TPP : 13

61.7K 1.8K 78
                                    

The Powerful Princess
Chapter 13 : Queen Bee
__________________________________

Anica POV

Pagkagaling sa Cassiopeia Land, inilabas kami ng portal sa loob ng office ng HM at ngayong kaharap namin siya.

"Kamusta na kayo?" tanong saamin ni HM

"Okay lang naman po, HM" sagot ko.

Itinanong saamin ng HM ang tungkol sa propesiya kaya isinabi sa kanya ni Delixean ang propesiya.

"Hmm, I see. Sige, huwag muna kayong pumasok bukas. Mas maganda kung magpahinga muna kayo bukas" sabi ni HM

Tumango lamang kami at at lumabas na ng office. Binilisan ko ang aking lakad dahilan para mauna ako sa kanila at dumeretso sa aking dorm. Pagod ang aking katawan kaya naisipan ko muna humiga saglit. Tumayo agad ako nang maramdaman kong tatamarin ako tumayo. Napag-isipan kong magpalit na lamang ng damit. Pinili kong magsuot ng pantalon at off shoulder na damit. Nagugutom na kasi ako kaya pupunta muna ako ng cafeteria. Inayos ko muna ang aking buhok at ang aking E-Glasses. Nang okay na ang lahat, lumabas na ako sa aking dorm. Habang naglalakad ako, maraming mga estudyante ang nasa labas. Recess time na siguro kaya nasa labas sila.

"Diba sya yung Nerd?"

"Oo girl! Mukhang tao na siya haha!"

Napatingin ako sa dalawang estudyanteng nagbubulungan. Nakita kong tumingin sila at bigla akong tinaasan ng kilay. Binigyan ko lang sila ng seryosong tingin bago inalis ang aking tingin sakanila.

Bahala sila sa buhay nila.

Agad akong pumasok sa cafeteria nang makarating na ako at umorder agad. Matapos ko kunin ang aking pagkain, dumeretso na ako sa aking paboritong pwesto. Habang ako'y kumakain, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng dalawang babae na katabi lamang ng aking table.

"Girl, balita daw babalik na ang queen bee?"

"Kailan daw?"

"Baka daw bukas"

Napabuga na lamang ako ng hangin. Queen Bee? What a childish thing. Matakot na ba ako? Mukha kasing tatargetin ako ng Queen Bee nila. Remember? Sa mga libro, laging binubully ng mga 'Queen Bee' daw ang mga low class, nerd or whatever.

Tumayo na ako ng matapos na ako kumain at lumabas ng cafeteria. Dumeretso na ako sa aking dorm at pumasok sa aking kwarto, specifically sa Fairies Garden.

"Hey, Juliana. Whatzzup? Kamusta na kayo?" pambungad na sabi ko kay Juliana at umupo sa damuhan.

"Okay lang naman kami, Anica. Ikaw? Buti napadalaw ka. Kamusta na ang mission mo?" tanong ni Juliana

"So far, okay naman. Btw, patulog ah" sabi ko at humiga.

Hindi naman siya tumutol at hinayaan akong matulog.

***

Bigla akong nagising dahil kumukulo na ang aking tyan. Ilang oras na ba ako natulog para magutom ako ng ganito? Tiningnan ko ang aking relo at napag-alaman kong, 7:37 pm na. No doubt, kaya ako nagugutom. Tumayo na ako at umalis na sa Fairies Garden. Lumabas na ako sa aking dorm at dumeretso sa dining hall. Hindi pa kasi ako nakakabili ng mga ingredients para makaluto ako ng aking mga pagkain kaya no choice ako, kundi kumain sa dining hall.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now