28: Cross Fire

33 5 0
                                    

28: Cross Fire

Namimilog ang mga mata ko nang nilingon ko si Dad. I looked at him through rearview mirror and he stares back. Napatingin din si Mommy at si Kuya kay Daddy. Bumabawi ba talaga siya or pumapayag na sa amin ni Reniel? Anong ibig sabihin niya sa pagpapa-imbita kay Reniel?

"Really Dad?" I asked, so excitedly.

Walang lumabas ni isang salita mula sa bibig ni Daddy but I got a confirmation dahil sa pag-tango niya. But then his face is poker so I conclude that he's not okay with Reniel. But I think, at least he's trying to be okay with him and that's enough for me.

Habang nasa byahe pa ay agad ko ng binuksan ang phone ko para matawagan siya patungkol sa pag-imbita ni Daddy sa kanya para sa dinner mamaya pero naisip kong mas mabuting itext na lang siya dahil kasama ko pa ang pamilya ko.

Tumitipa pa ako ako sa screen ng aking cellphone ay narinig ko na ang pag-buntong hininga ni Daddy, ang pag-tawa ng mahina ni Kuya at naramdaman ko ang pag-lingon ni Mommy sa akin mula sa front seat.

"Excited much." Kuya said in between of his breath. Tinarayan ko nalang siya ngunit muli lang siyang natawa.

Pagkadating namin ng bahay, sinalubong kami ng mayordoma. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin, ang unang binanggit ni Mommy ay yung mga hahandain para mamaya. Medyo natawa pa ako dahil nagmukha siyang excited na si Reniel lang naman ang pupunta. No business personnels are invited but the way she plan, arrange and manage ay parang mga bigatin sa business world ang dadalo. Napailing nalang ako.

Habang naglalakad para maka-punta sa hagdan, naalala ko iyong stuff toy na nilagay ko lang kanina sa sofa kaya tumulak ako papunta roon at nakitang nandoon parin ang bigay ni Reniel. Binuhat ko ito para madala na sa kwarto ko.

"Amin na. I'll help you to carry this to your room." napalingon ako sa nagsalita.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng umappear si Kuya sa tabi ko. Dahil nga sa kabigatan nitong dinadala ko, medyo nahihirapan pa ako pero disididong disidido na madala ko na ito sa room ko at gusto kong ako lang kaya naman tinanggihan ko ang alok ni Kuya. I endure lifting the stuff toy up in my room at talagang pinagpawisan pa ako.

I released a deep breath when I finally put down the stuff toy on the bed. Just beside where I used to sleep on the side of my bed.

Muli kong kinuha ang phone ko at tinawagan na si Reniel. Just after one ring, nasagot na agad niya ito.

["Katriel,"] bati niya sa kabilang linya.

"Uh, Reniel.."

["I'm about to call you pero tumawag ka."]

"Ah oo.. I just wanted to say formally to you that you're  invited for a dinner. Dito sa bahay."

["Ah.. yun sana ang itatawag ko. Bakit–bakit ako invited? Uh, may iba pa bang invited? Okay lang ba sa parents mo na pumunta ako?"] sunod-sunod na tanong niya.

"Actually, Dad was the one who said that I should invite you."

["Oh!"] halata sa boses niya ang pagka-gulat.

Of course. Who would have thought that the one who's driving you away will be the one to invite you for an intimate dinner.

"So yeah. I'm hoping that you'll come."

["I will."] sagot niya, nahimigan ko ang pag-ngiti niya sa kabilang linya.

"Okay. Thank you." I smiled kahit hindi niya nakikita.

["No. Thank you, Riel."] muli kong narinig ang pag-ngiti niya.

Ngumiti din ako bago nagpaalam. Humiga ako sa kama ko habang hawak-hawak pa din ang cellphone ko at titig na titig sa kisame ng kwarto.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Where stories live. Discover now