"So-sorry po." I apologize for coughing and almost spilling the milk.

"Iyon ang nakikita ko. Normal naman ang magkaroon ng problema sa isang magandang relasyon. Kung anuman ang pinagdadaanan ninyong dalawa, sana'y maayos ninyo. Aba't di na ako bumabata. Gusto ko pang makitang lubos na maligaya iyang si Seph. Di gaya ng kapatid niyang si Thaddeus, napakapasaway at masyadong maligalig ang isang iyon..." Nanay Cora said while grimming.

"Magiging masaya din po siya." I answered without looking at her.

"Alam mo, iyang si Seph, kahit hindi niya nakitang buhay ang mommy niya, napakalaki ng pagmamahal niyan sa kanyang ina. Kaya ganoon nalang ang panata ng batang iyan sa sarili na kailanman ay hindi mananakit ng damdamin ng isang babae. Kaya naman alam kong mahal na mahal ka niya"

"Nagkakamali po ata kayo nay, hindi po kasi ako ang--"

"Kilala ko si Carmela iha. At alam kong hindi ikaw iyon." Nanay Cora said.

"Kaya alam kong mahal ka ng alaga kong iyan dahil alam ko ang kung anong mayroon sila ni Carmela noon. Huwag mong mamasamain ang sinabi ko anak, hindi pa naman dinadala ni Seph and dating nobya dito. Sa katunayan ikaw ang kauna-unahang babae na dinala niya sa bahay na ito. Ang sabi kasi niya, ang asawa lamang niya ang dadalhin niya dito balang-araw kaya nga, akala namin ay..alam.mo na. "

"Bueno, gaya nga ng sinasabi ko iha, kilala ko naman kahit papaano si Carmela. Lamang ay tanging sa mga kwento lang ni Seph at sa mga litrato."

"Kapatid ko po si Carmela. I'm sure isa sa mga araw na ito ay makikilala niyo rin po siya sa personal."

"Ipapakilala mo? Siya ba ang magiging abay mo sa kasal ninyo ni Seph? Sa ganoong paraan ko lang nakikitang maari kong makilala siya."

Napangiti na lamang ako sa sinagot ni nanay. 

"Nanay Cora talaga..."

"E sa iyon ang gusto kong paniwalaan. Kaya kung ako sayo, iyon nalang din ang paniwalaan mo. Huwag kang panghinaan ng loob dahil lang sa mga taong humahadlang sa inyo. Naalala ko tuloy noong magnobyo pa lamang kami ng tatay Karding mo naku...."

The breakfast ended with Nanay Cora and Tatay Karding's story. Sinabayan din kami ni Tatay sa agahan. We decided not to wake Rad up dahil ilang araw narin daw itong walang maayos na tulog.

Hinatid na lang ako ng mag-asawa sa may sakayan. Hindi na lang din ako nagpaalam kay Rad. He might insist driving me home. I left him a text message though.

Nakarating ako sa bahay ni dad ng alas-siyete ng umaga. Tahimik pa rin ang paligid at ang nga kasambahay lang ang nakikita ko. Maybe dad's off to work? Or even Troy.

I was about to go straight my room when I noticed Mela's room open. I wonder what happened last night? I also want to talk to her about it. Nagalit kaya si Tita Olivia? Hinanap ba ako ni dad or Troy?

I made a warning knock saka pumasok ng dahan-dahan sa kwarto. Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto ni Mela. Just as expected, scratch papers, paintings, coloring materials. Nilibot ng mga mata ko ang kabuuan nito and I saw a sketch on her bed. It's a guy wearing a beannie. Nakatalikod ito, hands on pocket and it seems walking away. Radicus...

I almost jumped nang makarinig ako ng kung anong nabasag mula sa banyo. Agad akong pumasok and I found Mela rushing while opening a small bottle of white tablets which she took inside her mouth with her hands shaking.

"Mela?"

"Mela, are you okay?" Lumapit ako sa kanya. She stepped back. She looks horrified. She's pale and still shaking. Her lower eyes have traces of tears. She brushed her hair with her two hands. Napansin kong may diin ang paghagod nito. Seems like she's suppresing a headache. I don't know.

Radicus Alcantara (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now