3: In His Condo

146 8 0
                                    

3: In His Condo

He take the seat in front of me na parang sa kanya talaga iyon.

"Now tell me, why are you here? Akala ko ba umuwi ka na."

"You don't care."

Lumipat siya ng upuan, this time, magkatabi na kami.

"Tignan mo nga paa mo, di mo pa nalilinisan. Sabi kasi sayong dalhin nalang kita sa clinic."

"E sa ayoko nga."

"Bakit ka ba ganyan?" Tanong ni Reniel sa akin.

"Bakit ba ang paki-alamero mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Hindi ako nangingi-alam." He retorted.

"Edi anong tawag mo dyan?"

Kibit-balikat lang ang kanyang itinugon.

"Tamo!" Sabi ko nalang.

"Ano bang ginagawa mo dito?" He asked again.

"Wala, may hinihintay lang ako."

"Sinong hinihintay mo? Ako ba?"

"Asa ka pa! Hindi ko nga alam na pumupunta ka dito," sagot ko.

"E sino ba ang hinihintay mo?"

"Kaibigan ng Kuya ko. Happy now?"

Napataas naman siya ng kilay like he wonders something.

"Sinong Kuya mo?"

"Bakit?"

"Wala. Gusto ko lang malaman." He said like it's an obvious thing. Psh!

"Si Kuya John Michael or people call him JM. . . JM Santos."

"Oh! Talaga? So ikaw ang sinasabi niyang kapatid na magaling kumanta."

"Kilala mo ang Kuya ko?!" Gulat kong tanong.

"Oo. He's my friend. And ako ang tinutukoy niya na kaibigan niya na nangangailangan ng singer."

"E bakit hindi nalang ikaw? E diba bokalista ka naman sa band ng school?"

"I told my Tito na ako nalang mismo pero sabi niya, paano naman daw ako makaka-record kung ako ang nasa loob edi walang magrerecord."

"E ano bang pakulong yan?"

"I just want to learn how to record a song. Pangarap ko kasing magkaroon ng album then Tito Franco challenged me and kapalit nun, when I graduate high school, we'll have a contract. Ang Tito ko kasi ang may-ari ng isa sa mga sikat na recording company dito sa Pinas."

"Ahh.. ganon ba? Sige, alis na ako."

"Hoy teka, kakanta ka pa para sa akin."

"Hindi," lumakad na ako ng mabilis para makawala na ako kay Reniel pero mabilis din pala itong maglakad, ang tangkad e kaya malalaki ang hakbang. "Hindi ako kakanta para sayo! Special audition palang na sinasabi mo ayaw ko na, eto pa kaya na recording na. No way. Never."

Naka-labas na kami ng shop at medyo madilim na ang kalangitan dahil pasado ala sinco na kaya naman the city lights were now on.

"Siguro kung hindi ako, papayag ka?" Tanong na naman niya.

"Oo. Siguro. Pwede-aray! Bitawan mo nga ako! Sumasakit yung sugat ko! How many times do I have to be dragged by someone??!" Pagrereklamo ko.

"I don't have to drag you kung sasama ka sa akin ng maayos pero lalampas ka na sa sasakyan ko kaya sakay na! Lilinisan pa natin yang sugat mo."

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ