TPP : 28

57K 1.7K 27
                                    

The Powerful Princess
Chapter 28: Crystal
__________________________________

Anica POV

Gosh. Sana, masaya ang araw ko ngayon.

Right now, nandito kami sa loob ng aming dorm. Lumabas na kami at nakasabay naming lumabas ang mga Royalties ng Magica Academia. Nakikita kong nagtataka sila nang makita nilang kasama namin si Jessica.

"Bakit kasama niyo si Jessica?" tanong ni Arron.

"Ka-dorm nanamin siya ngayon" sagot ni Ella sa tanong ni Arron dahilan tumango nalang sila.

Hindi na namin sila hinintay pa at nauna na kami maglakad.

Malapit na kami sa aming classroom ng makita naming lumabas ang mga Royalties ng Athena Academy o A.A, galing sa loob ng classroom. Nakita kong nagulat sila ng makita nilang kasama namin si Jessica. Agad nilang sinamaan ng tingin si Jessica dahilan para agad kong hatakin siya papunta sa likod ko. Naging dahilan iyon para saakin naman malipat ang sama ng tingin nila.

Ah! Akala niyo masisindak niyo ako?

Hindi ako nagpatalo at sinamaan ko rin sila ng tingin dahilan para makita ko ang takot nila at pag-iwas ng tingin saakin.

Hinatak ko na ang dalawa papasok sa loob ng classroom at agad na umupo saaming upuan.

"Bakit galit ang mga pinsan mo saiyo?" mahinang tanong ni Ella.

Kailangan niyang hinaan ang boses niya dahil nandito na rin ang nga classmates namin.

"Hindi ko alam eh. Masaya kami dati at hindi nag-aaway-away pero isang araw, nag-iba ang ugali nila" malungkot na sabi ni Jessica

"Kailan pa?" tanong ko

"Isang buwan na ang nakakalipas" sagot ni Jessica

Malinaw na saakin ang lahat. Iyon na ang sagot sa mga masasamang pakiramdam ko. Tsk.

Napaayos ang lahat ng dumating na ang aming guro.

***

Ngayong hapon ay nandito kami sa garden ng A.A. Wala na kaming klase ngayon dahil may magaganap daw na meeting ang mga teachers.

Nandito ako ngayon sa itaas ng puno samantalang nasa ibaba naman ng punong kinaroroonan ko ang dalawa.

Pinagmasdan ko ang paligid at masasabi kong mas malaki ang school na ito kaysa sa Magica Academia.

Sa aking pagmamasid, nakita ko sa kabilang garden ang mga Royalties ng A.A at Royalties ng M.A kasama sila Mikaela.

Mukhang masaya sila ngayon.

Iniwas ko na lamang ang aking paningin at inilagay sa aking batok ang dalawa kong kamay saka humiga. Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin.

*ting*

Bigla akong napamulat ng mata at saka napaupo. Tiningnan ko ang aking detected bracelet at nakikita kong ito ay nagkukulay kahel.

Ibig sabihin lang nito, nasa malapit ko lang ang crystal.

Tumayo na ako at bumaba na sa puno.

Sa aking pagbaba, naging kulay luntian ang detected bracelet na kanina lamang ay kulay kahel.

Ibig sabihin, nasa paligid lang namin ang crystal.

"Ella" tawag ko kay Ella dahilan mapatingin silang dalawa saakin.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now