TPP : 29

58.3K 1.6K 42
                                    

The Powerful Princess
Chapter 29: Training
__________________________________

Someone POV (4)

"Naipadala mo na ba ang sulat?" tanong nya sa akin

"Oo naipadala ko na. Sana naman mabasa nya iyon" sabi ko sa kanya.

Tanging tango lang ang ibinigay niya saakin.
Sa katunayan, anim kaming nandito. Naghihintay na sana may dumating.

Ano nga ba ang nangyari?

Masaya lang kami pero isang araw? Nandito na kami.

Mabuti na nga lang at wala siya dito pero hindi ko maiwasan mag-alala sa kanya dahil mag-isa na lamang siya.

Pero de bale na lang, magiging panatag na rin ang loob ko dahil alam kong hindi niya pababayaan na may mangyari masama kay bunso.

Sana mabuhay pa kami.

______________________________

Anica POV

What a boring day.

Right now, nandito kami sa loob ng dorm. Wala kaming klase ngayon dahil may meeting daw ngayon ang mga councils.

"Ang boring naman" biglang sabi ni Ella

"Lakad lakad muna tayo. Malay natin madetect natin ang ibang crystals" suhestisyon ni Jessica.

So far, isang linggo na kami dito sa Athena Academy. Tatlong araw na rin ang nakakalipas magmula ng makita namin ang dalawang crystals. Tsk, dahil boring ngayong araw, ngayon ko nalang gagawin ang balak ko.

"Jessica, galamay mo na ba ang mahika mo?" tanong ko kay Jessica.

Nakita kong nag-aalinlangan siyang sumagot pero mas pinili niya pa ring tumango.

"Don't worry, I'll teach you" sabi ko sa kanya.

"Aha! Tama! Itratraining ka nalang ni ate Anica kaysa maging boring ang araw natin ngayon!" masayang sabi ni Ella na sinang-ayungan naman ni Jessica.

"Ang tanong, saan?" tanong ni Jessica

"Follow me" sabi ko at tumayo sa pagkakaupo ko sa sofa.

Anyway, for a little information, itong dorm namin ay hindi siya ordinaryong dorm, isa na itong mansion. I decided to remake it to be a mansion.

Naglakad kami papunta sa library room.

"Ano ang gagawin natin dito ate Anica?" tanong ni Ella.

Pumunta ako sa may dulong bahagi at hinawakan ang librong kakaiba. Itinulak ko ito dahilan para mahati ang dalawang bookshelves at ito ay tumagilid papunta sa magkabilang gilid. Dahil doon, nakakita kami ng isang hagdan na patungo sa ibaba.

Hindi ko na sinagot ang tanong ni Ella at nagsimula na akong maglakad dahilan maramdaman kong sumunod saakin ang dalawa. Agad naman nagsarado ang dalawang bookshelves nang kami ay makapasok na ng tuluyan. Sa pagsara nito ay siya namang pagbukas ng ilaw dito. Pinagpatuloy na namin ang aming paglalakad hanggang sa kami ay makarating sa dulo. Isang malawak na arena ang aming nakita.

"Astig! may ganto pala ang dorm natin ate Anica" bulalas nina Ella at Jessica dahilan mapangiti ako.

"Let's start" seryosong sabi ko dahilan maging seryoso din sila.

The Powerful Princessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें