ang galing mo na! Youre learning.. " nakita ko ang saya sa mukha niya. " Ano ng sunod na line do'n? "

" I think Im Inlove again " Pagbasa ko sa sunod na linya. Nakatitig siya sakin at nagtaka ako kung bakit.

Pero parang ayoko siyang istorbohin sa ginagawa niya kaya tinitingnan ko na lang din siya.

KINIKILIG AKO HUWAAAA!

At maya-maya'y nanlaki ang dalawa niyang mata, mukhang natauhan na.

Umiling-iling siya at kinusot ang mata.

Napahinga tuloy ako ng malalim. anong ginagawa mo ah Hersheys? Nasisiraan ka na din ng bait eh.

" Sorry. Mamaya na lang ulit natin ituloy yan. " sumeryoso nanaman ang mukha niya. Tumayo siya at naglakad-lakad sa paligid ng park na kinaroroonan namin malapit sa bahay nila.

Yung totoo, nagtaka din ako ng sobra kung bakit bigla niya na lang akong tinanong kagabi kung gusto ko bang mag aral kami ng English.

Ang paalam ko tuloy kay Mama, magpapa-tutor ako pero libre.

Pinaglaruan ko yung libro at biglang may lumipad na papel na nakaipit mula sa mga pahina ng librong iyon.

Pinulot ko yon sa pagkakalaglag sa mabababang damo.

" Ano naman 'to? " mahina kong tanong sa sarili ko habang tinitignan ang hawak kong maliit na piraso ng puting papel.

'babylove Joseph, I love you so much! Muahhhh!' sulat babae ito at sigurado akong si Victoria ang nagsulat.

" Ano yan? " sinilip ni Joseph yung papel, hindi na ko nagbalak pang takpan ito.

" K-kay Victoria siguro 'tong libro.. " nag aalinlangan kong sabi.

Tumayo lang siya sa harap ko.

Silence means Yes :)

" Pwede ko bang tanungin kung---- "

" Oo break na kami.  " di ko pa man natatapos ang tanong ko, sinagot niya na agad. Huminga siya ng malalim at ngumiti sakin.

Tama ba yun? Ngumiti siya sakin?!

" ahh-ahhh.. Sorry natanong ko.. " di ko alam ang sasabihin. Umupo siyang ulit, Tumingala sa langit.

" Ang ganda ng langit 'no? Its beauty was never ending. No matter how much struggle ligthnings takes her, she doesnt gives up. And even how many times the clouds had left her, she stays. Thats why everytime I see tears falling from her, I feel broked. She's there always for me. She's my everything. She's the reason why I'm breathing.. " seryoso niyang pagsasalita. Alam kong ang tinutukoy niya ay hindi ang langit kundi si Victoria.

" But.. I think mas kailangan mo naman ng Hangin kaysa naman yung kalangitan para mabuhay 'no? Subukan mo kaya wag huminga, tegok ka! HAHAHA " dinaan ko na lang sa biro.

tumingin siya sakin at napangisi.

Ako yung Hangin na yun Joseph.

Sana kailangan mo din ako.

___________________________________

#SANA #HerSeph #DietHer #Victoria

May mga bagay talaga na nauuwi lang sa sana at patuloy kang Aasa.

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon