Chapter 29: Men Will Always Be Boys

146 5 0
                                    

Ashton POV

It's been 3 days now since I left. 3 days since I last hold and saw her. I looked at the place where I am at now and I can't help but to feel nostalgic. Sa bundok na ito, ang daming mga alaala. Mga lihim at mga pangako. Once, there was an old tree here. Standing to tall and proud and yet, after thousands of years, he gave in ng bumagsak ang lupang ikinatatayuan nito. I have to hire an arborist just to save that old tree and had it moved to a much safer and secured place.

"Ang lalim ng iniisip natin ah? Hmmmm, let me think? Babae?" I looked the man who stood beside me throughout the worst time of my life, Trey Faulkerson. At gusto kong matawa sa suot nyang t-shirt. Bakit naman hindi, sadyang naka sulat sa t-shirt nya ang kanyang pangalan. I'm Trey, don't be an idiot!

"Tss. How are you?" Balik tanong ko sa kanya.

"Ito, buhay pa naman."

"I don't know what's gotten into Kristina at binato ka nya ng buta."

"Baliw yang katulong mo! Mabuti na lang at hindi naging grabe ang sugat ko sa ulo." Reklamo nya na ngayon ay hinihimas ang kanyang benda sa noo. "Ikaw Ashton ha, ilayo mo yang katulong mo sa pamangkin ko."

"At kailan ka pa nag ka roon ng pamangkin kay Ashton ha Trey?" Tanong naman ni Marco na nakabalik na pala mula banyo.

"Wala ka na don. Ikaw, hanggang kailan ka mag tatago sa asawa mo?" Ganti naman ni Trey kay Marc.

"I wasn't hiding. Just trying to gather some strength." Some strength my ass, bulong ko sa sarili ko. Kaya nga ba ako andito dahil nag sumbong sa akin si Trisha.

"Ang sabihin mo, duwag ka pala!" This the me, it was Troy, who also wore his tandem t-shirt with a print that say, I am not the boring Trey, idiots!

"Teka, at baka dito pa kayo sa bahay ko mag away away. Doon na nga tayo sa may gazebo at baka may isa pa sa inyong mag wala at maisipang ihagis ang bawat isa sa paanan ng bundok." Awat ko sa kanila. When they found out that I was here, immediately sinugod ako ng tatlo dito para lang mang gulo.

Andito kami ngayon tuktok ng bundok kung saan matatanaw mo ang lahat, sa ibaba nito, mga ilang baitang lang mula sa aming kinatatayuan ay ang gazebo na ipinasadya ko para tambayan namin kagaya ngayon. Nang bumigay ang matandang puno, sinubokan ko ulit na mag tanim nang panibagong puno, luckily, the tree is now beginning to sprout into a small tree. Sa malayo, hindi mo malalaman na isa itong puno kundi isang halaman lamang. 

"Maswerte ka at ok kayo ng asawa mo. Tignan ko lang kung sayo mangyari ang nangyari sa akin, tignan natin kung kakayanin mo."  Balik naman ni Marco kay Troy nang maka upo na kami ng maayos.

"Ours wasn't made of bed of roses Marc. Dati akala ko madali lang. At least kami ni Ysabel, nag simula sa pagiging mag kaibigan. Sabi ko, kaya ko, as long as andyan sya but I was wrong." Sabi nya sabay tingin sa akin. "I honestly don't know how you survive Ash, dahil sa totoo lang nakaka baliw."

"What do you mean Troy?" Tanong naman ni Trey sa kapatid nya habang kumakain ng pizza.

"Mahal na mahal ko si Ysabel, yet she was in love with someone else. Tang ina, sayo pa talaga Ashton!" Sabi nya na ikinagulat ko. I didn't know that. "I was never her first option, I was always the substitute one. Pero sabi ko, ok lang. We're friends, hindi gaya ni Ash na panda na nga, mortal enemy pa ni Lexi." Gagong to, pinagtawanan pa ako. "But I was so wrong. Mas mahirap pala yong friends lang kayo. Alam mo yong, lahat ng kilos nya, tinatantya ko? Yong, you see her smiling but it wasn't meant for you. Yong, makikita mo syang naghihintay pero hindi para sayo. Yong alam mong tumitibok yong puso nya pero hindi para sayo at ang masakit pa, dahil friends kami, I have to be there for her. To wipe away her tears, to tell her, it's ok, to tell her, I'm here. Tapos yayakapin ka nya ng mahigpit, only to be told, I miss being in his arms Troy." Mag sasalita na sana ako dahil ni minsan, hindi ko naman niyakap si Nikki pero umawat si Troy at nag patuloy. "Not you idiot." Sabi nya sa akin. "Point is, ang sakit. Potcha tuwing binabalikan ko ang mga panahong yon, gusto kong mag wala. Ako ang kayakap, pero hindi ako ang gusto nya. Kaya Ash, saludo ako sayo tol. Nakayanan mo!" Sabi nya pang natatawa.

Ashton, The Invisible Husband ✔️Where stories live. Discover now