77: Meeting

40 5 0
                                    

77: Metting

Naglakad-lakad ako sa labas. Wala akong pake kung nakikilala ako ng mga tao. May kumukuha ng picture sa akin. May nakikipag-picture pero nginingitian ko lang at hindi na ini-entertain. Lutang ako ngayon. Wala masyado sa sarili. Hindi ko nga alam kung bakit ganito. Kung bakit parang wala ako sa sarili. Nakita ko nalang ang sarili ko na naka-upo na sa isang bench sa isang park. Hindi naman matao dahil siguro sa gabi na. Tanging mga kabataan nalang at iyong walang matuloyan ang narito.

"Katriel?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Oh my god! Katriel, you're here! Ang ganda ganda mo na lalo. Pwede pa-picture?"

Wala na akong nagawa kundi ngumiti sa harap ng camera niya. Hindi ko man siya maalala pero alam kong kilala ko siya.

"Oh! Nakalimutan ko. Ako nga pala si Kaylee. Classmates tayo nung high school."

"Uh... hehe." umiling ako sa kanya dahil wala talaga akong maalala.

"Remember the name 'Lillian and flock'? Kami yun. I'm one of the girls. Hahaha. Naalala ko tuloy yung mga pang-iintriga namin sa'yo tungkol sa kung anong meron sa inyo ni Reniel. Akalain mo.. pareho na kayong sikat! Sikat na sikat siya ever since he graduated from high school tapos ikaw nakilala ka sa hollywood at naging sikat na celebrity din eventually. Oh di ba! Tsaka andito ka na. For sure nagkita na kayo ni Reniel. Same tv station kayo eh. So ano.. kumusta na kayo? Ilang years na ba kayo? Buti ano nakayanan ninyo ang long distance relationship?"

"Hindi kami. Wala ring kami."

Nabigla siya sa sinabi ko.

"Oh! I'm sorry. I really thought that the both of you are together. I'm sorry, Kat."

"No. It's okay."

"Bakit ka pala andito? In a public place? Mag-isa ka pa. Di ka ba natatakot na dumugin ka?"

Ngumiti muna ako bago sumagot, "Naglakad-lakad lang ako. Napadpad naman ako dito."

"Ah ganon ba? Pero delikado pa rin. How about your PA? Security guards?"

"Mag-isa lang ako."

"Ah. May problema ba? Parang ang lamya mo ngayon.."

"Huh? Haha. Pagod lang.."

"Gusto mo na bang umuwi? Delikado ngayon ang mag-taxi. May dala akong sasakyan. Gusto mong sumabay? Para makapag-pahinga ka na."

"Uh, okay lang ba?"

"Oo naman. I offered."

So sumabay na ako sa kanya. Kasama niya ang husband niya. May asawa na pala siya eh. May isang babaeng anak na rin sila. One year old palang.

"Sige, Kaylee. Thanks for the ride. Thank you rin Rio. Ingat kayo."

"No, prob Kaitee!" ani Kaylee at tumango sa akin iyong asawa niya.

Lutang ako ng pumasok. Agad na sinalubong ako ni Brayden ng mga tanong.

"Where have you been? Why did you run away? Gahd! Have you lost your mind? What happened? Why did you left?"

"Stop. Chill, okay? No need to worry coz I'm already here." Sagot ko habang nagmamartsa papunta ng kwarto.

"Where did you go?"

"Brayden I have businesses that you don't have to know."

"Well, I want to know."

"Bray.. I'm tired, okay? So stop nagging me."

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon