TPP : 44

51.7K 1.4K 53
                                    

The Powerful Princess
Chapter 44: Queen Bee
____________________________________

Third person POV

Tatlong araw nang nagtraitraining ang mga estudyante habang si HM ay may nagaganap na pagpupulong kasama ang mga councils, reyna at hari.

"Masyado pa maaga ang pag eensayo ng mga bata HM, alam naman natin na kapag ang buwan ay naging pula at magiging itim ang langit ay saka na lulusob ang kalaban. Tatlong buwan pa ang hihintayin natin bago mangyari ang digmaan" sabi ni reyna Laine

"At hindi natin alam kung sino ang mananalo sa digmaan lalo na wala na ang prinsesa" sabi ng isa sa councils

"Wag kayo mag alala. Sige ipapatigil ko muna ang pag eensayo at sa sinabi mo na wala na ang prinsesa ay huwag kayo mag alala dahil sabi sa propesiya may tutulong saatin at sila'y dalawa" sabi ni HM

"Kung ganun, sino naman sila?" tanong ni haring Kyle

"Hindi pa namin alam dahil hindi pa nagpapakita ang dalawang sinasabi sa propesiya" sabi ni HM

"Sige, iba nalang ang ipagawa nyo sa kanila HM kagaya ng mga palaro" sabi ni reyna Christine

"Masusunod po kamahalan"

Tumayo na ang mga reyna at hari saka umalis. Ngayon ay ang mga councils at si HM nalang ang naiwan.

"Ano naman ang ipapaactivities natin sa mga bata?" tanong ng isa sa mga councils

"Hindi ko pa alam kaya kailangan nating pag-usap ito" sabi ni HM na sinang-ayunan naman ng iba.


____________________________________

Anica POV

"Ate Anica, pinapatawag ang lahat sa gym" sabi ni Cassandra

Tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad. Mabilis naman kami nakarating at agad nakahanap ng mauupuan.

Tumingin kami sa stage ng umakyat doon si HM.

"Pinapapunta ko kayong lahat dito dahil ipapatigil muna ang pag eensayo" sabi ni HM dahilan mapuno ng bulungan dito sa loob ng gym.

"Masyado pa maaga ang training na ito kaya naisipan namin na magkaroon tayo ng Foundation day. Kaya bawat section ay mag-isip na kayo ng pwede niyong itayong booth. Kung sino ang may pinakamagandang booth ay siyang panalong section. Silang ang makakatanggap ng prize, maliwanag ba?" sabi ni HM

Nagsihiyawan naman ang lahat sa tuwa.

Mukhang gusto nilang mag-enjoy muna kami.

"Kaya ngayon pumasok na kayo sa classroom nyo at pag usapan ninyo ang mga gagawin nyo" sabi ni HM dahilan magsi-alisan na ang lahat maliban sa aming apat.

Pinatigil ko sila dahil may nararamdaman akong may darating na panganib

"Bakit ate Anica?" tanong ni Ella.

Nilabas ko ang aking Slirewod at nilagyan ng mahika ko.

"Humanda kayo, may paparating" sabi ko sa kanila.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now