I Miss Her (25)

Comincia dall'inizio
                                    

What. what. Ano meron?

Nagmamadali naman siyang lumapit sa akin na may Isang Misteryosong Ngiti.

"Tara na!" Mas excited niya pang tanong. Kaya nagpahila nalang ako.

"So anong gusto mong gawin?" Tanong niya habang hawak 'yong right hand ko kaya napatingin naman ako do'n at hindi ko maiwasang itago nalang ang kilig. Psh.

"Kain muna tayo para naman Maghapon tayong mag-enjoy dito" suggest ko.

Hindi na siya nag salita at dinala naman niya ako sa Food Court ba 'yon? Basta may mga upuan at mabibilhan ng Pagkain.

Umupo naman na kami do'n at sabi niya siya nalang mag-oorder. Nakita ko naman na maraming Babae ang Napatingin sa kanya—na nginingitian niya lang.

Napa crossed arms nalang ako at napakunot noo. Pero naisip ko lang na… May karapatan ba akong Magselos? Kaya Isinantabi ko nalang 'yong mga nakita ko kanina.

"Oh, bakit ka naman nakabusangot jan?" Bigla niyang tanong.

"Ambilis mo naman"

"Siyempre" sabay kindat niya sa akin.

Ayan! Ganyan nga! Siguro ginamit nanaman niya 'yong charm niya para Makabili agad. Nakakainis!

"Para kang nagseselos na ewan" ang sabi niya sabay Tilt ng Ulo niya at bigla namang Nilapit sa akin kaya napasandal ako sa upuan.

"So… are you Jealous?" Nakangising tanong niya.

Kaya napairap nalang ako sa hangin at sinabing "at bakit naman? Wala pa naman akong karapatan eh"

"Huh? Anong sabi mo?" At nilapit niya pa 'yong tenga niya sa akin.

Kaya napangisi ako at ibinulong sa kanya ang "Wala, sabi ko ILoveYou"

Napalayo naman siya agad at napaayos ng Upo sabay tingin sa Plato niya. Nakita ko namang Namumula 'yong tenga niya at napanguso pa siya. So medyo natawa naman ako sa reaksyon niya. Medyo lang.

Ayan kasi. Instead na mapaamin ako na nag seselos ako which is true eh Siya tuloy kinilig. Hehe.

"Stop laughing!" Mahinang sabi niya

Napailing naman ako "I can't. Sorry, Sobrang Cute nung Reaction mo"

Sa paningin ko buong mukha niya na 'yong Namula. Tapos 'yong kulang nalang may usok.

"Sige kapag hindi ka tumigil. Hahalikan kita diyan"

Sabi niya kaya natahimik naman ako at sinubo nalang 'yong Burger na parang walang nangyari.

Kaya ayon natapos nalang 'yong pagkain namin ng walang imikan. Inumpisahan niya kasi tsk.

Walang Imik na Hinawakan niya 'yong Left hand ko at Inalalayan akong tumayo.

#13 Hold my Hand in Public ✔

Umalis na kami sa Food Court at Pumunta do'n sa pilahan ng Anchor's away. Napalunok ako.

Shiz na malupit. Ngayon lang ako sasakay diyan. Kaya naman pasimple akong nagdasal.

Habang nakapila kami ay bigla nalang niya ako hinarap at tinignan ng diretso sa mata "Next time na sasabihin mo 'yon. Huwag mo ako biglain kasi baka malate kong sabihin 'yong I Love You Too dahil na stun ako sa pag-sabi mo no'n. Paulit-ulit kasi sa isip ko 'yon until it will reach my heart kaya matatagalan ang reply ko dahil ninanamnam ko pa" seryosong sabi niya.

Kaya 'yong puso ko nag-instant track n' field na nag-uunahan sa pagtibok.
"O-okay" nasabi ko nalang sabay tingin sa magkasiklob na kamay namin.

I Miss Her (#AAA2017)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora