Chapter 20: Unexpected

177 5 1
                                    

Ashton POV

Again if you were to say that I was surprised is an understatement. Seeing her today wasn't expected and clearly she was on the same page as I was. Fuck! My whole body's still shaking. My mind is here and there, racing like lunatic and all was because of that stupid kiss! I shouldn't have done that, but like any other fool, I conceded to that yearning. Yielded to it's call. Kissing her was a mistake dahil kung mag papaka totoo ako sa sarili ko, babalikan ko sya and who knows who could stop me from claiming her, where it will lead us and what will happen next.

"What was that all about?" Matthew asked, hindi ko alam na naka sunod pala sya sa akin habang hawak hawak nya si Craig.

"Not now Matt at huwag mong iiwanan ang anak ko." Lost.

Lost was the right word. Now that I have seen her, know where to find her, what she was doing. I am lost. Hindi ko alam ang gagawin ko. I went back to my car hoping to buy more time. Time to think, time to adjust when I saw her walking towards her car as if the wind was carrying her.

"Saan ka pupunta Alexandra?"

Is this a dé javu? I have been following Alexandra's car for more than 30 minutes now. She was just driving without any clear destination dahil ito na marahil ang pang apat na ikot namin dito sa Roxas Avenue.

"Come on Alex, what are you thinking?! Saan ka ba talaga pupunta?" I check my gas and by the looks of it, I could still follow her until the nearest gas station. Another 15 minutes passed and this time, it looks like we're heading somewhere more specific.

"Why here Alex? Sinong pupuntahan mo dito?" I parked my car 3 meters from the gate kung saan papasok si Alex. It's an exclusive subdivision kung saan maselan ang security. Nang makapasok na si Alex sa entrance gate ng village ay kaagad na akong sumunod hanggang sa makita ko ulit ang kotche nya na pumarada sa tapat ng isang magandang bahay.

"Kaninong bahay ito? Sinong dinadalaw mo dito?" Alex got out for her car at nag tuloy tuloy sa may pintuan ng bahay saka nya ito binuksan gamit ng susi nyang hawak. "So is this where you live?" I asked disbelievingly.

Gusto kong tumawa ng tumawa. Of all the places in the world, dito pa talaga? Anong ka gagohan ba to? Apat na taon ko syang ipina hanap sa America, apat na taon rin akong naging bigo. What a cruel joke to play. Binuhay ko ulit ang makina ng aking kotche saka ako umikot pabalik sa guardhouse.

"Good morning doc." Bati sa akin ni manong Edgar. Isa sa mga patrol guard ng village.

"Good morning manong Edgar. Pwede po bang mag tanong?" Ganting bati ko.

"Oo naman doc! Unsay ato?" Balik tanong nya sa akin na ang ibig sahin, anong atin.

"Yong pulang Mini Cooper na kakapasok lang, homeowner's po ba ng village?" Tanong ko.

"Ah yong, maliit na pulang kotche na ka mahal mahal? Hay ambot na lang. (Ay, ewan na lang.)"

"Yon nga po. Taga rito po ba yon or bisita lang po?"

"Hindi po yon bisita doc. Homeowner rin po si ma'am Sandra kagaya nyo po. Dyan sa may clubhouse ang bahay nya doc, sa may phase 2." Sagot nya habang itinuturo sa akin ang lugar kung saan ko iniwan si Alex kanina. "Bakit doc, may problema po ba?"

"Wala naman ho." Kaagad na sagot ko. "Mag isa lang po ba syang nakatira don manong Edgar?" Dugtong ko pa nang maalaala ko ang lalaki na mukhang kuko ng kuto.

Ashton, The Invisible Husband ✔️Where stories live. Discover now