Huminga ako ng malalim. "It's okay kuya. Hindi naman ako nasaktan."

"Tsk." Umismid lang siya. Ako naman ay nanahimik nalang. Baka lalo lang siyang mainis, eh.

Pagdating namin sa bahay ay si sandy ang una naming nakita. Kausap nito si Ark kaya hindi niya kami natanong kung bakit maaga kaming umuwi. Siguro nagpapahinga na 'yong kambal kaya tahimik.

Niyaya ko nalang si kuya sa kusina para magluto. He can cook too pero kailangan may kasama siyang magtuturo sa kaniya, minsan kasi nakakalimutan niya ang mga ingredients. Doon siya pumapalpak.

Umupo siya sa stool atsaka ako tiningnan. "I don't want to cook. Papanuorin nalang kita dito. Just Demonstrate to me the process of cooking carbonara." Parang bata niyang aniya.

Ngumuso ako. "Okay." Hinanap ko naman ang mga rekado atsaka ko iyon inayos sa harap niya. Sana naman matandaan niya ito. "Nag-memory plus gold kana ba kuya?" Tanong ko sakaniya kapagkuwan.

Nangunot ang noo niya. "No. Why? I don't even know that." Takang aniya.

Napailing ako. "Paniguradong wala kang matatandaan sa ginagawa ko." Naiiling kong sabi.

Napangisi naman siya. "It's okay. I know how to use youtube now." Aniya.

Napangiti ako. Tiningnan ko siya, "That's great." Wika ko.

Pagkatapos non ay pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Tahimik lang naman siyang nakaupo at tutok na tutok sa ginagawa ko. Para bang gusto niya talagang matuto at dahil don ay lumawak lalo ang ngiti sa aking labi. Siguro naman ngayon wala nang huhusga sa'kin na hindi ako marunong magluto.

"Hey." Bati ko kay sandy nang pumasok ito ng kusina at umupo sa tabi ni kuya. Ngumiti siya sa'kin atsaka kumindat. "Mukhang maganda ang naging pag-uusap niyo ni Ark, ah." Puna ko.

Lalong lumapad ang ngiti sa labi niya. Kumapit pa siya sa braso ni kuya Gilbert at humilig sa balikat nito. "Gusto niyang plano-hin na namin ang wedding naming dalawa." Masayang aniya. "Ayaw niya na daw na mawalay sa'kin. Ayaw niya na daw gumising ng hindi ako katabi. Ngayong malayo ako sa kaniya ay miss na miss na daw niya ako kahit parati naman kaming nag-uusap sa call o facetime. Haaay," Huminga siya nang malalim. "Para daw siyang namamatay sa tindi ng pagka-miss sa'kin. Ang sabi niya pa 'Sandy, ang lungkot ng araw ko ng wala ka.' Tapos------"

"-----Tapos? Kailan daw ang kasal?" Pagputol ko sa sinasabi niya. Nasusuka na talaga ako sa mga lumalabas sa bibig niya, eh. At alam kong ganon din si kuya Gilbert na nakangiwi na ngayon.

"Patty!" Sinamaan niya ako ng tingin atsaka nakasimangot na lumayo kay kuya nang makitang nakangiwi ito. "Hindi pa ako tapos mag-kwento, eh."  Pagmamaktol niya.

Napairap ako sa hangin. "Sandy, mas interesado kami sa detalye ng wedding ninyo kesa sa kwentong pag-ibig ninyong dalawa ni ark."

"Ang sama niyo." Napairap din siya. Ngumuso siya atsaka tinukod ang dalawang siko sa tiles bar table (yung mesa sa bartender) at sinapo ang baba. "Hanggang tatlong buwan lang ako rito, kailangan ko na ring bumalik sa manila para ayusin ang wedding namin. Ayos lang ba sa'yo patty?" Tanong niya.

Napangiti ako. "Ofcourse. Alam ko naman kung gaano ka-importante sa'yo 'to, eh. Basta siguraduhin mo lang  na bride's maid mo ako."

Natatawang tumango siya. "Syempre naman. At itong si kuya..." Muli siyang kumapit sa braso ni kuya Gilbert, "Ang aming ring bearer." Aniya atsaka humagikhik.

"Ano ako bata?" Di makapaniwalang tugon naman ni kuya. Nagkasalubong pa ang mga kilay nito dahilan para magtawanan kami ni sandy.

"Joke lang 'yun kuya. Masyado ka naman kasing seryoso, eh." Natatawa kong sabi.

Patricia Laxamana 💯Where stories live. Discover now