Chapter 31: You Belong To Me

166 4 0
                                    


Alexandra POV

Hapon at may meeting ang lahat ng mga guro sa gagawin naming project para sa school anniversary. Dahil may iniuutos pa sa akin si madam principal kaya pinauna ko na si Melba sa nasabing meeting. Nitong mga naka lipas na mga araw ay bagot na bagot na ako. Hindi ko alam kung side effect ba ito ng pills na iniimom ko o dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan si Ashton. I can't ask Christian too dahil hindi ko alam kung saan ako mag sisimulang mag tanong. Pag katapos kong mag ayos nang mga gamit ko uuwi na sana ako nang maalaala ko na may meeting nga pala kami.

"Melba is it true na yang friend mo ay kabit ng may asawa?" Narinig kong itinanong ni Karen sa akin kaibigan na talagang ikinagulat ko.

"Kanino nyo naman narinig yan?" Balik tanong naman ni Melba kay Karen.

"Don't be so naïve Melba, may pakpak ang balita, may tenga ang lupa. Kung bakit ka kasi nakikipag lapit dyan sa babaing yan na akala mo kung sinong santa."

"If I were you teacher Melba, layu layuan mo na yang si teacher Sandra. Bukod sa nakaka duda ang reputation nya dito sa school, maraming nag sasabi na isa syang kabit." Boses ni Gina yon, ang bestfriend ni Karen dito sa school.

"Do you have any problem with Sandra teachers? Inaano ba kayo?"

"I personally don't hate Sandra." Marriane spoke for the first time on a noncommittally tone.

"Alam mo Marriane, I've known you as a good teacher and a nice person but I don't know why you're letting yourself be surrounded with these gossip mongrels."

"Aba! Kung maka pagsalita ka akala mo ang linis mo ah!" Reklamo pa ni Karen.

"Whatever Karen!"

"Enough girls." Boses ulit ni Marriane.

"Do not say we didn't warned you Melba. Some of the parents here are actually questioning her personality. Bakit hindi? She's able to afford luxurious cars and house. Kahit ako, gusto kong mag duda eh."

"True ka dyan Gin and if I know, nilalandi lang ni Sandra ang ama ng kanyang studyante! Pumatol ba naman sa may asawa?" Sagot na talagang ikinataas ng kilay ko.

"Bitter lang kayo dahil hindi kayo ang pinapansin?"

"At bakit naman kami magiging bitter? Sino ba sya para pag selosan namin?"

"Tapos diba Karen, boyfriend nya yong laging kasama nya, yong si Tim tapos ngayon naman tatay ng student nya? At ikaw Marriane, ingatan mo yang si sir DJ at Baka masulot pa ng Sandra na yan. Wala talaga syang delikadesa!"

"I didn't know na ganya na pala kayo ka interesado sa love life ko?" Sagot ko nang hindi ko na makayanan ang mga pinagsasabi nila.

"We're not. We were just talking about who you really are Ms. Pfizer. You have been whoring around and now we have to stop you kasi nadadamay na ang kredibilidad ng school. If you'll be terminated, saan ka lang pupulutin?"

"Melba it's ok. You do not have to explain anything from them. Sino ba sila?" They're not worth it.

"Ang yabang mo ah! Hindi porket maganda ka, kung maka panglait ka akala mo kung sino ka."

Ashton, The Invisible Husband ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora