Chapter 21: Dark Charcoaled Eyes met Hazel Brown Eyes..... Again

202 6 2
                                    

Ashton POV

Knowing that Alexandra and Kristina are close friends gives me fear. Paano kung hindi mapigilan ni Kristina ang kagustohang mag tanong. Paano kung mabilis pa sa alas kwarto mag one plus one si Alex at mapag dugtong nya ang tungkol kay Xander? Kailangan ko nang bumalik.

"Santino Ashton!" Siga na pukaw sa akin ni Trey.

"I'm sorry. May iniisip lang ako."

"Ash this island cost billions and the fact that you own it. Wow man!" Ha? Ano nga ulit ang pinag uusapan namin?

"Trey." Hindi ko alam kung dapat ko bang sasabihin sa kanya ang pagkikita namin ni Alex kahapon.

"You seems to be somewhere else Pfizer. Umuwi ka na at ayosin mo yang problema mo." Pinsan mo ang pinoproblema ko ngayon.

"Trey, please review these files. Wala akong naiintindihan at ni hindi ko alam kung saan ito nanggaling. What about its legitimacy?" 

"Wala Ash, lutang ka na nga. Go home." Tinignan ko si Trey, humihingi nang pang unawa. Gusto kong sabihin kay Trey ang lahat pero saan ako mag uumpisa? And what if he'll advice me to pursue annulment again, ngayong andito na si Alexandra ay napakadali na lang nito. Arrrgggg isang araw pa lang kitang nakikita, ginuho mo nanaman ang nananahimik kong mundo.

"Look man, you looked like a beaten man. Umuwi ka na. Rest and I'll talk to you again tomorrow. Sige na." Sabi nya kasabay nang pag tataboy sa akin palabas ng kanyang opisina.

"Sha sha sha." Natatawa kong sagot nang nasa may pintuan na ako. "Tawagan mo ako sa lalong madaling panahon and please keep me posted." Dugtong ko saka ako nag mamadaling umuwi. I don't trust Kristina to keep my secret and the more that I do not trust Alexandra to know my secret.

Pag dating ko ng parking area ay kaagad kong tinawagan si Kristina at nalaman kong nasa clubhouse sila ni Xander. Knowing how near is the clubhouse to Alexandra's house, ang sabihing nilipad ko ang daan pauwi ay kulang para maintindihan nino man kung gaano kabilis akong nagmaneho pauwi. Kristina can't see Alexandra yet and Alexandra cannot meet Xander yet! Plain and simple. They can't meet and they can't talk either. No, not just yet kaya ng dumating ako ng clubhouse ay kaagad ko silang hinanap only to find my son crying while Kristina was trying to console him.

"Hey handsome." Bati ko sa bunso ko. "Kristina what's wrong with Xander?"

"Doc? Eh kasi maayos po kaming nag uusap ni Sandra habang nag co color si Xander ng biglang dumating po yong asong ulol na si Timothy at sinigawan nya po si Xander."

"He did what?!" Gagong yon ah. "Tahan na Xander. Andito na si papa." Yakap yakap ko ang anak ko habang pinapatahan ko sya. Wala akong pakialam kong pinag titinginan na ako ng mga tao sa paligid dahil sa lakas ng iyak ni Xander. "Kristina naman, I told you not see Alexandra diba? Tapos dinala mo pa ang anak ko." Galit na bulong ko sa kanya habang nag lalakad kami papunta sa kotche ko.

"Well I'm sorry, your son wanted to come here and it's her son too."

"Wala kang alam." I snapped at her.

"Wala nga, pero hindi naman ako tanga para hindi makita at maintindihan na anak rin sya ni Sandra." Sagot nya na ikinalingon ko sa kanya. Teka nga muna, sino bang amo sa amin dito?

Ashton, The Invisible Husband ✔️Where stories live. Discover now