Chapter 30: Beggar of Love

154 3 1
                                    

Ashton POV

Batanes, the island of beauty and grace. Sinong mag aakala na babalik ulit ako dito sa lugar na ito? When was the last time I was here? I sighed, kahit saan ko ibaling ang aking mata wala talaga akong masasabi sa lugar na ito.

Once, I called it paradise. My own island of heaven. So many memories, my most cherished memories.

"Good afternoon sir." Masigla bati sa akin ng bagong dating na si Ryan.

"Hello Ryan. It's been a while." Bati ko sa kanya pagkatapos kong syang kamayin.

"Si sir talaga, hindi naman po gaano. You were here po 3 years ago." He said without looking at me. Hapon na at malapit na ring dumilim ang langit.

"Was it really 3 years ago?" May pag dududang tanong ko sa kanya.

"Time really flies sir."

"Tama ka Ryan, mabilis nga ang panahon. Kamusta naman kayo dito?"

"Ok naman po. Gaya po ng bilin nyo huwag na munang mag habol ng mga guests. Kaya yong mga guest natin ngayon, sila pa rin po yong mga guests na naka pag book po sa atin before your cut off order." Masigla nyang pagrereport sa status ng resort.

Nang malaman ko ang tungkol sa resort ay kaagad ko itong pinaimbistigaha kay Trey at ayon sa report ni Trey, marami ang mga dapat ayusin sa nasabing resort. 3 years ago, I went here as a guest at kahit ako ay marami ring napapansin kaya I gave the manager an order na huwag na munang tumanggap ng mga panauhin hanggat hindi natatapos ang renovation ng resort.

"Next month po doc, clear na tayo sa lahat ng guest na naka pag pa book."

"Ganon ba? Mabuti naman Ryan at nang hindi rin tayo gagahulin sa oras."

"Mabuti nga at hindi peak season ngayon, kasi doc sa totoo lang po, nakakapanghinayang rin po yong mga guests na tinatanggihan natin." Sabi nya pa. Alam ko naman yon, but we needed to do a little sacrifice in order to achieve our goal. "Sa susunod na linggo po mag lilipat na rin po kami ng asawa ko sa Itbayat para pangasiwaan yong mga dapat gawin don, chaka salamat nga pala sa libring pa bahay sir."

"Ano ka ba, siempre kinakailangan ka doon 24/7 kaya dapat lang na doon ka nakatira. Mahirap yong palagi ka na lang lalaot para makita mo ang iyong pamilya." Nakangiti ko paliwanag sa kanya. "Sa mga darating na buwan baka mas mapapadalas na ako dito dahil magpapagawa ako ng maliit na airport para sa chartered plane ng resort."

"Ay magandang ideya po yan sir."

"Ryan doc na lang o kaya Ashton. Hindi mo na ako matatanggihan ngayon dahil ako na ang boss mo."

"Di mas lalo na po sir doc." Nakangiti nya pang sinabi sa akin.

"Bahala ka na nga. Let's talk about Andrea. Hindi ko muna sya papalilipatin don sa main resort. Dito pa lang ang dami pang dapat ayosin at gagawin. I was also thinking of relocating her in Manila dahil na rin sa mga paper works at andon ang main office natin, mga ilang buwan lang naman. Teka, yong asawa nya, hindi ba seloso? Ayokong mag ka problema sa mga ganong bagay."

"Si Raphael? Hindi po sir, napaka mabait at napaka maunawain po ni Ralph kay Andy."

"Mabuti naman kung ganon. May mga anak na ba sila?"

"Wala pa po sir. Hindi pa nakaka buo eh, nag kasakit po kasi si Raphael nang mahigit tatlong taon."

"How is he doing now?" Tanong ko.

Ashton, The Invisible Husband ✔️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu