Chapter 51: Conflicts

392 10 1
                                    


" Ay, Ang ganda ng kapatid ko oh. Dyosa! Diwata! Representing Philippines!! Im a proud Ate! Hihi! " nang aasar nanaman to si Ate Kisses.

Nawiwindang pa nga ako sa nangyari kaninang umaga eh.

Parang ayoko pumasok pero kailangan.

Pagkarating ko sa School,

Nandoon na si Joseph at Diether, at kasama pa ang iba kong mga kaklase.

" HERSHEYS! " biglang tawag ni Diether. " Nagtanghalian ka na ba? " sigaw niya sa akin.

" ah oo naman. "

" Sayang! Pero.. ah sige, mamaya na lang break time tayo kumain. Libre ko! " sabay kumindat siya sakin.

" okey. " medyo weird yung mga kinikilos ni Diether ngayon.

Nakita ko namang tumingin si Joseph, ngumiti ako pero umiwas lang siya ng tingin.

Sungit naman.

Nang maupo ako, biglang tumabi si Diether,

" oh? Bakit nanaman? " ang tanong ko.

" Wala lang. Wala ka namang katabi e'. Pwede namang ako na lang? Huh. " paliwanag niya sabay ngumiti ng malaki.

" Diba bawal magpalipat-lipat ng upuan? Magkakarecord ka. " sabi ko sa kanya.

" Lumipat lang ako pero di ako lumipat-lipat. If that's the case, edi magpapalipat ako. Parehas lang tayong walang katabi. Nagmumukha kayang nag-iiwasan tayo. " pagkasabi niya nun, kinuha niya yung bag niya at nilipat sa tabi kong upuan.

" Sira ka talaga. "

" at sinira mo pa. " di ako naka-imik sa sinabi niya.

Tumahimik ng tuluyan ang paligid nang pumasok ang proffesor namin.

After three subjects,

Nasa tabi ko pa rin si Diether.

*bell* -hudyat ng break time

Nag ayos muna ako ng gamit sa bag ko bago sumama kay Diether kumain,

" Hersheys.. "

" yes? " lumingon ako. " ah oh? " si Joseph ang nagsalita.

" Dahil hindi tayo natuloy kanina, ngayon na lang tayo mag view ng next chapters. After you eat. Just make it fast. " sabi ni Joseph.

" Did you know that a person whose in a hurry might lost her appetite? Its not healthy to just make atleast a couple of servings. Hope you understand. That eating is more Important than reading those chapters. " Singit ni Diether. Ito nanaman sila. Nakooo!

" Tumigil ka na  nga. " at kinurot ko sa tagiliran si Diether.

Laking pasalamat ko naman at di na sumagot si Joseph sa sinabi ni Diether, dahil kung nagkataon, ikakabaliw ko na ng tuluyan yang English battle nila. Bwiset.

Naglakad na lang paalis si Joseph.

" Lets go Hers! " edi  sumunod na lang din ako kay Diether papuntang Cafiteria.

Pag dating namin sa Cafiteria,

Pinapili ako ni Diether ng kahit ano daw na gusto ko. Syempre, ako naman si gutom, nagtututuro ako don.

" Ako na. " kinuha ni Diether yung mga pinabili ko.

" Oh? San tayo pupunta? " pagtataka ko dahil dumiretso siya palabas ng building.

" Sa wala masyadong tao at tahimik. " sabay lumiko siya sa kabilang dulo.

Doon ay may mini garden at pwedeng-pwedeng umupo. Yun nga lang, every little mess will put you on the guidance.

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon