TPP : 22

59.3K 1.8K 51
                                    

The Powerful Princess
Chapter 22: Leveling Battle
______________________________________

Anica POV

Right now, nagbibihis kaming dalawa ni Ella. Nakabase saaming mahika ang kulay ng aming uniform kaya't violet na may halong pula ang kulay ng uniform ko samantalang kulay pink na may halong pula naman ang kay Ella.

Tumingin ako saaking salamin at masasabi kong komportable ako dahil bumalik na ang aking anyo. Ang malakulay lila kong buhok at mata.

Napatingin ako kay Ella ng pumasok siya saaking kwarto. Masasabi kong komportable din siya dahil sa ngiti niyang pinapakita. Napangiti din ako sakanya at tiningnan ang kanyang malakulay pink na buhok at mata.

"Today is the day, Ella. I hope you'll understand it " sabi ko at kinuha na ang aking shoulder bag.

"Sige ate! Ipakita mo na ibang Anica na ngayon at hindi katulad dati na basta basta lang na nerd!" sabi nya at kinuha din ang kanyang bag.

Natawa na lamang ako sa kanya at inaya ko na siyang lumabas.

Sinimulan na naming maglakad at wala kaming nakakasalubong na estudyante dahil alam naming late na kami.

Mabilis naman kaming nakarating saaming classroom at si Ella na ang kumatok sa pintuan. Hindi naman nagtagal ay bumakas din ito. Hindi ko kilala ang gurong ito kaya mukhang bago lamang ito.

"Transferees?" tanong nya saamin.

Tumingin lamang ako sa gilid habang si Ella ay tumango.

Siya lamang naman ang transferee -_-'

"Saglit lang at tatawagin ko kayo kapag papasok na kayo" sabi nya at iniwan kami.

"May bago kayong classmate. Transferees pumasok na kayo"

Naunang pumasok si Ella kasunod ako. Nakatingin lamang ako sa baba habang naglalakad.

"Ella Scientele, 18 years old. Fire is my magic" pakilala ni Ella.

Naramdaman kong nagulat ang lahat lalong lalo na ang mga Royalties. Iniangat ko ang tingin ko dahilan makita ko ang panlalaki ng mga mata nila.

"Anica Scientele, 18. Fire" malamig na sabi ko.

"M-Maari na kayong umupo at ako nga pala si Miss Lyn" sabi ni Miss at tumikhim.

Pumunta na kami sa aming upuan kung saan nasa harapan lang namin ang mga Royalties pati si Trisha na kasama nila.

Pinagmasdan ko ang paligid at napansin kong wala si Queenie.

Mukhang totoo ang sabi-sabi na si Trisha na ang bagong Queen Bee.

Nakinig na lamang ako sa kay Miss.

***

Heto na ang huling klase namin.

"Okay class! Ibibigay ko ngayon ang oras para makapagtraining kayo dahil mamaya na gaganapin ang leveling battle!" sigaw ni sir dahilan mag-ingay ang paligid ko.

Napapikit na lamang ako sa inis dahil ang ingay nila. Inaya ako ni Ella na pumunta sa dulo para doon kami pumwesto dahil naghahanap na rin pala ang iba.

Mukhang gusto talaga nilang malaman kung ano ang kanilang level at para malaman kung sino ang pinakamalakas sa buong Academia.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now