"Alam mo kasi patty. Sa tinagal tagal na nating magka-kilala ay kilalang kilala na kita. Kapag natatae ka nga alam ko, eh." Natatawang aniya.

Napangiwi ako. "Seriously sandy?! Nakakadiri ka, ha?!" Nandidiring asik ko.

Lalong lumakas ang tawa niya. Napasimangot nalang ako nang pati ang driver na kasama namin ay nakitawa na rin. Pinag-tulungan talaga ako ng mga ito.

Napapailing na bumaling nalang ako sa labas ng bintana. Mabagal lang ang takbo ng sinasakyan namin kaya kitang kita ko kung paano kabihasa ang mga trabahador namin sa pag-aani ng mga tubo. Alam kong parte ito ng lupa namin dahil dinala na rin ako rito ni lolo. Ito ang lupa namin na puros tubo ang tinatanim. Samantalang nasa rancho naman namin ang parte na pinagtataniman ng mangga. Tubuhan, manggahan at palayan ang negosyo namin rito. Kapag anihan ay hindi na kami namomoblema kung saan ito ibe-benta dahil may kumukuha na sa 'min bago pa ang anihan. Nagpapa-reserba na sila kung baga.

"Wow! Gusto kong i-try 'yan patty!" Napatingin ako kay sandy nang bigla bigla nalang itong sumisiksik sa 'kin.

Pinanlakihan ko ito ng mata. "Ikaw?! Magta-trabaho sa tubuhan! No way!"

Sumimangot ito. "Aba! Minamaliit mo ata ang kakayahan ko patty. Akala mo ba diko kaya ang ganyang trabaho? Sisiw lang 'yan sa 'kin." Pagma-mayabang niya.

Napairap ako. "Hindi kita sinama rito para maging trabahador ko. Atsaka gusto mo bang sugurin ako dito ng fiance mo?! Baka pagbintangan pa ako nun na inaalila kita." Sabi ko.

Napakamot siya ng batok. "Alam mo ang O.A mo. Gusto ko lang namang subukan, eh." Pagmamaktol niya.

Napa-tsk nalang ako atsaka ito inabutan ng sandwich na ginawa ko para talaga sa kaniya. Alam ko kasing aatakihin ito ng pagka-childish sa byahe kaya naisipan kong gawan siya at nang may pampatahimik naman ako. Ayokong marinig buong byahe ang pagmamaktol nito.

"Manong, hinto nga po tayo saglit." Kunot noong sabi ko sa driver na agad din niyang sinunod.

"Bakit patty?" Takang tanong ni sandy.

"Ngayon ko lang kasi nakita ang bakanteng lote na 'yan." Turo ko doon sa bakanteng lote na dapat ay tinataniman pa ng mga tubo. Ilang metro nalang ang layo nito sa mansiyon. "Bakit may bakanteng lote rito, manong?" Baling ko sa driver.

Agad naman akong sinagot nito. "Noong isang buwan pa ho iyan pinalinis ng lolo ninyo. Balak po ata niyang patayuan ng mansiyon." Paliwanag nito.

"Para saan? Ipapagiba na ba niya ang mansiyon niya ngayon?" Taka ko talagang tanong.

"Hindi ko po alam." Sagot ng driver.

"Tanong mo nalang sa lolo mo, patty." Sabat ni sandy.

Napatango ako. "Mabuti pa nga." Bumuntong hininga muna ako atsaka tinanguan ang driver mula sa rear mirror ng sasakyan. Kagad naman itong nag-drive ulit papunta sa mansiyon na ilang metro nalang ang layo sa 'min.

INAYOS ko muna ang dress na suot ko bago ako dumiretso sa loob ng mansiyon. Ang mga maid at mayordoma ang sumalubong sa 'min. Nasa dining area na daw si lolo at naghihintay sa 'min kaya doon na kami kagad dumiretso ni sandy.

"Lo!" Tumakbo ako palapit dito nang mamataan ko itong nakaupo na sa hapag.

"Kamusta ang byahe apo?" Masayang tanong nito nang kumawala ako sa yakap nito.

"Maayos naman Lo," Tumabi ako ng konti para bigyang espasyo si sandy. "Lo, Si sandy nga pala siya iyong binanggit ko sa 'yong tutulong sa 'kin dito." Pagpapakilala ko rito.

Tiningnan naman nito si sandy atsaka nginitian. "Kamusta iha? Mabuti naman at pinayagan ka ng fiance mo na tulungan si patty rito." Masiglang ani nito.

Nahihiyang nagmano at yumakap naman si sandy sa kaniya. "Naiintindihan naman po daw niya ako kung gusto kong tumulong kay patty. "

"That's good to hear iha. Alam kong mabait na bata ang fiance mo."

Napuno ng tawanan ang buong hapag nang magsimula nang mag-usap si lolo at sandy tungkol sa mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Napailing nalang ako. Hindi ko naman sila madaan sa 'death glare' ko kaya nanahimik nalang ako hanggang sa mapagod sila at hiningal sa kakatawa.

Imagine, ngayon lang sila nagkakilala tapos kung pag-usapan ako akala mo matagal na silang magkakilala. Parang pinagtulungan pa nila akong bwisitin.

"By the way, napansin niyo ba iyong bakanteng lote na ilang metro ang layo mula rito?"

"Yes Lo. Para saan nga pala iyon?" Buti nalang at pinaalala niya iyon sa 'kin.

"Balak ko kasing magpatayo doon ng mansiyon." Masayang ani nito.

"No offense po Lo ha? Ayaw niyo na po ba dito sa mansiyon niyo? Ang ganda na po kaya nito." Sabat ni sandy na sinang-ayunan ko naman. Tama nga naman siya. Wala akong mahanap na rason kung bakit pa niya kailangang magtayo ng isa pang mansiyon.

"Ipapagiba niyo po ba itong mansiyon niyo Lo?" Tanong ko.

"Hindi naman porket magpapatayo ako ng bagong mansiyon ay ayaw ko na sa mansiyong 'to. Alam niyo kasi ay matanda na ako, gusto ko namang magtayo ng sarili kong mansiyon na ako ang pipili ng disenyo. Hindi katulad nitong mansiyon na mga ninuno ko pa ang nagpatayo." Natawa ito. "Atsaka nakuha ko kasi ang best architect sa buong asya kaya lalo akong nasabik na magkaron ng bagong mansiyon."

Nagkatinginan kami ni sandy. Ang hirap kasing i-digest ng mga gusto ni lolo. Ganito ba kapag tumatanda na? Kung ano ano nalang ang naiisip na gawin? Atsaka sino naman ang sinasabi ni lolo na best architect sa buong asya at kung ma-excite ito akala ko nanalo sa lotto.

Napapailing na iwinaksi ko nalang muna ang aking mga iniisip at nagpatuloy nalang sa pagkain. Ngayon ko lang naisip na mahirap pala ang tumatanda  tulad nalang ni lolo ngayon...Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang gusto niya, eh.

Magpapatayo ba siya ng bagong mansiyon kasi gusto niya O Magpapatayo siya kasi ang pinakamagaling na architect sa buong asaya ang gagawa ng disenyo ng mansiyon na gusto niya.

Hey Readers!

If ever na may mali po ako rito, don't hesitate to tell me. Thanks for reading this! Godbless po!

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon