Chapter 50: Friendship and Love

373 6 1
                                    

"Are you sure ok lang sa kanya ang bumyahe Nikki?" Narinig kong tanong ni Ashton sa kaibigan ko and for the nth time today, he asked her again.

"Kuya Ashton naman! Kung hindi lang rin ako buntis ay sasamahan ko kayo! Alexandra is fine and besides she's only almost 4 months pregnant and you're a doctor too!" Nan lalaking butas sa ilong na reklamong sagot ni Nikki sa asawa ko.

"I'm an orthopedic not an obstetrician!" Sagot naman nito na ikina ikot lang ng aking mga mata. At bago pa sila mag patayan ay ibinaba ko na ang magazine na binabasa ko saka ako lumapit sa kanilang dalawa.

"You're a panda at isang pandang makulit. Pwede ba Ashton stop harassing Nikki." Pakikisali ko sa usapan nilang dalawa. Andito kami ngayon sa clinic ni Nikki dahil na rin sa kakulitan ng asawa ko.

Mamayang gabi ang alis namin ni Ashton pabalik ng Davao. May convention syang pupuntahan and we finally decided to sell our condominium including my house dahil dito na kami sa Manila for good. In three days we'll have our contract signing with a real estate broker who will be handling the selling of our properties habang ako naman ay para personal na maibigay ang wedding invitation namin ni Ashton sa pinsan kong si David.

"I am not. Kasi naman pweding si Trey na lang ang bumyahe pa punta doon. No need for you to go."

"At ano? Hahayaan kang dumugin at kuyugin ng mga babae mo? No way panda!" Iniisip ko pa lang abot langit na ang asar ko kay Ashton.

"At kailan ka pa naging selosa ha Alexandra?" Natatawang tanong sa akin ni Nikki.

"My loves, sagotin mo kaya ang sarili mong tanong. Kung si Troy ang aalis sa lugar na punong puno ng mga babae and some were even vocal about desiring your husband? Anong gagawin mo?" It's not that I don't trust Ashton pero sa tuwing naaalala ko ang Sofia na yon, kumukulo ang dugo ko.

"Ay ibang usapan na yon! Siempre pa, kukulot ang dugo ko!"

"Kailan pa nagiging kulot ang dugo mo Nikki?" Natatawang tanong naman ng asawa ko.

"Wait until you hear her rotten eggs." Pabulong na sinabi ko sa asawa ko na alam kong naririnig naman ni Nikki. "She'll say, isa kang mabolbol na itlog!" Na sya namang ikinatawa ng malakas ni Ashton at ikinasimangot ni Nikki.

"C'est vrai Alexandra ?" (Really Alexandra?) "Tu es contente? (Are you happy?")

"Ewan ko sayo! Wala akong naiintindihan sa French fries mo!" For the 16 years na itinira nya dito sa Pilipinas, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay balubaluktot pa rin ang dila nya when it comes to her Tagalog vocabularies and pronunciations.

Granted that her first 7 years of life existence were spent in Switzerland, then another 3 years in France when she became Alizée but her 16 years were spent here pero wala talaga. Nonetheless, we all love and need her.

"Umalis na nga kayo at may patient pa ako in 30 minutes."

"Aba, tinataboy tayo ng doctor ko panda?!" Reklamo ko pang natatawa pero tumayo na rin ako para maka alis a kami.

"We'll see you in a week Nikki." Ah! Minsan hindi ko alam kung baliw na ba itong asawa ko sadyang nangaasar lang.

"Kuya Ashton naman! Once a month lang ang prenatal unless your wife's pregnancy has a problem at walang problema kay Alex!"

Ashton, The Invisible Husband ✔️Where stories live. Discover now