B7

38.6K 1.1K 67
                                    

It was just one swift kiss. That type of kiss that you wouldn't really feel if I wasn't caught surprised. Hindi ko alam kung para saan ang halik na iyon.

But I know, it was nothing for him. After that kiss, mas mukha pa siyang nabigla sa akin. I felt rejected. It's not because I want a kiss from him! It was just, that night made me feel disgust over myself and Radicus added the burden on it dahil sa mukhang nandiri ito o kung ano man!

It's been a week after that hell incident. After Radicus saved from that incident. After that kiss that made me confused. In a week, I haven't stop thinking about his lips.

Damn!

I can't be falling right? Masyadong mataas ang kahuhulugan ko. Baka masaktan ako. Mukhang hindi lang baka, dahil alam kong masasaktan talaga ako. Anong binatbat ko sa 6 years relationship?

Because of that kiss, nadivert ang attention ko. Hindi ko na masyadong naaalala ang nangyari noong gabing iyon. It was as if that kiss has been magical to delete all those harsh memories.

Nitong nagdaang araw ay hindi ko siya ulit nakikita. I mean nakakasalubong gaya ng dati. Para bang bumalik sa dati, totally strangers. Back to zero!

I thought after that night he sort of break the walls between us. I even thought we can be friends pero sinong niloko ko? Sarili ko! Hindi ako bulag at manhid para hindi makita't mapansin na iniiwasan na niya ako!

And that is what's making me frustrated!

"Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pang may intramurals! Hindi ba pwedeng no classes nalang? Rest day ganun! Nakakatamad kaya pumasok pag intrams.."

We are walking by the corridor and Prim is talking about her intams-illness. She's really not into sports at totoo nga namang wala naman talaga kaming ginagawa sa intrams aside from supporting our teams.

"Ang nag-eenjoy lang naman sa mga ganun yung mga participants. Speaking of partcipants! Gusto kang gawing muse ng basketball team natin!"

My eyes widen not because of what Prim said but because for the first time this week, nakita ko si Radicus. He just went out from the gym. May dala itong sports bag at nakagray na shirt na basa ng pawis at jersey shorts.

"Are you even listening?" Prim asked. Alam kong kanina pa siya nagsasalita but my kind is too preoccupied.

"A-ano nga yun?"

I want to talk to him. Ask him about the kiss. Why did he even do that? Spur of the moment? Ganoon na ba ang nagagawa ng babaeng umiiyak under a shower?

Which reminds me, hindi pa ako pormal na nakakapagpasalamat sa pagliligtas niya sa akin.

"I know that expression!" Prim exclaimed.

"What expression?" Maang kong tanong.

"That I-just-saw-hot-and-handsome-Radicus Seph Alcantara expression!"

"W-what?" I stammered. Am I too obvious? I shook my head in denial. Minsan hindi ko alam kung matutuwa la ako sa pagiging observant ng isang ito.

"You're totally smitten!"

"I am not! " Agaran kong sagot. Right! I sound so defensive. Prim squinted her eyes on me.

"Come on Prim! I am not. Nagulat lang ako na nakita ko siya, wearing a jersey and he just came out from the gym."

She seems not covinced pero mukhang ikinibit balikat nalang nito. Kung ipipilit pa niya, magwowalk out talaga ako.

"Yeah. Nakita kong nakaline up siya sa basketball. Mukhang napilit siya ni coach Jess. Alam mo naman si coach, magmula ng grumaduate iyong dating team captain na si Fortalejo, naghanap na ng bagong recruits. Maybe, Radicus isn't an excpetion. Bagong titilian yan! Kasama ka na sa mga titili! God! Di ko maimagine. Armaya Nicolai Rivera raising a banner inside that freakin' gym! Huwag na huwag mo kong madadawit sa pagiging fan girl kapag nagkataon, idedeny kitang bestfriend!"

Radicus Alcantara (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon