TPP : 34

54.8K 1.5K 10
                                    

The Powerful Princess
Chapter 34: Battle
__________________________________

Anica POV

The day has come. Tatlong araw na ang lumipas at ngayon na ang pinakahihintay ng lahat, ang friday. So far, wala namang masamang nangyari nitong nakaraang tatlong araw, kundi gawin lang ang daily routine ko.

Right now, nandito kami ngayon saaming classroom. Nakakainis lang kasi ang guro namin ay turo lang ng turo habang hindi napapansin ang mga kaklase kong hindi nakikinig sakanya dahil lahat sila ay nakatingin sa kanilang mga relo, cellphone o sa orasan. Alam naman ng lahat na may laban na magaganap kaya ganyan sila, ang kaso nga lang hindi sila makapaghintay. Dapak!

Bogsh!

Napatingin kaming lahat sa harapan ng makita naming galit ang guro namin. Mabuti nalang at napansin na rin nya.

"ALL OF YOU GET OUT! EXCEPT THE ROYALTIES AND THE TRANSFEREES " galit na galit na sabi ni ma'am.

Natuwa naman ang lahat dahil sa narinig nila at lumabas ng room dahilan kami na lamang ang natira dito.

"Hindi na ako magtuturo bagkus, perfect na kayo sa quiz samantalang sila ay izezero ko" sabi ni ma'am at nawala na sa harapan namin.

Isa rin naman pala siyang atat. Tsk.

Tumayo na kami at lumabas ng aming classroom. Dumeretso kaming tatlo sa Eating Area. Hindi na ako nagulat pa ng makita ko dito ang mga kaklase naming masayang kumakain. Saglit lamang kami kumain at bumalik din sa aming classroom. Pagkadating namin sa classroom, ni wala kaming ni isang nakita.

"Nasaan sila?" takang tanong ni Jessica.

Lumabas din kami sa classroom at nakasalubong namin ang isa sa mga kaklase namin.

"Hmm miss! Nasaan ang mga classmate natin?" tanong ni Ella

"Nandun sila sa Gym. Ang aga nga nila eh, 1:30 palang nandoon na sila" sabi nya at umalis.

Nagkatinginan kami dahil doon.

"Tsk. Yung laban pa rin ang inatupag nila" napapailing na sabi ko.

"Ang tanong, pati ba guro natin nandoon?" tanong ni Jessica

Humarap ako sa kanila at tamad na tumingin.

"Tingnan natin" sabi ni Ella

"Invisible" tinatamad na sabi ko.

Tumango sila dahilan mag-invisible kami at magteleport sa Gym. Pagdating namin ay nandito nga ang mga kaklase namin pati ang ibang mga level. Nandito rin ang mga guro.

Di halatang, excited sila ah?!

Umalis din kami agad at pumunta sa aming dorm. Dumeretso agad ako sa aking kwarto at natulog.

***

Right now, nandito ako sa Tsuyoidesu World. Pagkarating ko dito ay naabutan ko silang nag-aaway na inaawat naman sila ni Tallia pero hindi pa rin sila humihinto. Lumapit ako sa kanila.

"STOP!" sigaw ko sa kanila dahilan mapahinto sila at mapatingin saakin.

"Anong nangyayari dito?"

"Buti na lamang at dumating ka! Kanina ko pa yan sila sinasaway" inis na sabi ni Tallia.

"Ano ba ang nangyayari?" ulit ko sa tanong ko kanina.

"Yang mga boys na yan, hindi tumutulong dito samantalang kami kanina pa kami gumagawa" sigaw na sabi ni Hubble.

"Sinabi nang may ginagawa kami kaya hindi kami na ka tulong eh" sabi ni Gum, ang dyos ng Bubble.

"Teka ano ba kasi ang ginagawa nyo?" takang tanong ko.

"Gumagawa kami ng mga sandata na makakatulong sa darating na digmaan at isa pa, ayaw rin namin na gambalain ka sa misyon mo kaya kami nalang ang gagawa" sabi ni Wateria.

"Ilan na ba ang inyong nagawa?" tanong ko sa kanila.

"500" bagot na sabi ni God Fire.

"Okay na yan! Ako nalamang ang tatapos at isa pa hindi ako nagpunta dito para sawayin kayo sa away ninyo!" inis na sabi ko at umupo ako sa aking upuan, ganun din sila.

"Ano ba ang pinunta mo dito?" tanong ni Tallia

"May magaganap mamaya at may kutob ako na may hindi magandang mangyayari" sabi ko sa kanila.

"So ibig mo bang malaman kung ano ito kaya ka nagpunta?" tanong ni Faria, ang dyosa ng Apoy dahilan tumango ako.

"Halika at ipapakita namin sayo" sabi ni Tallia at tumayo.

Tumayo na rin ang iba at sumunod sa kanya dahilan ganun din ang aking ginawa.

Pumunta kami sa Sacred Place kung saan nakalagay ang crystal. Doon ko nakita ang mga mangyayari mamaya. Dahil sa aking nakita, mas naging excited ako kaysa kabahan. Napangisi na lamang ako at tumingin sa mga gods and goddesses na nagkatinginan.

"Masama kutob ko rito" rinig kong bulong ni Tallia.

Nagpaalam na ako sa kanila na ako'y babalik na. Agad naman ako nakabalik at ngayon ay nasa kwarto na ako. Agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko naman sina Ella at Jessica na nakabihis na rin. Tumingin ako sa aming orasan at napag-alaman kong 2:58 na.

"Let's go?" tanong ni Ella

Tumango kami ni Jessica at nagteleport na kami mismo sa harapan ng pinto ng Gym. Mula sa kinatatayuan namin, rinig na rinig namin dito ang ingay na ginagawa ng mga magicians na nasa loob. 

Saktong 3:00 pm ay binuksan ni Ella ang isang pinto. Hindi na kailangang dalawang pintuan pa saka ang mga pintuan dito ay double door. Napatingin ang lahat ng magicians sa amin. Sinimulan na naming maglakad. Tanaw na tanaw mula dito ang mga Celestine na nasa loob ng stage kung saan nakapwesto sa gitna.

Nagpaalam na saakin ang dalawa at sila'y pumunta sa upuang banda sa harapan. Napangisi na lamang ako ng makita kong nandito rin si Athena.

Dumeretso ako sa stage at humarap sa mga Celestine.

"Well well well! Pumunta ka pa HAH!" nakangising sabi ni Gabriela

"Yeah, humanda ka ngayon at mamamatay ka na" nakangising sabi ni Kim

Bagot ko lang silang tiningnan at pumunta sa kabilang side.

"Simulan na natin ang laban! Ngayon ay nandito na ang maglalaban, ang mga Royalties at si Ms. Anica! Hindi nanatin papatagalin pa. Simulan na natin!" sigaw ng mc

Naghiyawan ang mga magicians dito dahilan mairita ako.

"At the count of three!
1
.
.
2
.
.
3
.
START!" sigaw ng MC

Umatras ako ng unti at pinagmasdan lamang sila. Pinagmamasdan ko sila na para bang sinasabi kong sila ang mauuna kahit iyon ang intensyon ko.

"Ano magtitinginan lang tayo dito? Tsk. Ako muna ang mauuna" mayabang na sabi ni Miguel.

Pumunta sa gilid sila Gabriela samantalang naiwan si Miguel.

"Tingnan natin kung sino ang matatalo!" nakangising sabi niya.

Ang dami pang dada, bakit di na niya lang simulan pa.

"Hindi ko na to papatagalin pa" ngising sabi niya pa.

Umayos na ako ng tayo ng makita kong nakaposisyon na siya para umatake.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon