Day 367 : August 5

Comincia dall'inizio
                                    

He's actually very strict about it. I have a three-inch scar sa kanang balikat ko na lagi niyang hinahalikan. May scar din ako sa right rib area due to pneumothorax at stitch sa naging injury ko sa tuhod. Nilalagyan niya ng scar treatment lahat ng pilat ko.

"You should. Jianna took good care of you at the lab, even when you were difficult," sabi ni... Mom.

Helga giggled. Mukhang siya ang nagsabi.

"Gano'n kasi ang tunay na pag-ibig, 'My. Makapangyarihan," sabi ni Harry at mahinang tumawa.

Hindi ako makatawa dahil nakatingin pa rin sa'kin ang parents nila.

"Let's go na po, Dad, bago ma-heart attack si Ate Jia. She looks frozen," singit ni Helga at kumabit sa braso ko. "Let's go sa sasakyan, Ate. Sina Kuya at Dad na ang bahala sa baggage."

"Huh? Wait--"

"Kulit, dahan-dahan sa paghila sa tunay kong pag-ibig! At kami ang magkatabi sa sasakyan. 'Wag kang sisingit," bilin ni Harry.

Umirap lang si Helga at hinagip ang braso rin ni Mommy. "Let's go, 'My."

Nauna kaming tatlo na maglakad papunta sa exit. Paglingon ko, nakita kong nag-uusap sina Dad at Harry habang hila nila yung dalawang maleta namin. Sukbit ni Harry yung handbag ko. Pagsulyap niya sa'kin, kumindat siya at ngumiti.

I blushed. Pa rin.

***
"The flowers are okay pa diyan sa likuran?" tanong ni Mommy.

"Yes, 'My," sagot ni Helga.

"Watch for all the suitcases. Baka matumba at maipit ang bulaklak. Susungitan ka na naman ni Kuya mo," mababa ang boses ni Mommy nang sulyapan si Harry na natutulog sa tabi ko. "Malubak. Malapit na tayo kay Neah."

Harry's a sleeping octopus. If we're in bed, we're going to be tangled--with the real sense of the word. Pero dahil nasa second row lang kami ng van nila at napapagitnaan nila 'ko ni Helga, pinakabit na lang niya 'ko sa braso niya bago hinawakan ang kamay ko. He wanted to hold both of my hands but we dismissed it since it was impossible; maliban kung yayakapin niya 'ko. I strongly decided against him hugging me in front of his parents, kaya isinandal na lang niya ang ulo niya sa balikat ko.

"I'm looking after the flowers, 'My," sabi ni Helga at bumaling sa'kin. "Okay ka lang, ate? Dikit na dikit si Kuya sa'yo."

"Yeah," bulong ko. "Sanay na 'ko."

"Ang bilis mo masanay."

"Fast-learner ako," sabi ko.

She giggled. "Fast-learner ka nga. Nakukuha mo na language ni Kuya."

Huminto ang sasakyan sa harap ng sementeryo kung nasaan si Neah. Lumingon si Dad sa'min--kay Harry.

"Patulugin pa natin siya nang kaunti. He's tired."

Ngumiti ako kay Dad at napapisil sa kamay ni Harry. Sa buong biyahe, habang tulog si Harry, ay ikinuwento ko sa kanila kung gaano ka-busy ang anak nila sa eroplano. They thanked me again and again for being with him, na parang hindi matatapos ang pasasalamat nila.

Wala naman akong ginawang notable.

After about ten minutes, nagmulat si Harry at bumaling sa amin.

"We're here?" he asked, his baritone deep from sleeping. He looked outside the car.

"Yes. Kawawa ka kasing natutulog kaya pinaidlip ka pa namin," sabi ko sa kanya.

Isinuklay niya ang daliri niya sa buhok niya. Napasapo sa mukha. "I'm okay. Ikaw?"

"I'm good."

"Tara kay Neah?"

Tumango ako.

"Mauna na kayo, Harry. Kami na ang magdadala ng mga pagkain," sabi ni Mommy.

Sumang-ayon si Harry. Iniabot ni Helga ang bouquet ng bulaklak para kay Neah bago kami tuluyang lumakad.

We entered the dimlit cemetery and crossed several pathways.

"It's your first time to be here?" untag ni Harry.

"No. Nakabisita na 'ko sa tomb niya nang ilang beses. Nami-miss ko lang lagi ang anniversary since parehas sila ng anniversary ni Mommy," sabi ko.

"Oo nga pala. We'll go to your Mom tomorrow."

"Pwede namang ako lang. You should rest. May lab ka sa Monday."

"And missed the chance to meet your parents? No. I'll be with you. Do'n na 'ko manggagaling sa'yo bago pumunta sa lab."

I couldn't argue.

We arrived at the mausoleum. Gated. Nakatakas sa rehas ang ilang stalk ng bulaklak na nakatanim sa loob mismo ng museleo.

Kinuha ni Harry sa pants niya ang susi at binuksan ang gate. Nasa gitna ang puntod ni Neah.

He held my hand and sighed before we entered. We stood in front of Neah's epitaph.

"Jineah," he said, "we're here."

Napalunok ako sa lumanay ng boses niya. Sanay na akong marinig siyang binabanggit ang pangalan ni Neah ng may lambing, may lungkot, at may pagmamakaawa... pero iba ang boses niya ngayon: magaan, masuyo.

Ibinaba ni Harry ang bulaklak sa harap ng puntod.

"I told you I'd bring her the next time I visit," simula niya at lalo akong hinigit sa tabi niya. "We look good together, right?"

Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa pangalan ni Neah.

"You didn't fail in bringing me happiness and love, Neah. You lead Jianna to me. Obviously, too. And she is all the happiness and love I would need in this life. So, rest easy now. I'll make her happy the way she makes me."

Ngumiti ako at kumapit sa braso niya. Bumaling sa'kin si Harry at hinalikan ako sa sentido.

"Ikaw, Aling Jia? May sasabihin ka kay Aling Neah?" tudyo niya.

Idinikit ko lang ang pisngi ko sa braso niya at ngumiti. "Nasabi ko na."

"Talaga? Parinig."

"Ayoko nga. Sabi mo, don't make you too happy."

"I want to be too happy now," giit niya.

"No," sabi ko lang.

"Isusuko mo na agad ang kaligayahan ko, Aling Jia? Unfair."

Pero ngumiti na lang ako. I lied. Wala pa 'kong sinasabi kay Neah dahil nakikinig ako sa kanya.

"Nandito rin sina Mommy, Daddy, at Kulit. Dala namin 'yung mga pagkaing gusto mo," dugtong ni Harry.

Pinakawalan ko ang hangin sa dibdib ko. This feels too good. I thought I'd feel awkward to stand beside Harry in front of Neah. But I felt fine.

Hey, Neah. He's doing well. You can see it, right? I'll do good with the promise I made you: I'll love him thoroughly and completely. I'll love him without regrets.

Ilang sandali pa, narinig namin ang mga yabag nina Mommy, Daddy, at Helga. Pumihit kami ni Harry para sumalubong sa kanila.

We stayed with Neah until seven in the evening. #0453h / 03032017

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora