TPP : 11

68.4K 1.9K 43
                                    

The Powerful Princess
Chapter 11 : Cassiopeia Land...The Prophecy...
__________________________________

Anica POV

At last, narating na rin namin. Nandito kami ngayon sa harapan ng Cassiopeia Land.

"Sa wakas! nandito na tayo sa Cassiopeia land!" sabay na sabi nina Arron, Lyra, Stevan, Maxenne at Christian.

Natawa nalang si Sabelle sa inasta ng lima.

"Let's go, madali lang natin mahahanap ang bahay ni Cassiopeia" sabi ni Delixean.

Umayos na ang lima at nagsimula na kaming maglakad. Sa bawat bahay na madadaanan namin, pinagtitinginan kami ng mga tao dito.

Sa pagkakaalam ko, tinawag itong Cassiopeia land dahil si Cassiopeia ang namumuno sa lugar na ito. Isa kasi siyang diwata na tumutulong sa mga kapwa magicians namin kaya siguro ipinangalan sa kanya ang lugar na ito.

Hindi ko maiwasang mamangha sa lugar na ito. Napakaganda pagmasdan. Talagang inalagaan nila ito ng mabuti.

Patuloy lamang kami sa paglalakad habang pinagmamasdan ang mga ginagawa ng mga tao dito. May mga masasayang nagtatawanan, may mga batang masayang nagkukulitan at may mga taong nagtutulungan sa isa't isa.

Ang saya tumira dito dahil wala kang makikitang nakabusangot ang mga mukha. Taos puso pa nilang binabati at pinapapasok ang mga magicians na dumadayo dito at syempre, nag-iingat din sila sa kanilang mga pinapapasok, baka sakali kasing may mga masasamang magicians ang sumira dito.

"Malayo pa ba?" tanong ni Sabelle

"Medyo" sagot ni Delixean.

5 mins. later...

"Malapit na ba?" tanong ni Arron

"Medyo" sagot ni Delixean.

5 mins. later....

"Ano malapit na ba tayo?" tanong ni Lyra

"Medyo" sagot ni Delixean.

"Kanina mo pa sinasabi na medyo eh" reklamo ni Lyra

Hindi ko alam kung plano ba nilang magsalita tuwing pagkatapos ng limang minuto ng aming paglalakad. Kanina pa kasi sila nagtatanong. Mabuti nalang at hindi pa naririndi si Delixean.

5 mins. later...

"Guys malayo pa ba?" tanong ni Stevan

"Malapit na" sagot ni Delixean

"Ilang lakad nalang?" tanong ni Maxenne

Ganun ba talaga sila? Hindi makapaghintay na makarating sa paroroonan? Sa tingin ko nga, hindi pa naman malayo ang nilalakad namin.

"I don't know" medyong inis na sagot ni Delixean

Mukhang malapit ng mainis si Delixean.

5 mins. later...

"Bro, malapit na ba?" tanong ni Christian

"Konting lakad nalang!" inis na sabi ni Delixean.

Oh oh, tuluyan na ngang nainis si Delixean.

"Deli--"

Ay bastusan! Magtatanong lang ako kung pwedeng magpahinga -_-'

"Shut up!" inis na pagputol niya sa sasabihin ko.

"Hindi naman ako magtatanong kung malayo, malapit, ilang lakad papunta sa bahay ni Cassiopeia! Sungit!" inis na sabi ko. Hindi lang naman kasi siya ang naiinis -_-' bwisit!

The Powerful Princessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें