TPP : 59

50.7K 1.3K 21
                                    

The Powerful Princess
Chapter 59: Impostor
__________________________________

Anica POV

Nagising ako ng saktong 2 a.m. at agad nagbihis. Matapos iyon ay agad akong bumaba para magluto. Pagtapos ay pumunta ako sa kwarto ni Jessica

Kumatok ako saka bumukas naman ang pinto at lumabas naman si Jessica na nakabihis na rin.

"Tara, kumain muna tayo" aya ko sa kanya.

Tumango naman sya saka kami pumunta sa kusina para kumain. Pagtapos ay agad akong bumalik sa kwarto at kinuha ang aking shoulder bag.

Lumabas na ako sa aking kwarto at nakita ko si Jessica na dala na rin ang kanyang shoulder bag. Nagsitanguan lang kami saka nagteleport sa harap ng office ni HM.

Si Jessica na ang kumatok at saka niya binuksan ang pinto. Pumasok na kami at nakita naming marami siyang ginagawa.

Iniangat nya ang kanyang ulo.

"Saan ang punta nyo? Diba dapat naghahanda na kayo ngayon?" tanong ni HM at umayos ng upo.

"Actually HM, nandito po kami para magpaalam na aalis lang muna po kami. Wag po kayo mag alala, babalik din naman po kami para sa digmaan" sabi ni Jessica.

"Sige pinapayagan ko kayo. Kailangan nyo pa ba gumamit ng portal room?" tanong niya.

"Hindi na po HM kami nalang po" sabi ni Jessica na ikinatango niya.

Nagpaalam na kami at nagteleport sa harap ng gate.

Pagkatapos, gumawa na ako ng portal at sabay kami pumasok na iniluwa kami sa harapan ng Athena Kingdom.

Agad ko namang isinarado ang portal saka pinagmasdan ang paligid.

Napakaganda. Talaga lalong gumanda ito kaysa dati.

Nakakalungkot lang at wala ang palasyo.

Nakakapagtaka diba? Kung bakit tinawag ang bayang ito na Athena Kingdom kung hindi naman ito ang palasyo diba? Eyon ay dahil mukhang palasyo ang bayang ito kaya tinawag itong Athena Kingdom pero ang totoo, Powerful City ito.

Nagsimula na kaming maglakad. Habang tinitignan ko ang paligid, masasabi kong napakaaga palang ay busy na agad sila para sa gaganapin mamaya. Kailangan talagang maging handa dahil napakaimportante ito sakanila at syempre saakin din.

"Ate Anica medyo malayo po dito yung bahay namin. Nakatayo po kasi iyon malapit sa lupa ng Athena Kingdom" mahinang sabi ni Jessica na ikinatango ko lang.

"Bumili muna tayo" sabi ko sa kanya dahilan mapatingin siya saakin.

"Pero ate Anica, magagalit po sila kapag hindi po ako nakarating doon ng 6 am" sabi niya.

Tumingin ako sa aking orasan at 4:30 am na.

"Ako bahala, kapag nandito ako wag kang mag alala" sabi ko sa kanya na ikinatango niya.

Nagsimula na kaming magsipunta sa iba't ibang tindahan. Kung ano ang magustuhan namin ay binibili namin.

Matapos ang mahabang pamimili, tiningnan ko ang aking orasan at napag-alamang 6 am na. Halos isa't kalahating oras din kami dito. Inaya ko na si Jessica umalis.

"Ilang oras ba tayo makakarating doon?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"1 hour and 30 minutes po" sabi niya dahilan mapahinto ako sa paglalakad.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now