81: Still Do

33 4 0
                                    

81: Still Do

Walang gana akong naglalakad papunta ng departure area samantalang panay ang dadak ni Brayden sa aking tabi patungkol sa pupuntahan namin. Mas lalo akong nawalan ng gana at nainis ng makita si Reniel at ang Camilla'ng iyon. Mas lalong sumakit tuloy ang ulo ko dahil sa kulang ako sa tulog. I should be really angry but I don't know what happened to me that I was still up last night until 2am thinking about that damn kiss! Hindi ako nun pinatulog! Alas kwatro palang at alas tres ako ginising ni Brayden para hindi raw kami maiwan.

Kaonti lang rin ang tulog ko habang naghihintay na tawagin ang flight namin dahil may mga fans na nagpapapicture sa amin. Mabuti nalang at naka-ayos ako at hindi halatang hindi ako naka-tulog dahil sa concealer ko. Hindi rin ako naka-tulog ng maayos sa eroplano dahil ang ingay ni Brayden at naeengganyo rin akong tignan ang tanawin sa baba.

Nang makarating na kami ng Boracay at mag check-in ay kaagad akong pumunta sa room ko. Masyado ring maingay sa baba dahil sa rami ng tao na gustong makakita sa amin. Mostly, pinagtitilian nila iyong boys especially Reniel and of course Brayden. Maaga pa naman so pwede pa akong matulog. Yung ibang staff rin naman ay susunod pa at ilang casts kaya hindi kaagad kami makakapag-shoot ngayon ng scenes. It's better to have a rest.

Nagising nalang ako dahil sa pang-iistorbo ni Brayden. Ang ganda ganda ng tulog ko ay nambubulabog ang isang 'to. Nang-hiram pa talaga ng spare key sa front desk para lang mabuksan ang pinto ko. I wonder how he do that. Maybe he use his power being a celebrity? A handsome jerk? Or his charm?

"Hey.. wake up. It's almost sunset and you even didn't eat your lunch." Aniya habang niyuyugyog ako.

"Brayden you can watch the sunset alone."

"But I want to watch it with you. Come on, Kaitee. We both don't have time to watch it when we're still in Manila. Now that we're here, let's took this opportunity," pamimilit niya. Aish!

"Alright! Alright! I'm getting up," sabi ko nang maka-upo na at para na rin manahimik siya. Ang ingay-ingay eh.

Naligo muna ako saka nag-ayos para maging feeling fresh. Hindi pa naman oras ng sunset pero namulabog na ang isang 'to. Tss. Naka-white halter maxi dress at fllipflops lang ako samantalang itong isang 'to ay simpleng sky blue v-neck shirt at shorts lang. He looks good with his clothes. Kita rin ang bulkiness ng kanyang katawan. His biceps and pecs are visible plus his good looking face. Only that, he's a total manwhore.

Panay ang kuha ng mga litrato sa amin ng mga tao. Mabuti na man at hindi kami dinudumog ng mga tao rito. May mga body guards naman na naka-palibot sa amin but with enough space. May mga nagpapa-autograph o kaya nagpapapicture. Minsan nga ay may nangahas na hawakan ang kamay ni Brayden eh tsaka halos na mahimatay iyong babae dahil roon.

We stop by the seashore. Marami-rami ang naliligo at merong mga nagttry ng water sports at kung ano pa. Bigla kong naalala iyong nahulog ako sa jetski at sinagip ni Reniel. Brayden don't know about that. Ano kayang magiging reaction niya pag nalaman niya?

Papalubog na ang araw kaya panay na ang kuha ni Brayden sa sunset. Tuwang tuwa siya sa nakikita niyang tanawin. Ganon din naman ako. Nabigla ako ng kuhanan niya ako ng litrato. Nagpasuyo rin siya sa isa sa mga body guards na kuhanan kaming dalawa. Medyo nakiliti ako ng hapitin ni Brayden ang baywang ko para mas maging malapit kami sa isa't isa habang nasa background namin ang sunset. Lumapit naman sa amin si Megan ng kalahati na ng araw ang lumubog, kasama rin namin siya sa pagbaybay ng dagat.

"Manager Gina called. We need to go now to Seaside for dinner," balita niya na agad ko namang tinanguan.

Susunod na sana ako ng mahagip ng mata ko si Reniel di kalayuan sa kinatatayuan namin na naka-halukipkip habang titig na titig sa akin. Inalis rin niya ang tingin niya sa akin matapos ang ilang sandaling pagtapo ng mga mata namin.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Where stories live. Discover now