TPP : 41

55.3K 1.4K 152
                                    

The Powerful Princess
Chapter 41: Mosquigirl
__________________________________

Someone POV (2) / Sean POV

Sana nabasa mo aking mahal.

Sana mapatawad mo ako kapag nalaman mo ang mga ginagawa ko at kahit sa kaunting oras ay nagawa kitang maisayaw at makasama.

Nandito ako ngayon sa isang puno habang pinapanood syang binabasa ang aking sulat habang umiiyak.

Gusto ko mang punasan ang iyong luha ngunit hindi ko magawa sa maraming dahilan.

Sa huling sulyap, tumalikod na ako at umalis.

Hindi ko pala kayang panoorin kang umiiyak.

___________________________________

Third person POV

Walang kaalam-alam si Anica na kanina pa pala nakikinig ang tatlo sa kanya dahil sa kaunting uwang ng kanyang pinto. Kahit sound proof ang kanyang kwarto, nagagawa pa rin siyang marinig ni Ella dahil sa kanyang mahika at sa tulong na rin ng kaunting uwang ng kanyang pinto.

Si Ella ang nagsasabi sa dalawa kaya nagkaka-ideya rin ang mga to.

Hindi maiwasan ng tatlo na maawa kay Anica lalong lalo na si Cassandra dahil siya ang nakasaksi sa mga sinapit ni Anica simula ng mawala si Sean.

Napag-usapan ng tatlo na pumunta muna sila sa sala ng makita nilang humiga na si Anica.

"Cassandra, may idea ka ba kung sino si Sean?" tanong ni Ella

"Ah oo. Sya ang kababata namin ni Ate at kasintahan niya rin kaya ganyan na lang siya mangulila kay kuya Sean" malungkot na sabi ni Cassandra.

Pinagmasdan ni Cassandra ang mga hitsura ng dalawa.

"Matanong ko lang kayo, hindi ba pamilyar sainyo ang pangalang Sean?" tanong niya sa dalawa.

"Saakin? Oo dahil sya yung palaging kasama namin ng mga pinsan ko nung bata pa kami" sabi ni Jessica.

"Saakin naman...oo din. Parang nakilala ko na sya dati pero hindi ko lang alam kung kailan o saan" sabi ni Ella habang pilit inaalala.

Tumango lamang siya sa sagot ng dalawa.

"Kailangan bukas ay hindi natin pwedeng banggitin ang pangalan ni kuya Sean dahil maalala nya lang siya" mahinang sabi ni Cassandra na sinang-ayunan ng dalawa.

"It's ok"

Napatingin ang tatlo sa nagsalita at bigla silang napatayo ng makita nilang si Anica ito na namamaga ang mata. Akala ng tatlo ay tulog na siya pero mukhang hindi pa dahil nakatayo ngayon sa harapan nila.

"Ano ate kasi nari--"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Cassandra ng putulin ito ni Anica.

"It's ok. Alam kong curios lang kayo at kasalanan ko naman na bukas ang pinto ko" medyo natatawang sabi ni Anica at umupo dahilan mapaupo din ang tatlo.

"Mahal mo parin ba sya hanggang ngayon ate Anica?" tanong ni Ella

"Oo naman. Kahit kailan, hindi ito nawala" nakangiting sabi ni Anica.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now