TPP : 01

150K 3.1K 171
                                    

The Powerful Princess
Chapter 01 : Anica Scientele
______________________________________

Anica POV

Isang babaeng naiiba sa lahat. Matangkad na may makinis at maputing balat. Mahaba ang kulay lila na buhok at mayroong bangs na animo'y tatakpan ang mata. May malaking itim na salamin na tumatakip sa kulay lila na mata. Mag-isang naninirahan sa isang bahay dahil ulila na at hindi nakikisalimuha sa ibang tao.

Yan ang status ng buhay ko. No one recognized me because of my appearance. Unfortunately, there are some people who know me but only my name and my wierd appearance.

I am Anica Scientele, 18 years old.

Right now, nandito ako sa aking kwarto katapat ng bintana. Gawain ko nang tanawin ang labas kapag ako'y walang ginagawa. Lagi kong iniisip kung ganito nalang ang magiging takbo ng buhay ko. Sabagay, this is my choice. Dapat panindigan ko. Walang mangyayari kong ganito nalang ang gagawin ko.

Napagdesisyunan kong pumunta ng sala at manood nalang ng T.V, ang isa ko pang laging ginagawa. Wala akong niisang nagandahan sa mga palabas na pinapanood ko ngayon kaya nagsisimula na naman akong mabored.

I decided to turn off my T.V. Tila pagod na sinandal ko ang aking likod sa tandayan ng sofa na kinauupuan ko. Sinuri kong mabuti ang loob ng bahay bakasakaling mabawasan ang pagkabored ko.

Sa pagkakaalala ko, hindi ko ito tunay na bahay. That's right, hindi ko ito bahay pero dito ako nakatira. Naalala kong naglalakad lakad lang ako sa paligid habang naghahanap ng matitirhan. Nakuha ng bahay na ito ang aking atensyon. Its kinda weird pero naramdaman kong hindi ito ordinaryong bahay lang.

Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad papasok ng bahay. May hula na ako kung ano ito pero mas lalong napapatunayan ang hula ko ng makapasok ako sa loob. Naramdaman kong may enerhiya ang bahay na ito, at alam kong isa iyong proteksyon dito. Napagdesisyunan ko that time na dito tumira dahil nararamdaman kong dito ako nababagay.

Natawa nalang ako at napag-isipang tumayo na. Oras na para sa isa ko pang ginagawa.

Bumalik ako sa aking kwarto at sinigurado kong nakasarado ang pinto. Lumapit ako sa aking kama at tinulak ito papunta sa kaliwang gilid. Naglakad ako papunta sa kanang gilid at hinawakan ang pader hanggang sa makapa ko ang hinahanap ko at tinulak ito. Sabihin na nating, isang push button ang hinanap ko.

Napangiti na lamang ako dahil sa nangyari. Sa bandang gitna ng aking kwarto kung saan orihinal na nakapwesto ang aking kama, nagkaroon ng isang hagdan na patungo sa ibaba. Ito ang resulta ng pagtulak ko sa pader.

Weird ang bahay na ito pero para saakin, hindi. Dahil sa mga bagay na meron dito, gusto ko tuloy malaman kung kaninong bahay ito at bakit niya ito iniwan.

Naalala kong nagulat ako nung may nakapa ako sa pader at aksidente kong natulak. Pero nawala lahat ang gulat ko nang makita ko ang kinalabasan ng nangyari. Simula ng araw na iyon, lagi ko na itong binubuksan.

Naglakad ako pababa dahilan para kusang magsarado ang nagsisilbing harang nito o ang pinto. Pinindot ko ang switch na nakita ko noong nakaraang araw, dahilan para magkaroon ng ilaw na nagsisilbing gabay patungo sa hantungan. Pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad.

Mahaba haba rin ang aking nilakad bago ako makarating sa lugar na paborito ko.

Ang Training Room.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now