TPP : 45

50.4K 1.3K 13
                                    

The Powerful Princess
Chapter 45: Again
____________________________________

Third person POV

Friday, madaling araw palang ay gising na sina Anica at Cassandra. Silang dalawa lamang ang gising pa dahil nilagyan ni Cassandra ng sleeping pill ang inumin nina Ella at Jessica kagabi kaya tulog pa rin ngayon ang dalawa.

Dumeretso na ang dalawa sa field kung saan gaganapin ang Foundation day. Pumunta sila sa lugar kung saan nakaassign ang booth na gagawin nila, ang Horror booth.

Nagsimula ng gawin ni Anica ang dapat gawin habang si Cassandra ay nagmamasid kung may nakakita sa ginagawa ng ate niya.

Para masigurado ay nilagyan ni Cassandra ng barrier ang lugar na tinatayuan ng horror booth para walang makakita.

Tulong tulong silang dalawa sa paggawa at talagang matatakot ka dahil sa ginawa nila.

Umaga na ng matapos nilang dalawa ang Horror booth. Umalis agad sila ng hindi tinatanggal ang barrier dahil gusto nilang i-surpise ito. Umuwi na sila sa dorm at tulog parin ang dalawa. Naisipan ni Anica na gisingin na ni Cassandra ang dalawa habang sya ay mag luluto ng ulam nila.

Natapos na rin sya magluto at saktong pagbaba ng dalawa

"Sorry kung ngayon lang kami nagising" sabi ni Ella

Ngumiti lang ang dalawa sa kanya at sabay sabay na silang kumain. Matapos iyon ay nagbihis na sila at pumunta sa field. Saktong pagdating nila ay nagsimula na ang opening.

***

Matapos ang opening ay oras na para tingnan ang mga booth. Pumunta na ang mga kaklase nila Anica sa pwesto ng mga booth nila. Magkakasama lang kasi ang mga booth ng section sa iisang lugar.

Nang makarating na sila, nakita nila na bakante ang isang lugar kung saan ang pwesto na gagawing booth nila Anica.

"Anica nasaan na ang booth nyo na naka-assign sa inyo?" tanong ni Anna

Sa isang pagsnap lang ni Cassandra ay lumitaw ang kanilang booth. Labas palang ay nakakatakot na. Napansin agad ito ng mga estudyante at sa isip isip nila ay challenging ito para sakanila.

At dahil dito, sa kanila Anica ang may pinakamahabang pila. Tuwang tuwa ang mga kasection ni Anica dahil sa kanilang booth ang pinuntahan ng mga estudyante.

"Ate Anica, talagang nakakatakot ang ginawa nyo. Tingnan mo marami ang pumunta" tuwang tuwang sabi ni Jessica

Ngumiti lang si Anica sa kanya. Naisipan nilang apat na pumunta sa cafeteria para kumain.

Habang sila ay kumakain, nag-uusap usap sila ukol sa bagay bagay at hindi sinasadyang maisingit sa usapan nila si Sean.

"May pagkakataon ba ate na makakausap mo siya?" tanong ni Ella

"Hindi ko alam. Nakikita ko palang sya at kapag lalapitan ko, tumatakbo na siya papalayo" sabi ni Anica

"Paano kayo nagkakilala ni kuya Sean, ate Anica? Sa katunayan po, kababata namin si kuya Sean at kung hindi po ako nagkakamali, may gusto po siya kay ate Athena. Paano pong ikaw na po ang mahal niya?" takang tanong ni Jessica at tumingin sa kanya dahilan matigilan ang dalawa habang si Ella ay napatingin din sa kanya.

"Hindi ba sabi mo gusto niya si Athena? Ibig sabihin, gusto lang at hindi mahal kaya ngayong ako ang mahal ni Sean. Saka gaya ng sabi namin, kababata din namin si Sean" sabi niya habang nakangiti.

"Ah, okay po" sabi ni Jessica kahit hindi pa siya kumbinsido.

"Kakaiba ata at walang sumisira sa kaligayahan natin" pag-iiba ni Cassandra ng topic

The Powerful PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora