23: Last Time

43 5 0
                                    

23: Last Time

Nanatili kami sa ganoong posisyon. Niyayakap ko rin siya pabalik. Ni-ayaw ko na ngang humiwalay dahil baka kapag kumalas ako ay mawawala na ako at di ko na siya makikita pang muli.

"Uwi na tayo. For sure, hinahanap ka na nila." aniya.

"Huh? No. Please, wag muna tayong umuwi." paki-usap ko.

"Riel, kailangan mo ng umuwi para hindi ka mapagalitan. Para hindi ka na ma-grounded."

"Lulubusin ko na ito. Please, punta nalang tayo sa condo mo."

Hindi na siya pumalag at sinunod ang gusto ko. Pagkadating namin ay naroon ang kanyang dalawang kapatid. Nahiya naman ako dahil bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka. Baka ano pang isipin nila kung bakit kami nandito. Omg! Bakit ako nag-iisip ng ganon?

"Ruvic, Ryla.." tawag niya sa mga kapatid. "Ito si Ate Katriel. Remember?"

"Ah! The one you're always talking about?" anang bunsong kapatid.

Napatingin naman ako kay Reniel. Lagi niya akong kinukwento sa mga kapatid niya?

"Yes," he confidently answered. "Uh, Riel, these are my siblings.. Ruvic and Ryla."

"Hi Ate pretty!" nabilaukan pa ako ng sariling laway nang binati ako ng bunsong kapatid niya na si Ryla.

"Hello po!" pag-bati naman ni Ruvic.

"Hi!" masigla kong bati sa kanila.

"Ano pala ang ginagawa niyo dito? Si Mommy?" tanong ni Reniel, nag-simulang e-unbutton ang kanyang polo kaya napatingin ako sa ibang direksyon. "Ay sorry! Sorry! Ano.. nakalimutan ko na.." agad niyang paumanhin, di matuloy-tuloy ang sinasabi.

"Hala! Yan kasi! Feeling model hindi naman maganda ang katawan!" pagbebelat ni Ryla sa kanyang Kuya.

"Hoy! Anong hindi maganda? Toned body kaya ako!" pagmamayabang niya.

"Ewan ko sayo Kuya! Mag-bihis ka na nga sa kwarto mo! Nakaka-hiya kay Ate Ganda! Hihi." hagikhik ni Ryla saka hinila ako papuntang living area.

Nakita ko naman ang naka-on na tv.

"Marunong po ba kayong mag-laro nito?" tanong ni Ryla.

"Ahm, konti."

"Yay! Laro tayo! Sige na po, Ate!" pamimilit niya.

"Pero Ry tayo yung naglalaro," singit ni Ruvic.

"Kuya, kanina pa tayo naglalaro tsaka dinadaya mo lang ako lagi, eh."

Wala nang nagawa si Ruvic at pinag-bigyan ang kapatid saka binigay sa akin ang joystick. Nag-simula naman na kaming mag-laro at natatalo niya ako kaya tuwang-tuwa siya.

"Nananalo ka lang naman kasi hindi pa ganon ka-expert si Ate Katriel, eh." ani Ruvic.

"Kahit na! Inggit ka lang. Hahaha!" sabi naman sa kanya ni Ryla.

"Ayoko na. Ikaw naman Ruvic?" tanong ko.

"Huh? Bakit? Sige na Ate, laro pa tayo?" umiling lang ako sa kanya. "One last game?" hindi na ako naka-tanggi dahil todo pamimilit na si Ryla.

Natapos na kaming mag-laro at binigay ko na kay Ruvic ang joystick at sila na ang nag-laro habang pinapanood ko lang sila. Dinadaya nga ni Ruvic ang nakababatang kapatid kaya lagi namang ngumangawa si Ryla.

"Ayoko na! Ang daya-daya mo, Kuya!" medyo nagtatampo na ang boses ni Ryla pero tinawanan lang ni Ruvic.

Medyo natawa naman ako sa kanila at pinalapit ko nalang si Ryla.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Where stories live. Discover now