Chapter 42: My Nightmare

154 5 0
                                    

Alexandra POV

Umaga na pero hindi pa rin naka uwi si Ashton. Where could he be? Ni hindi nya man lang naalalang tumawag o kahit ang mag text man lang. Ano bang akala nya sa mga tao dito sa bahay? Halaman? Saturday ngayon kaya alam ko na wala syang pasok sa hospital at dapat kahapon pa kami andon sa kabilang bahay pero umabot na lang ng umaga eh hanggang ngayon wala pa rin sya.

"Good morning mama." Kumukusot pa sa kanyang mga mata na bumati sa akin ang bunso ko.

"Good morning baby ko." Bati ko naman sa kanya sabay yakap at halik. He always smells like a baby na talaga namang nakakagigil at kahit kelan hinding hindi ko sya pagsasawang lambingin ng mga yakap at halik.

"Mama not na po ako baby po eh." Sabay reklamo nya naman sa akin at panay pa ang iwas.

"Well? Alexander Pfizer, you will always be my baby kahit matanda ka na like mama."

"Why po?"

"Kasi po you will always be my baby."

"Mama naman eh you did not anter (answer) me po."

"See you can't even pronounce letter S properly so that only mean na your still a baby nga po."

"But I don't want to be a baby anymore mama."

"Na paano yan? Wala na akong baby?"

"Good morning mama. Ako na lang po ang baby nyo." Sabi naman ni Christian na kagigising lang rin sa tabi ko. Yes, andito ako sa kwarto ng mga bata natulog. Nagising ako kaninang alas dos ng madaling araw pero pag pasok ko ng kwarto namin ni Ashton, wala pa rin sya doon at hindi ko maiwasang hindi mag tampo. Tim showed me a picture of him and that Megan. Anong iisipin ko? Kaya imbis na sa kwarto namin ako matutulog, bumalik na lang ako sa kwarto ng mga bata.

"Kuya hindi ka na baby. Mat matanda pa ikaw takin eh."

"Ayaw mong maging baby ni mama, ako naman willing, kaya ako na lang."

"Hindi na nga ikaw baby eh!" Naasar na away nya pa sa kuya nya na ikinatuwa ko talaga. He's very cute at hindi ko mapigilang e-kompara sa sarili ko noong bata pa ako. Hahaha! Yong mga panahong ipinagpipilitan ko pang lalaki ako at hindi babae.

"Basta baby ako! Right mama?"

"Oo naman. Kayong dalawa ang mga babies ko."

"Ayaw to ma baby!" Sigaw nya pa na mas e-kinabulol nya pa at ikinatawa ko.

"Hahaha! I love you babies at kahit ano pa ang sasabihin mo Alexander, you will always be my baby anak." Sabi ko pa sa kanya.

Kung hindi kaya ako umalis, ilan na kaya ang anak namin ni Ash? Tama na Alex, don't regret about the past dahil wala ka ng magagawa don. Ngayon ka may magagawa.

"But I don't want to." Sabi nya pa rin.

"Bakit ba ayaw mong maging baby ha Xander?" Tanong naman ni Christian sa kanya.

"Eh kati I met a gel yeteday. Petty po teya mama." Sabi naman ni Alexander na ikinatawa namin ng kuya nya.

"Aha kaya pala! May crush ka na!" Sabi pa ni Christian na ikinataas ng kilay ko. Juice mio naman anak, hindi ko pa nga maayos ayos ang sa amin ng papa mo, tapos ito nanaman ang bago? Paano ako makaka pag move on kung feeling ng bunso ko ay binata na sya?

Ashton, The Invisible Husband ✔️Where stories live. Discover now