Chapter 48: The Redemption

182 8 0
                                    

Alexandra POV

Pag katapos naming maayos ang mga gamit namin, kaagad kaming nag bilin sa mga katulong na wag mag ingay dahil surprisa lang ang pag uwi namin dito. We were just waiting for Ash dahil umuwi pa sya sa kabilang bahay sakay ang luma nyang bisekleta para kumuha ng kotche. As usual, Christian was busy with his iPad habang si Alexander naman ay panay ang hikab. Well, it's his afternoon nap narin kaya kinarga ko na lang sya.

Pag dating ni Ash agad kaming dumiretcho sa bahay namin. Ang sabi ni Ash, wala raw doon si Trisha at ang anak nito at nasa mall. I can't wait to see them. Silang dalawa ni Nikki, pero sa ngayon, sina mommy at daddy ko muna.

"Ma'am Alex, sir Ashton?" Naka ngiting bati samin ni manong Emil. Matagal na sa amin si manong Emil at natutuwa akong makita sya dito.

"Kami nga po manong Emil. Kamusta po?" Nakangiti kong sagot ng pag buksan nya kami ng gate.

"Ok naman ma'am. Tamang tama po, andito po sina sir at ma'am."

"Manong kami na po ang bahala. Kaya na po naming pumasok." Sabi ko ng akmang sasamahan nya pa sana kami sa may garahe.

"Sige po ma'am Alex. Babalik na lang po ako sa pwesto ko." Paalam nya naman.

"Mama, naka punta na kami dito dati ni Genesis pero hindi naman po kami nag tagal kasi tinawag na kami kaagad ni mommy. Wala rin kasi noon sina daddylo at mommyla po."

"Talaga anak?"

"Opo!" Sabi nya sabay takbo papasok ng bahay ng maka baba na kami nina Ash.

"Daddylo mommyla andito na po ako!" Sigaw pa ni Christian habang papasok ng bahay.

"Your parents spoil Craig habang nasa America pa kami ni Xander." He explained. Tama, ekinuwento nya na sa akin kung papaanong nanging mommy ni Christian si Trisha. Christian used to live with Trisha bago kinuha ni Ashton ang bata. Malayo pa lang kami ni Ash pero rinig na rinig ko ang masayang boses ni Christian at ng mga magulang ko.

"Ready wife?" He asked smiling.

"More than ever husband." Sagot ko namang nakangiti.

"Then let's go."  Kinakabahan man pero  sa totoo lang I am so happy.

"Hi mom, dad." Bati ko sa mga magulang ko pag pasok na pag pasok pa lang namin sa loob ng bahay. Buhat buhat ko si Alexander na ngayon ay tulog na tutulog sa aking mga balikat habang si Ashton naman ay hawak hawak ako sa aking bewang. Naabutan naming naka upo ang mga magulang ko sa sala habang kausap si Christian.

"Daddy si Alex. She's home na!" Umiiyak na sinabi ni mommy sa daddy ko saka tumayo para salubungin kami. Wala pa ring ipinag bago ang bahay namin. My parents often fond of watching movies here in the living room kesa entertainment room dahil ganito raw ang mga kinalakihan nila noon at ng makita ko ang pinapanood nila, gusto kong matawa na maiyak. They were watching my old video. Kasama ko si Trisha sa video na yon at panay ang iyak nya dahil hinalikan sya ni Marco.

"Hindi na ako virgin Alex! Kinuha na ni Macoy yon sa akin. Best friend kita kaya ipag higanti mo ako sa kanya."

"Pero Trisha hindi ko naman alam kung papaano ko ba babawiin yong virgin mo sa kapring Marc na yon!" Naririnig ko namang reklamo ko sa video. I can't remember how young we were back then, probably 7 or 8? I remembered Marco kissed her twice na syang dahilan para maospital ang huli.

Ashton, The Invisible Husband ✔️Where stories live. Discover now