TPP : 12

67.9K 1.9K 53
                                    

The Powerful Princess
Chapter 12 : Training...
_________________________________

Dark queen POV

Isang buhay na hindi ko inaasam.

"Mahal na reyna"

Tumingin ako sa aking kawal. Kung natatandaan niyo pa, siya yung inutusan kong sundan ang mga Royalties. Napakunot ang aking noo nang makita kong pawis na pawis siya, pati ang kanyang mga kasamahan.

"Bakit? Ano ang nangyari sa inyo?" nagtataka kong tanong

"Nakita nya po kami" sabi nya

Bigla akong napatayo dahil sa aking narinig.

"Nasundan ba nya kayo?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Hindi po namin alam. Noong nakita nya po kami ay agad po kaming tumakbo paalis" kinakabahang sabi nya.

Hindi pwede to!

"Bantayan niyo ang palasyo! Siguraduhing hindi sya makakapasok!!" sigaw ko sa kanila na agad din nilang sinunod.

Hindi pwede to. Ayoko pang mamatay


______________________________

Anica POV

"Anica may clue ka na ba tungkol sa propesiya?" tanong ni Sabelle.

"Ah? Wala eh" sabi ko

Tumango lang sila.

***

Kinabukasan...

Pangalawang araw namin ngayon dito sa Cassiopeia Land. Nandito kami ngayon sa UnderGround ni Cassiopeia, para magtraining. Kanina pa kami nagsisimula at katatapos ko pa lamang tumakbo ng isang daang beses na ikot dito sa loob ng TR o Training Room habang ang mga Royalties, patuloy pa rin sa pagtatakbo. Hindi na bago saakin ang ganitong training dahil nasanay na ako dito. Isa pa, mahihirapan kang tumakbo dito dahil nilagyan ito ng malakas na gravity na tipong mahihirapan kang gumalaw. Napansin kong mas lalo pang nilakas ni Cassiopeia ang gravity para lalong mahirap ang mga Royalties.

"Waah! Malapit na ako sumuko!" pagod na maktol ni Maxenne

"Sh*t! nakakapagod nito" pagod na sabi ni Stevan

Tsk nagrereklamo pa. Hindi pa ba nila ito nagagawa?

Pinanood ko na lamang sila matapos.

Ilang oras din ang lumipas at natapos na rin naming magawa ang mga basic na training. Ngayong nakaupo kami sa sahig habang nasa harapan namin si Cassiopeia.

"Good job. Natapos niyo rin ang basic. Now, face the real thing. Magsisimula tayo sa pakikipaglaban niyo sa isa't isa" sabi ni Cassiopeia

"Maxenne at Christian, kayo ang unang maglalaban" dugtong niya at tiningnan ang dalawa.

Tumayo naman silang dalawa at pumunta sa gitna

"Do what you want. You can use your magic within 30 mins only and after that, you need to fight without it. There's only one rule in this game, don't kill your enemy. Got it? After all, it is only a training. You can start now"  sabi ni Cassiopeia.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now