38: Kaitee

35 6 0
                                    

38: Kaitee

Ilang araw na ang lumilipas simula ng turuan ako ni Brayden mag-surf. Hindi nga lang nauulit iyon dahil natatakot siya baka daw mahulog ulit ako at mawalan na talaga ng malay. Pinilit ko siya nun pero ayaw na niya. Natakot na daw siya na baka maulit iyon.

Well, I know swimming pero nung time na yon ay nataranta ako kaya hindi ko alam ang gagawin ko at natulala nalang sa langit.

Nag-start na rin ang klase ko kahapon. At narito na naman ako. Hapon na kaya gusto ko ng umuwi pero may klase pa ako. Medyo nahihirapan akong mag-adjust. Walang masyadong friendly eh. Or maybe they find me weird kaya kahit yung mga nerds dito ay di rin ako pinapansin. I dressed fine. I'm always updated sa mga fashion trends kaya nakakapagtaka kung ayaw nila sa pananamit ko. At nosebleed! Lahat ay englishero! Malamang dahil nasa Amerika ako pero pakingteyp talaga.. Minsan hindi ko na maintindihan mga pinagsasabi nila eh.

Sana yung mga nakilala ko eh dito nalang nag-aaral para may mga kasama ako.

Ilang araw nalang din ay balik trabaho na si Brayden. Palagi kaming nagkaka-text at minsan ay pumupunta siya ng bahay or pinapasyal niya ako. Close na din sila ni Kuya at okay lang kina mommy at daddy na nandon siya.

About sa mga taong iniwan ko sa Pilipinas ay hindi ko na masyadong nakaka-usap. Busy na kasi sila at wala ng panahon para magkasundo ang mga oras namin. Different time zone sucks.

And Summer Wind is doing great. Magkakaroon na nga ata sila ng concert eh. And available worldwide na ang kanilang debut album. Agad akong bumili nun sa takot na baka maubusan ako. Kahit mga posters ay meron na ako. At ilang mga stuffs na available ngayon sa mga stores. Tanging internet nalang ang nag-uugnay sa akin sa kanila. Tanging internet nalang ang dahilan para maging updated ako sa mga pangyayari sa career ng Summer Wind.

"Did you hear the news?" rinig kong tanong nung nasa likuran ko.

Ang lakas ng boses eh. Kahit nagdidiscuss ang teacher namin ay talak ng talak naman siya. Kahit bulong lang yan ay rinig na rinig parin.

"What news?" isa pa 'tong katabi niya eh.

"That James Brayden is in school? I mean.. just some sources said that he's here.. in school grounds or maybe just near the campus. No one saw him here so maybe he's outside, having a coffee few meters away from here." masayang balita nung isa sa kaibigan.

Naalala ko bigla yung mga pag-uusap usap naming magkakaibigan patungkol sa mga lalaki. Nakaka-miss ang samahan.

"Oh really?! Oh my gahd! I want to see him! Gosh!" tugon ng isa.

But wait. They're talking about James Brayden. Is it true that he's here? Then what is he doing here? I should ask him. Ay! No. I shouldn't. I must let him text me first that he's here. But the idea that he's here? That's..  strange.

Mabuti nalang at ni-dismiss na kami ng last subject teacher namin. Yun din pala ang  pinag-uusapan ng mga kaklase ko. May nakita pa nga akong halos manisay sa kilig habang nag-iimagine na kasama niya si Brayden. Kahit sa hallway ay yun ang usap-usapan. Paano kaya iyon napunta sa school namin? Paano kumalat?

"Hey."

Napatalon ako ng may mag-salita sa gilid ko. Agad kong sinara ang locker ko para makita ang nag-salita.

"Did I shocked you?" mahinhin niyang tanong.

"Uh, no. It's okay. Is there anything you need? Anything I can do?" magalang ko naman na tugon.

"Oh.. No. No. I just find you quite. You were too silent. I've been observing you since yesterday. So it was you who are new to this school. You're a Filipino, right?"

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Where stories live. Discover now