chapter 14

620 21 0
                                    

Jade's Pov

Ang bilis ng mga araw lunes na naman bukas katatapos ko lang magreview naghahanda na ako mahirap nang bumagsak ..ang sakit sa ulo andaming tanong sa mga isip ko sino kaba talaga therese???anong tulong ang kailangan mo sakin?? Tatlong gabi niya na ako dinadalaw sa panaginip ko hindi tuloy ako makatulog ng maayos..

"Jade"

"Ayy kabayo" gulat kong sabi si mama lang pala ang tumawag ..

"Kakain na "

"Sige po"

Bumaba na ako ... habang nasa hapagkainan kami tahimik lang kami ni mama kumakain may problema kaya??

"Anak gusto mo bang makilala ang papa mo" napatingin naman agad ako kay mama ng nagtataka..after 15 yrs ngayon niya lang itinanong sakin yun ..

"May problema po ba" taka kong tanong ..

"Wala naman naitanong ko lang " sbay ngiti ni mama at sumubo na ng pagkain ..

Hindi naman sa galit ako sa Tatay ko pero ngayon pa na malaki na ako tsaka siya babalik syempre maraming tanong sa isip ko bakit niya kami iniwan?? Bakit ngayon lang siya?? Basta naguguluhan na ako..

"Bahala na si batman ma kung bumalik man siya edi ok basta ako masaya na ako kaht tayong dalawa lang" nakangiti kong sabi tumango naman si mama at ngumiti lang din ..

Pagkatapos naming kumain ..Pumunta na ako sa kwarto at nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga andaming nangyayari at andami ring mga katanungan sa isip ko tungkol sa school na pinasukan ko.. inilagay ko na lang ang aking kamay sa ibabaw ng aking ulo ..

At inalala lahat kung bakit nga ba ako nagtransfer ..

Flashback..

"Hi babe" tawag sa akin ng boyfriend kong si Jacob 1 month palang kami at 1 year niya akong niligawan ..ang totoo niyan hindi ko siya mahal pero gusto ko  siya kasi ang effort niya ..magkaiba naman ang mahal sa gusto diba ...

"Babe mamaya mo na yan gawin ako naman asikasuhin mo" sabi niya sakin habang kinakalikot ang buhok ko...

"Marami pa akong ginagawa jacob mamaya nalang pwede" inis kong sabi ..nanggagawa kasi ako ng DNA para sa project namin sa science...

" ano ba yan palagi nalang yang school school . Wala ka na ngang time sakin" angal niyang sabi sa akin ..hindi ko nalang siya pinansin nagkaganyan siya mula nung sinagot ko siya hindi niya ako maintindihan ..nasasakal ako sa kanya one month palang kami pero ganyan na agad siya umasta ibang iba siya dun sa jacob na dating nangliligaw sa akin ..

" nagaaral ako kaya sana maintindihan mo " inis kong sabi ..tumayo na ako at iniligpit ko na ang aking mga gamit sa bahay ko nalang tatapusin ang project namin..

" bitawan mo nga ako" bigla niya kasi akong hinawakan sa braso ..

"Hindi pwede dito kalang at sasama sa akin " galit niyang sabi ..kinabahan naman ako bigla pero hindi ko yun pinahalata..

" ano ba jacob nasasaktan ako" sabi ko sa kanya ansakit na kasi ng pagkakahawak niya sa akin ..

Mabuti naman at wala na medyong mga estudyante dito sa bench ng school nakakahiya dito pa kami nagaaway...

Sumunod nalang ako sa kanya at naupo nalang ulit para wala ng gulo ... at isa pa naiinis ako sa sarili ko bakit ba natatakot ako. ..

..

"Sorry kung nasaktan kita " biglang sabi ni jacob at makikita sa kanyang mga mata ang pagkasincere

Ngumiti na lang ako ..

"Kain tayo" yaya ko sa kanya na ikinangiti naman niya ..

Kumain naman kami sa labas halos maggagabi na rin ng inihatid niya ako sa bahay ..

Bubuksan ko na sana ang gate ng bigla niya itong hinawakan
"Bakit may problema ba" taka kong tanong sa kanya

"Wala man lang bang kiss" tanong niya sa akin habang ang kanyang mga mapupungay na mata ay nagsusumamo ...

Ikiniss ko na lang siya sa cheecks ..

"Ano ba yan palagi nalang sa cheecks gusto ko sa lips" reklamo niya sa akin habang nakanguso ..

"Alam mo naman na bata pa tayo tsaka hindi pa ako ready" paliwanag ko sa kanya palagi nalang siya nagrereklamo kung iisipin onemonth palang kami tsaka wala pa sa isip ko yun

"Yan naman palagi ang dahilan mo kiss lang sa lips hindi naman yun nakakabuntis yung mga babae nga diyan kahit hindi pa nila boyfriend may ginagawa na sila samantalang tayo girlfriend na kita  ..kiss lang sa lips hindi mo pa magawa ..Jade hindi na uso ang Maria clara ngayon"

Dumapo naman sa kanyang mga mukha ang palad ko  ...at nagmadali akong buksan ang gate at pumasok na sa loob iniwan ko siyang magisa sa labas ..ang ayaw ko sa lahat pinagkukumpara ako sa mga babaeng malalandi ..yun ba ang tingin niya sa akin isang mababang uri ng babae. Oo ayaw kong magpakiss sa lips hindi dahil maarte ako gusto ko lang na igalang niya muna ako ..

Nakita naman ako ni mama dahil nasa may harapan lang siya ng pinto ..nagkiss lang ako sa kanya ...

"San galing ang pasa mo"takang tanong ni mama habang tinitingnan ang braso ko na kaninay hinawakan ni jacob kaya nagkapasa ..

"Sumagot ka jade" galit na sabi ni mama ..

"Ma hindi naman sinasadya ni jacob nahawakan niya lang ng mahigpit kanina" paliwanag ko kay mama

"Sa susunod huwag mong hayaan na sinasaktan ka niya " sabi sa akin ni mama sabay bitaw sa braso ko

"Lagyan mo yan ng gamot"

"Opo"

Umakyat na ako sa aking kwarto  at tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha ...alam kong hindi ni mama gusto si jacob ...bakit ba napakahina ko nagiging sunudsunuran lang ako sa kanilang mga sinasabi ...nawalan narin ako ng time sa aking mga kaibigan dahil sinabi ni jacob na huwag akong lalapit sa kanila dahil sinisiraan ako ng mga kaibigan kong plastik ... naalala ko na naman ang pinagawayan namin ni jacob kanina ng dahil lang sa kiss at sa mga sinabi niya sa akin kanina nadagdagan na naman ang pagbagsak ng aking luha..

Napagod ako sa kaiiyak at dinalaw na ng antok..

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon