82: Hallucination

31 4 0
                                    

82: Hallucination

Panay ang tingin sa akin ni Brayden kinaumagahan. Ganon rin ang mga taong nasa paligid namin. Kahit si Camilla ay dudang duda na dahil kanina sa almusal namin ay tumabi sa akin si Reniel samantalang bihira lang kaming mag-usap pero ngayo'y nagagawa pa niyang paglagyan ako ng pagkain sa aking pinggan. Isang beses nga ay lalagyan na sana ng pagkain ni Brayden iyong plato ko pero naunahan na siya ni Reniel. Brayden almost freak out after that breakfast but I walked out because I don't know how to say it to him. I don't know how can I explain everything that is happening to me and Reniel. Kahit nga ako ay naninibago rin.

Our taping was moved to next day dahil sa ilang staffs at mga gamit na kailangan sa shooting na ngayong araw lang dumating. Everyone is happy dahil makakapamasyal pa daw. Nanatili lang ako sa aking kwarto dahil hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa mga tao. All of them has this kind of queries in their eyes that I can't answer. Especially Brayden. I know, for sure, that there's something going on in his mind but he needs a confirmation from me.

Pagkatapos ng lunch ay minadali kong tapusin iyong pagkain ko dahil naasiwa na talaga ako dahil sa mga ginagawa ni Reniel. Hindi ko alam kung naka-usap na ba nila si Reniel o ano pero ayoko ng ganitong set up. Lalong-lalo na na ang alam nilang lahat na girlfriend ni Reniel si Camilla. Baka sabihin pa nilang nanulot ako ng boyfriend ng iba na hindi ko naman ginawa.

Nanlaki ang mga mata ko ng may kamay na pumagitna sa pintuan ng elevator at nakitang si Reniel ito. Kaagad siyang pumasok at tumabi sa akin. Papasara na ang pinto ng makita kong tumatakbo naman si Brayden para makahabol ngunit tuluyan ng sumara ang elevator at nagsimulang umakyat.

"May problema ba? Bakit di mo 'ko pinapansin? Ang tahimik mo lang rin."

"Reniel, mali ata 'to. Hindi tama 'to."

"What? What is wrong? Sabihin mo."

"What they know is you and Camilla are together and suddenly you will come with me and treat me like that? Of course they will think something about us!"

"And so?"

Napairap ako sa sinabi niya. And so? Talaga lang ha? Wala lang siyang pakialam?

"They will think that I stole you from her. It will only be a good thing if they will think about us is that we're friends since high school. Pero magdu-duda pa rin sila dahil ilang buwan na tayong nagkikita pero minsan lang tayo mag-usap at minsan naaabutan pa nila tayong nagbabangayan."

"Stop worrying, okay? I don't want you to be stressed. They all know that Camilla and I are not in a relationship."

"What? Then why they keep on saying that you both are together?"

"I don't know. Maybe because of our closeness? They asked me about that already years ago and I told them that we're only friends." Aniya.

Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Hindi nga ba talaga sila? Lumabas na ako ng elevator at dumiretso na sa aking kwarto. Nabigla ako ng makita si Reniel na naka-sunod lang pala sa akin. Siguro di ko siya napansin dahil sa masyadong pag-iisip.

"What are you thinking?" tanong niya habang sinusuyod ng tingin ang kwarto ko.

"Then why Camilla told me that you and her are in a relationship? She told me that you love her."

Kaagad na nasa akin ang atensyon ni Reniel ng sabihin ko iyon. Halatang nagulat siya.

"Nagka-usap kayo?" tumango naman ako sa kanya. "Kailan?"

"Do you remember the issue about me and Camilla that she acted way of violent because of jealousy?" siya naman ang tumango ngayon. "That was the day when we talked and told me everything about you two," tumawa ako ng mapakla ng maalala iyong mga sinabi niya patungkol sa kanilang dalawa ni Reniel.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon