Chapter 2: Meet Ian

Start from the beginning
                                    

*Cough, Cough, Cough. Mintik ko ng mabuga yung kape

"O bakit nak?" E anu nga bang sasabihin ko? Letcheplan!

"Kasi ma parehas niyang jowa yun. Nakita ko iba't-iba yung ka-lipmmm...uhmmm...uhm!" Manahimik kang bansot ka! Tsk! Puno ng laway ni bansot kamay ko. Tinakpan ko kasi bibig niya.

"Two timer Ian?" Naloko na!

"Hindi ma, nagjo-joke lang si bansot. Di ba?" Ayan good. Tango ka lang. Makuha ka sa tingin. "Sige ma alis na kami." Kailangan ng bilisan at baka may itatanong pa si mama.

Yes! Nakalabas na kami ng gate.

"Aray! Nakakarami ka na kuya ah?" Kulang pa ang batok sa ginawa mo.

"Loko ka e."

---

Nakasakay agad ako ng bus kaso puno ang mga upuan. Buti na lang at may nakatayong chick sa tabi ko. High schooler pa lang siguro ito. Tsk! Hindi man lang lumilingon banda sa akin. Paano ako makakaporma?

*Krrreeeeeek...


Nagpreno ang bus at muntik ng matumba ang dalagita. Sinalo ko sya syempre.

"Sa-salamat po." Strike one for the day! Namumula pa siya. Tinulungan ko na siyang makatayo. Tumingin ako sa labas kaya nalaman kong kailangan ko ng bumaba.

"Sige Miss Beautiful, bababa nako. Mag-ingat ka ah? *wink" Gusto kong tumawa pero hindi cool pag ganon. Para na kasing kamatis sa pula ang mukha niya.

---

Nakarating na ako. Anong work ko?

Nursing.

Bakit?

E in demand yan nun ng first year ako tapos hindi na ng pagka-graduate ko. Kukuha muna ako ng experience sa trabaho tapos mag-aabroad ako.

"Good morning Ian!" Umagang-umaga tambay na ang ibang babae sa harap ng building. (^_^) Nag-smile na lang ako sa kanila. Mga easy to get naman kasi sila. Ang boring!

"Dali pasok na tayo. Nandon na si Ian." Bumulong pa e dinig ko naman. Haay. Gwapo ko talaga.

Nasa loob na ako ng hospital.

"Monturiando!" Letcheplan! Best friend ko yang tumawag sakin. Si Robby.

Precious [Short / COMPLETED]Where stories live. Discover now