B25

31.5K 1K 204
                                    

After my half-day class ay naisipan kong pumunta ng cake shop. Today is Mela's birthday. Kahit naman hindi kami ganoon kaclose bilang magkapatid, nagkaroon naman kami ng pagkakataon maging magkaibigan noong mga bata pa kami.

Troy said hindi pa pupwedeng lumabas ng hospital si Carmela. Gusto lang talaga ni dad icelebrate ng sabay ang birthdays namin. I don't have any issue with that kaya lang..I just don't want to let my insecurities grow. She's the first daughter and she gets all the attention of my dady. I don't want to end the day tomorrow na puro comparisons ang ginagawa ko.

"Armaya!!" Nilingunan ko si Prim na naglalakad patungo sa akin all with full of grace. She flipped her hair and fixed her straight hair well sabay nagpaypay ng sarili.

"Ano na? Tagal ng ritual ha!"

"Saglit. Hinihingal ako." she answered. Nang maayos na siya ay kumapit siya sa braso ko at nagtuloy kaming maglakad.

"Anong balak mo bukas?" She asked. I rolled my eyes.

"Wala."

"Anong wala?! Birthday mo bukas! Ang araw na ipinanganak ka. Ang araw na nadagdagan ng maganda gaya ko." Napailing nalang ako sa sinasabi ng isang ito.

"You know I don't get plans kapag birthday ko. I just want it to be solemn. Gusto kong magpahinga lang and do something ordinary. That's just it."

"Hindi ka man lang magpapancit?"

"Saan mo nakuha yang linya na yan?"

She shrugged.

"Kay Riley, favorite niya pancit e. Anyway! So wala kang plano bukas. Dinner nalang tayo!" I squinted my eyes on her. She didnt call him kuya. Close na sila? Something's fishy.

"Sige okay lang. Plain dinner is fine. No surprises." I said. She frowned.

"Oo na. Plain. Saan ka pupunta?"

"Sa cake shop. I' buy something for Carmela. Today is her birthday."

"Gising na ba?"

"Troy said oo, pero hindi pa pwedeng lumabas ng hospital. "

"Ah. Magkasunod pala kayo ng birthday? Ang galing ni Tito Rico ha, in all fairness sa daddy mo.  February ang favorite month niya, buti hindi naging sa monday ang birthday ni Troy?"

"Prim!" I warned her. Sumimangit naman ito. Ome thing I like about Prim, siya itong sumasalo ng dapat emosyon ko. Siya kasi itong naiinis sa daddy ko.

"I'm just saying. Bueno, mauuna na ako. Bukas ha!" nakipagbeso ito sa akin saka na tumakbo na naman paalis. What's with running? Pwede namang maglakad nalang. Hinihingal tuloy siya.

Matapos kong bumili ng cake ay dumiretso na ako sa hospital kung saan nakaadmit si Mela. Sinadya kong hindi magpasabi kahit kay Troy or dad tungkol sa pagdalaw ko. I texted Troy yesterday kung saan ang hospital ni Mela, he said sasamahan niya ako pero hindi ko sinabing ngayon ako pupunta.

I fished out my phone. Ngayon ko lang nasilip ang phone ko. Radicus texted twice. Just twice. Tinatanong nito kung nakapasok ako ng school. I haven't seen him this morning. Kagabi kasi ay late na rin kaming nakatulog.

I can't help but smile with the thought of him. Radicus always makes me feel secured sa relationship namin. I just realized nitong nagdaan para akong nangangapa sa dilim na lahat ng bagay iniisipan ko ng kung ano. This is not good. Lately, bumabalik na naman ang mga alaala kung kailan nagsimulang maghiwalay ang mga magulang ko. Sa tuwing darating ang birthday ko ganito ako.

May ganoon palang klase ng alaala. Iyon bang tipong nakakalimutan mo na, nakasanayan mo ng wala or nakasanayan mo ng tanggapin pero may darating na oras na bigla nalang itong papasok sa isip and it leaves a great impact. Emotilnally.

Radicus Alcantara (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon