chapter 9

729 29 12
                                    

Jade's Pov
Excited na akong umuwi last subject nalang kasi ito ..napalingon naman ako sa aking mga kaklase sobra kasing sakit sa tainga ang boses nila lalo na yung dalawang alalay ni elisa daig pa ang nakalunok ng microphone ...

"I miss them" paririt ng kaklase kong babae

"Nabuo na ulit ang trio team" sigaw naman ng isa

"Ang saya nila daig pa ang nakakita ng artista..ang babaw ng kaligayahan" nasabi ko na lang sa sarili ko habang napapailing.. at dahil nabuhay na naman ang pagkacurious sa aking katawan. tiningnan ko narin kung sino ang pinagtitilian nila ..nakita ko naman na sila sleepy boy at ang dalawa niya pang kasama..kaklase rin pala namin ang dalawang kasama ni sleepy boy... pero bakit ngayon ko lang sila nakita??? Natanong ko na lang sa aking sarili... hindi rin maitatanggi na ang gagwapo nila.. yung isa medyo may kulay ang buhok at singkit halata na ang pagkababaero kasi kanina pang kindat ng kindat eh wala nmang mata dahil singkit at daig pa ang nageesponsored ng close up dahil ngiti ng ngiti sa mga kaklase kong babae ...yung isa naman na kalapit ni singkit ay medyo may pagkanerd dahil sa salamin niyang suot pero nababagay naman sa kanyang mukha ang suot niyang salamin at lalong nagbigay ng pagkaattractive sa mga babae.. si sleepy boy naman ganun parin nakaPokerface lang at seryoso ...haynaku hindi ko nalang sila pinansin hindi naman uunlad ang buhay ko kapag pinansin ko pa sila tumingin nalang ako sa pangit na view sa labas ..napansin ko naman na umupo sa likuran ko yung singkit tapos sa kaliwa ko naman ay yung nakasalamin at sa kanan ko ay si sleepy boy ..bale ganto ang pwesto namin

Singkit(mark)
Nakasalamin(andrei) ako sleepy boy

Nagbulungan naman ang mga classmates kong inggitera ..

"Aisshhh bakit katabi ni Lopez silang tatlo" sabi nung kaklase ko sa bandang unahan

"Ganito nalang.. bakit hindi nalang natin paalisin si lopez" sabi naman ng isa ..mayroong mga sumangayon sa nagsuggest na yun..

Napatayo na lang ako sa inis.. ano sila owner ng school para basta basta magpaalis
"Kung wala kayong magandang sasabihin pwede bang tumahimik na lang kayo at isa pa kung magbubulungan kayo yung hindi ko maririnig" sigaw ko sa kanila at padabog akong naupo kasabay ang pagtingin ko sa kanila ng masama..mukha naman silang napahiya kaya mga nagsitahimikan sila pero yung iba naman ay patuloy parin sa pagbubulungan ... napansin ko naman si elisa na masama ang pagkakatitig sa akin isinawalang bahala ko nalang ito dahil ayaw ko na ng gulo..

"Chill" sabi nitong nasa likuran ko.. may nalalaman pang patapik tapik sa aking balikat ... FC lang si kuya ...

Tiningnan ko lang siya ng masama

"Oh huwag ka sa akin magalit" sabi niya saakin habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko

"By the way im Mark Virgilio Tan" pagpapakilala niya sa akin habang nakalahad ang kamay... kaya pala singkit ito may lahing intsik ...

"Jade...Jade Marie Lopez" sabi ko naman sa kanya habang nakikipagshakeshand

"Hi im Andrei Paul Martinez" sabat naman nung nasa kaliwa kong lalaki nakipagshakeshand narin ako mukha naman silang matitino kaht papaano..

Dumating narin yung magtuturo sa amin kaya nagsipagbalikan narin sa mga pwesto nila ang mga kaklase ko .nagsimula na ang discussion, tahimik lang akong nakikinig napansin ko naman na walang balak makinig tong tatlong nasa tabi ko kasi si sleepy boy as usual tulog na naman si mark naman bala-bala nagsusulat pero nagdadrawing lang at ang malala pa yung teacher naming panot ang dinodrawing, si andrei naman nagbabasa lang ng novels ..mga wala talaga silang balak matuto..

Pinagpatuloy ko lang ang pakikinig nang namalayan ko na ipinatong ni mark sa aking armchair yung papel na may drawing sa panot naming teacher ..masama ko lang siyang tiningnan at ibinalik ko sa knya ang drawing ..

"Ano ba ginagawa mo" inis kong tanong sa kanya kasi pangatlong beses niya ng inilalagay ng pasimple sa table ko yung drawing..

"Nilalagay ang mga drawing na ito sa table mo" bulong niya sakin

"Pwede ba tigilan mo ako" sabi ko sa kanya... ang gulo kasi niya hindi ako makapagcocentrate sa lesson

"Paano kong ayawko" pangaasar niya pa sa akin ..

Iimik na sana ako sa kanya nang namalayan kong nasa harapan ko na ang isang bulto ng tao ..ang teacher naming panot ang sama ng tingin sa akin ..

"What are you two doing" tanong niya sa amin habang si mark naman ay patawa tawa lang

"Sir im so so-" naputol ang aking sasabihin ng bigla niyang hinablot sa akin ang hawak kong mga drawings na galing kay mark

" anong ibig sabihin nito ms. Lopez" galit niyang taong sa akin pinagkakatinginan naman ako ng mga kaklase ko na tuwang tuwa pa na napagalitan ako

"Sir i apologize but that drawings are not mine" paliwanag ko sa kanya

"Kanino ito galing" inis niya ng tanong sa akin
"Kay mark po "turo ko kay mark

Tumingin naman si Sir kay mark na umuusok na ang ilong sa galit ikaw ba naman ang idrawing na ang itsura ay si satanas na mukhang baboy na hindi tinubuan ng buhok sino ang hindi magagalit ...

"Explain this Mr. Tan" galit na sabi ni sir

"Sir hindi po sa akin yan kay Andrei po yan" tanggi ni mark sabay turo kay andrei na kasalukuyang napatigil sa pagbabasa..

"Mr. Martinez" anak ng kung bumubuga lang ng apoy si sir kanina pa kami nito nabugahan

"Sir hindi po sa akin yan sa kanya po" turo naman ni andrei kay sleepy boy na kasulukuyang natutulog parin ..napailing na lang ako dahil naging mas kumplikado ang lahat

"Mr.Medina can you please wake up and explain this" sigaw ni sir kay sleepy boy habang ipinapakita ang mga drawing..nagising naman si sleepy boy habang kinukusot pa ang kanyang mga namumungay na mata

"Oh whats that.. The devil pig" sabi niya habang nakaturo siya sa mga drawings na pinapakita ni sir sa kanya..tulog pa ata tong isang to sapakin ko kaya ng isa ng magising ..

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni sleepy boy kahit nga ako gustong matawa narin pinipigilan ko lang baka kasi lalong mapasama eh..

Tuluyan na talagang magbubuga ng apoy si sir sa galit buti nalang talaga hindi siya dragon kung dragon toh baka kanina pa kami naging abo...

"Hindi sa akin yan ..can you see im sleeping " patuloy niya pang sabi

Kinakabahan ako sa mga nangyayari ano na naman ba ang napasok kong gulo nakakainis..

"Wala ba talaga sa inyo ang aamin ..go to to guidance office now" galit na sabi sa amin ni sir napatayo naman kaming apat at lumabas na agad baka kung ano pa magawa sa amin ni sir eh...

pansin ko naman na nagpipigil ng tawa si mark at si andrei naman ay inis sa ginawa ni mark na pandadamay si sleepy boy naman ganun parin parang walang paki alam na maguiguidance kami ...at ako eto nagaalala na mapagalitan ni mama wala pa akong isang buwan s school na ito naguidance  naagad ako..

Hay buhay ...

_____itutuloy____^_^

May tanong ako Sino na ang naguidance sa inyo  :)???? Taas ang paa ...btw salamat sa mga nagbabasa  =))

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon