TPP : 51

49.4K 1.4K 46
                                    

The Powerful Princess
Chapter 51: Hugot Day
_____________________________________

Anica POV

Isang buwan na kami dito sa Mortal World at noong nakaraang linggo lamang naganap ang digmaan dito.

Ngayong araw na ang aming balik sa Magica Academia at kanina pa kaming nakahanda.

Wala na rin naman kaming aalalahanin dahil nakaayos na ang lahat kaya ready to go na kami at si Ella na lamang ang hinihintay namin.

"Ate, sa parke raw tayo magkitakita sabi ni ate Ella"

Tumingin ako kay Cassandra at tumango. Lumabas na kami at pumunta ng parke.

Pagkarating namin doon, nakita namin si Ella na nakaupo sa isang bench. Agad naman niya kami napansin dahilan tumayo siya. Lumapit kami sakanya.

"Good morning ! ^_^!" nakangiting bati niya saamin.

"Good morning" bati namin ni Cassandra sa kanya.

Umupo siya at ganun din kami sa tabi niya.

"Anong oras po ba magbubukas ang portal sa gubat, ate Ella?" tanong ni Cassandra kay Ella.

Tumingin si Ella sa kanyang relo at tumayo dahilan tumayo rin ako.

"Ngayon na" sabi niya dahilan tumayo na rin si Cassandra.

Sabay na kaming tatlong naglakad papasok sa gubat.

***

Malapit na kami sa portal at nakikita na namin ang ibang mga estudyante na pumapasok sa portal. Hinintay muna na naming makapasok silang lahat bago kami pumasok. Agad naman itong nagsara ng kami ay pumasok na.

Iniluwa kami nito sa harap ng gate at magsasarado na sana ito ng maramdaman nito ang aura ng mahika ni Cassandra kaya hinintay muna kaming pumasok bago magsara.

Nagderetso lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa aming dorm. Nakita naming hinihintay na kami ni Jessica sa labas ng aming dorm.

"Waaah! Cassandra! Ate Ella! Ate Anica! Long time no see po!! Namiss ko po kayo!" masayang sabi saamin ni Jessica dahilan matawa kami.

"HAHAHAHAHA namiss ka rin namin. Halika, pasok na muna tayo sa loob" sabi ni Ella.

Nagsipasok na kaming apat at niligpit lang muna namin ang aming mga gamit saka pumunta sa sala at umupo sa sofa.

"Balita ko, may nangyari raw na digmaan sa Mortal World" sabi ni Jessica

"Ah opo. Nagawa naman po namin iligtas ang mga mortal at tapusin po ang digmaan, ate Jessica. Ang kaso po, may namatay pa rin pong mga white magicians" sabi ni Cassandra

"Ganun ba? Hindi kasi ako nakapunta kasi alam nyo naman po na nandoon ang masusungit kong pinsan" mahinang sabi ni Jessica dahilan magkatinginan kaming tatlo.

"May ginawa ba sila sayo?" seryosong kong tanong sa kanya.

Napatingin sa akin si Jessica

"A-ah e-eh w-wala n-naman po ate A-Anica" nauutal na sabi niya dahilan mapasandal ako sa upuan.

"Kilala kita Jessica, sabihin mo"

Nakita naming yumuko siya.

"Binugbog po nila ako dahil umalis po ako doon" sabi niya

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now