TPP : 53

46.4K 1.2K 13
                                    

The Powerful Princess
Chapter 53: Challenges
____________________________________

Anica POV

Isang linggo na ang nakalipas nung nangyari sa cafeteria. Maraming mga estudyante ang natatakot ngayon sa akin dahil sa kanilang nasaksihan. Mabuti na iyun para walang gulo.

Nandito kami ngayon sa aming classroom, nagtuturo ang guro namin at usual hindi parin ako nakikinig.

"Attention to all students! Please go to the Gym now!
I repeat! All students, please go to the Gym now!"  - speaker

Napahinto si Sir sa pagtuturo at humarap saamin.

"Pumunta na kayo" sabi niya dahilan magsitayuan kaming lahat at lumabas ng classroom.

Halos sabay sabay lang kaming lahat ng sections na lumabas sa mga classrooms kaya siksikan kaming lahat na pumunta sa gym hanggang sa makarating kami doon. Ano nanaman ang pakulo ni HM?

Nagsiupo na ang lahat pagkarating namin dito. Nakita naman namin na nasa stage na si HM at kasama ang mga teachers.

"Attention!"

Napatingin kaming lahat kay HM

"Pinapunta ko kayo dito dahil may magaganap na paligsahan" sabi niya kaya napuno ng bulungan dito sa loob ng gym.

"Quite! Tinatawag itong Challenges. Isa itong challenge para sa inyong mga estudyante. Ginawa itong paligsahan para malaman natin kung hanggang saan aabot ang inyong kakayahan at syempre hindi lamang iyon. Kung sino sa inyo ay may mataas na puntos, silang dalawa ay bibigyan namin ng parangal"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ella dahil sa sinabi ni HM.

"Mukhang itong paligsahan ay may kinalaman po sa propesiya, ate Anica" bulong saakin ni Ella.

"Mukhang tama ka Ella" tumatango-tangong sabi ko sa kanya.

Tumingin na muli si Ella sa harapan. Tumingin ako kay Cassandra na nakikinig saamin.

"Ano po gagawin mo ate? Alam ko pong may ideya ka na sa propesiya, ate" bulong niya saakin.

Tumingin muna ako kay Jessica at Ella  bago humarap muli sa kanya.

"Basta, ako na bahala doon" sabi ko at ngumiti.

"Quiet!!" sigaw ni HM

Napatingin muli ako sa harapan ng sumigaw si HM.

"Maghanda na kayo dahil may dalawang araw nalang kayo para magsanay. Gaganapin ito sa friday ng alas tres ng hapon" sabi ni HM.

"Simula ngayon! wala munang klase! Iyon lamang at pwede na kayong magsimula ngayon" dugtong ni HM at bigla siyang nawala kasama ang mga guro.

Nagsilabasan na rin ang ibang mga estudyante dahil mayroon pa ring naiiwan. Tiningnan ko ang mga Royalties na mukhang seryosong nag-uusap. Siguro naisip na rin nilang may kinalaman ito sa propesiya.

Napatingin naman ako sa mga traydor na nakangisi.

Tsk tsk tsk, mukhang may plano pa ata ang mga ito.

Tumayo na kami at aalis na rin sana ng magulat kaming lumapit saamin ang mga beginners.

"Hmm ate Anica, pwede po ba kami magpaturo?" tanong ni Jeraldine.

"Oo naman" sabi ko at ngumiti.

Nakita kong natuwa naman sila.

"Gusto po kasi namin na ipakita na malakas na kami. Alam naman po namin na hindi po kami yung dalawa na hinahanap basta mapatunayan lang po namin sa iba na....."

"Malakas kami" dugtong ni Claire sa sasabihin ni Maricris.

"Tama! Makikita po nila na lumakas na po kami!" sabi ni Seanfiel.

"Kailan po ba ang simula ate Anica?" tanong ni Leila.

"Siguro, bukas nalang"

"Naniniwala naman kami na kaya nyo na maging malakas sa loob ng dalawang araw lang" nakangiting sabi ni Ella sa kanila na ikinatango nila.

"Oh sya! Umuwi na muna kayo" sabi niya pa at umalis din naman sila.

Umalis na rin kami sa gym.

***

Kinabukasan...

Nandito kami ngayon sa training room. Gaya ng dati, tinuturuan namin ang mga beginners

Hindi naman sila mahirap turuan dahil sumusunod sila agad sa mga ipapagawa namin at nakukuha rin nila.

Napangiti na lamang ako ng makita kong ang seseryoso nila. Mabuti na iyon dahil hindi sa lahat ng oras ay puro laro.

Nandito lamang ako sa gilid, nakaupo habang pinapanood silang nagsasanay. Naging pursigido lamang sila sa pagsasanay noong sinabi kong pagkatapos ng pagsasanay ay kakalabanin nila ako isa isa at kinailangan nilang daplisan ako. Doon masisiguradong alam nila sa sarili nila na malakas na sila.

Tiningnan ko naman ang tatlo at tulad ng mga tinuturuan nila, nagsasanay din sila. Napangiti na lamang ako at pinanood sila hanggang sa hindi ko namalayan na tapos na ang oras para sa pagsasanay.

"Ate Anica bukas po ulit" sabi ni Maricris.

"Sige mag ingat kayo" sabi ko sa kanila at isa isang nagpaalam saamin.

Nang tuluyan na silang makalabas humarap na ako sa tatlo.

O_O

Nagulat ako ng sampalin ako ni Ella. Hindi naman ito masakit pero kapag sa iba, paniguradong masakit iyon.

"Bakit mo ginawa yun?" gulat na tanong ni Cassandra.

Biglang sumimangot si Ella.

"Eh! Hindi ka man lang nasaktan, ate Anica!" reklamo ni Ella

"Tsk. Sinusubukan mo ba saakin kung malakas ba ang sampal mo?" tanong ko.

Tumango naman sya.

"Malakas naman pero alam mo naman na hindi ako tinatablan diba? Dyan sa dalawa, ipasubok mo" sabi ko dahilan manlaki ang mata nina Cassandra at Jessica.

Mabilis na tumakbo ang dalawa ng habulin sila ni Ella.

"Oiy! Susubukan ko lang naman eh!" sigaw ni Ella sa dalawa.

"Eh! Masakit po yan ate!" sigaw naman ni Cassandra

"Oo nga po!" pasigaw na sang-ayon ni Jessica sa sinabi ni Cassandra.

Natawa na lamang ako sa mga inasta nila.

"Tama na yan, kailangan na natin bumalik sa ating dorm. Gabi na" pagtigil ko sa kanila.

Tumakbo ang dalawa papunta sa likuran ko habang si Ella ay nakasimangot sa aking harapan. Tinapik ko ang balikat niya.

"Sa iba mo nalang isubok, Ella" sabi ko habang natatawa sa kanyang itsura.

Lumabas na kami sa training room at dumeretso sa aming dorm na agad din kaming pumasok sa loob.

"Matulog na kayo, may pupuntahan lang ako" sabi ko sa kanila.

Tumango lang sila saakin kaya nagteleport na ako sa harapan ng office ni HM.

Kakatok na sana ako ng may narinig akong nag uusap sa loob...

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now