Day 367 : August 5

Start from the beginning
                                    

"Why are you laughing?!" sita ko.

Pinisil niya ang ilong ko. "Ang cute mo ma-tense, Jianna. Relax. They will love you. Ako nga, na-RIP sa'yo, eh. Malinaw mata nina Mom at Dad. Madali nilang makikita kung bakit kita mahal."

Inangilan ko siya pero pinisil niya lang uli ang ilong ko.

"Eat. Sa pagkain ka bumawi kapag pagod ka. I'll nag on you if you don't," sabi ko.

"Nag ka lang. Sa mga ganyan ako nai-in love sa'yo eh."

I glared at him but he already shifted his focus on food.

"Tikman mo 'yung pasta ko," he said and offered me a fork of pasta.

I opened my mouth to his offer.

"Good?"

I nodded when the sour flavor flooded my taste buds. Ngumuya ako. My pasta's white and his is red. Alam kong nililibang niya 'ko para hindi ko pansinin na pagod siya. I'll go with it for now but he won't be able to escape my nagging if he's pushing himself to his limits.

"It's okay kahit mapagod ako ngayon basta katabi kita matulog mamaya. Inaayos nila 'yung guest room kaya kuwarto lang namin ni Helga ang available," sabi ni Harry.

I was about to open my mouth but a voice interrupted me.

"Hindi mo makakatabi si Ate Jia kasi sa kuwarto ko raw siya matutulog, sabi ni Dad."

Napabaling ako kay Helga na nasa tagiliran ng upuan ko.

"H!"

"Hello, Ate! Welcome back!" bati ni Helga at yumakap sa'kin.

Gumanti ako ng yakap at bahagyang nakita ang pagsimangot ni Harry. Then, their Dad and Mom came into view.

"Mabuti na lang at napaaga ang arrival n'yo. Hindi pa traffic," their Mom said.

Napatuwid ako ng tayo sa harap ng dalawang bagong dating, bago natigilan. Their Dad looked very familiar. He's the family friend from when I was hospitalized.

"You're here," sabi lang ni Harry bago yumakap sandali sa parents niya. Ang higpit ng yakap ng Mommy niya, parang ayaw siyang pakawalan. Then he stood beside me and held my hand. "Si Jianna po, mamanugangin n'yo."

I flashed what I thought to be my best smile. Pero mahirap panindigan. My heart labored in my chest. Tension weighed in my stomach. I'm sure na namumutla ako.

Harry made the formal introductions. Si Doctor Patrick Lastimosa, neurosurgeon. Si Doctor Ludy Lastimosa, cardio-thoracic surgeon. They both smiled at me, but the knot in my stomach tightened. Nakatitig kasi sila.

Umakbay si Harry sa'kin. "'Ayun. Naninigas na si Jianna, Dad."

Pinanlakihan ko ng mata si Harry bago ako bumaling sa Dad niya. Huminga ako nang malalim.

"Uh... You're the man in the hospital po, right? Ano... thank you for looking after me po." I bit and un-bit my tongue. I don't know what to do with my words to translate everything I wanted to say. Ilang ulit dumalaw ang Dad niya no'n sa'kin para i-check ang kondisyon ko.

Ngumiti si Dr. Patrick. "My son left me with no choice. Kung hindi ako personal na titingin sa'yo, this stubborn boy would have insisted in coming to the hospital himself even with the wrath of the director. Matitigas ang ulo ng mga anak ko kapag umiibig."

Sabay kaming napangiti ng Mom nila bago ito naman ang nagtanong. "How are your injuries, Jianna? You healed well?"

"Yes po, Tita--"

"Mommy," sabay na singit nina Harry at Helga.

"--Magaling po ang doktor ko."

"I looked into her scars when we're in Minnesota, Mom. She healed well," sabi ni Harry.

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Where stories live. Discover now