Naguguluhang naibaba ko ang dyaryong hawak. Anong ibig sabihin nito? Bakit walang ikinu-kwento si kuya Daniel sa 'kin? At kailan pa nagsimula ang isyo na ito?

"Patty!" Gulat akong nag-angat nang tingin kay sandy.

"Nandyan kana pala..." Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Kanina pa kita inaantay. Kumain na muna tayo bago tayo dumiretso sa site." Aniko.

"Teka patty!" Masayang ani nito. "Hulaan mo muna kung sino ang nakita ko sa labas ng gate."

Kununotan ko siya ng noo. "Ano naman?"

"Hindi ano! Sino!" Excited niya pang aniya.

Huminga ako ng malalim. "Sino naman?" Bored kong tanong.

"Hulaan mo?" Nakangiti niyang aniya.

Napairap ako. "Hindi ako manghuhula sandy."

Napakamot naman siya ng batok. "Ang kj mo naman, eh." Ngumuso siya atsaka may sinenyasan sa likod ko. Kumunot lalo ang noo ko. Ano na naman kaya ang kalokohan nito?

"Surprise!!" Rinig kong sabi ng mga pamilyar na boses mula sa likod.

Nanlalaki ang mga matang pumihit ako paharap dito. Umawang ang labi ko. At di makapaniwalang napatingin sa kanila. "Is this for real?" Wala sa sariling tanong ko.

Nagtawanan sila atsaka isa isa akong niyakap. "Yes. This is real." Malambing na bulong ni kuya nathan.

"Na-miss namin kayo!" Bulong din ni kuya Nathaniel. "Lalo na 'yong luto mo, patty." Dagdag pa niya.

"Oh my god!" Gulat ko pa ring bulalas. Nagtawanan naman silang dalawa atsaka ginulo ang buhok ko. "Bakit kayo nandito?" Tanong ko.

Nagkatinginan naman silang dalawa. Atsaka sabay na nagsabing, "Sumama kami kay Gilbert." Nakangiti nilang aniya.

Napangiti ako at napatingin sa likod nila. "Eh, nasan naman si kuya Gilbert?" Tanong ko.

"Nasa labas may inaayos lang." Ani ni kuya nathan atsaka ako inakbayan.

Iginaya muna nila ako pabalik sa upuan ko bago sila umupo sa magkabilang side ni sandy. Pinagitnaan nila ito at masayang nagsimulang kumain. Ngayon ko lang napansin na maraming plato sa mesa, siguro alam na talaga nila manang na darating sila.

"Talagang hindi niyo na aantayin si kuya Gilbert? Hindi ba kayo kumain sa byahe?" Tanong ko. Para kasing ginutom talaga sila kung kumain, eh. Ako tuloy iyong natatakot na baka mabulunan sila.

Nag-angat naman ng tingin si kuya nathaniel. "Wala na kaming oras kumain. Hindi naman kasi kami ininform ni Gilbert na pupunta pala siya rito. Kung hindi lang kami nagpumilit na sumama wala naman talaga siyang balak na isama kami rito." Sumbong niya.

"Oo nga. Ang sama niyang kapatid." Dagdag pa ni nathan.

Nagtawanan nalang kami ni sandy. Alam ko naman ang dahilan kung bakit ayaw ni kuya gilbert na makasama sa byahe ang kambal na 'to, eh. Kahit naman ako ayoko rin silang kasama...but hey! don't get me wrong, ofcourse we love them. Pero, kasi kapag magkasama silang dalawa sa isang byahe tiyak na magugulo at maiingay sila. Ikaw nalang ang maririndi kapag nagsimula na silang mag-away.

Sabay sabay kaming napalingon sa likod nang may marinig kaming boses at tawanan. Ngumiti ako at tumayo nang makita ko si Kuya Gilbert na seryoso na naman ang mukha habang nagtatawanan ang dalawang lalaking kasama niya.

Ngumisi ito nang makita ako. "Hey.. " Sabi nito atsaka ako hinila at niyakap.

"Musta kuya?" Tanong ko nang nakangiti.

"I'm good patty baby." Aniya atsaka niya rin niyakap si sandy na nakalapit na pala sa amin.

Tiningnan ko ang mga kasama niya. "Hello. I'm patty." Pagpapakilala ko sa kanila.

Tinanggap naman nila ang kamay ko. "Engineer Victor." Pakilala nong isa na mukhang masayahin.

Bumaling naman ako sa katabi niya. "I remember you." Napangiti ako nang maalala ko kung saan ko ito nakilala. "You're Leon Corpuz, right? Naalala mo pa ba ako?"

Hindi ko kasi makakalimutan ang mukha at pangalan niya kahit isang beses lang kaming nagkita at dalawang oras lang kaming nagkasama. Pinayungan niya kasi ako noong biglang umulan nang maglakad ako papasok sa isang coffee shop. Nilibre niya pa ako ng coffee kaya talagang natuwa ako sa kaniya.

"Ofcourse." Ngumiti din siya tulad nang ngiting pinakita niya sa 'kin nong pinayungan niya ako. "Hindi ko inaasahan na magkikita pa tayo. Nice to meet you again, patty."

"Buti nalang nagkita ulit tayo para naman makabawi ako sa kabutihan mo. Pasensiya na nga pala umalis ako nang hindi man lang nagpapaalam sa 'yo may emergency kasi non, eh." Nahihiya ko pang sabi.

"It's okay. Naiintindihan ko." Aniya nang nakangiti.

Bubuka pa sana ang bibig ko para sumagot nang makarinig ako nang tikhim. Doon ko lang napansin na nakatingin na pala silang lahat sa 'ming dalawa. Namula ang mukha ko sa hiya. Bakit ko nga ba nakalimutan na may mga kasama kami.

"Ahhh.....Let's eat?" Alinlangang sabi ni sandy.

Napabuntong hininga ako at bumalik sa inuupuan ko. Sumunod naman kagad sila kuya gilbert sa 'min. Pinagitnaan nila akong dalawa ni leon. Ngumuso ako at nag-iwas sa mapanuring mga mata ni sandy.

"You know my engineer, huh? Your fond of him." Bulong ni kuya Gilbert.

Muntik na akong nabulunan sa sinabi niya. Tiningnan ko siya. "I met him a moth ago." Sabi ko.

"Really?" Mapanuyang aniya. "I bring the two of my best Engineer for your grandpa's mansiyon. And Engineer Leon is one of them." Aniya.

Tumango ako. "Okay." Wala naman akong problema doon. I mean mas masaya nga 'yon, eh. Atlis kilala ko na ang Engineer na gagawa sa mansiyon ni lolo.

"Nga pala patty," Nag-angat ako ng tingin kay kuya nathan. "Sino nga pala iyong Architect na kinuha nang lolo mo?" Napahinto ako sa pagkain.

Si sandy naman ay biglang nabulunan kaya nabaling sa kaniya ang atensiyon namin. Pinanlakihan ko ito nang mga mata nang sumulyap siya sa 'kin. Mas naaapektuhan pa siya kesa sa 'kin, eh. Gusto ko ituloy itanong kung sino ang ex sa 'ming dalawa.

"Ayos na ako. Salamat." Aniya atsaka ngumiwi.

"Are you sure?" Tanong ni kuya nathaniel.

Tumango naman si sandy atsaka tumingin sa 'kin. "Yes." Nginiwian ko lang siya.

"Drink your water baby S." Utos ni kuya Gilbert sa kaniya na agad din naman niyang sinunod.

Tumikhim ako. Tumingin naman sila sa 'kin. Pikit matang sinabi ko na ang pangalan nang lalaking hanggang ngayon ay hindi pa umaalis sa aking sistema.

"The Architect name is Adrian Cordejo."

Hello!

How's this chapter? Ayos ba? I hope ayos lang. Hahaha

Patricia Laxamana 💯Where stories live. Discover now