TPP : 06

81K 2.1K 187
                                    

The Powerful Princess
Chapter 06 : First Mission
___________________________________

Anica POV

Isang napakagandang lugar na parang ika'y nasa paraiso. Nandito ako ngayon sa isang sekretong lugar na tanging makikita lamang saaking kwarto, ang Fairies Garden.

Isang itong garden na kung saan matatagpuan mo ang iba't ibang uri ng mga fairies. Napakaganda nilang pagmasdan. Nakakalungkot lang dahil ito ay nakatago dahil ayaw nilang mapahamak.

Isa sa mga fairies si Juliana, ang reyna ng mga fairies. Siya ang kauna-unahang fairies na nakilala ko at nakausap kaya walang duda na kami ay close sa isa't isa.

Gaya ng sabi ko, lihim ang garden na ito at tanging ako pa lamang ang nakakatuklas nito. Hindi o ayaw nila ito ipaalam sa ibang mga magicians ang tungkol dito dahil may posibilidad na sila'y atakehin ng mga masasamang magicians. Mabuti na lamang at ako ang unang nakatuklas at ang gumagamit ng kwartong iyon.

Hindi mo rin makakausap ang mga fairies kung ito ay hindi mo pagmamay-ari. Kaya ko lamang sila nakakausap yun ay dahil sekret. Sa tamang panahon, malalaman niyo din kung bakit ko sila nakakausap kahit hindi ko sila'y pagmamay-ari.

Humiga ako sa damuhan at dinaramdam ang paligid. Naalala ko kung paano ko natuklasan ito. Nalaman ko lamang ito noong ibinaba ko ang painting na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Nagagaraan kasi ako sa painting na iyon kaya inalis ko muna doon. Napansin kong parang may something sa pader na tinatakpan ng painting. Naalala kong, katulad ito nung bahay ko. Walang alinlangan kong hinawakan ang pader at tinulak ito. Hindi na ako nagulat ng magkaroon ng pinto sa may tabi ng painting kung saan ito orihinal na nakasabit. Walang alinlangan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob dahilan sumalubong saakin ang Fairies Garden.

Pinapakiramdaman ko ngayon ang paligid hanggang sa may narinig ako mula dito na may kumakatok sa pintuan ng aking dorm. Agad akong tumayo at nagteleport sa harapan ng pintuan ko. Inayos ko muna ang aking sarili bago binuksan ang pinto. Isang babae na hindi ko kilala ang aking nakita.

"Hmm hello, pinapatawag ka po pala ni HM" sabi nya

Sinabihan ko na lamang siya na ako'y pupunta na lamang doon at nagpasalamat sakanya. Pumasok ako ulit sa loob at tiningnan ang aking ayos. Wala naman akong nakitang mali kaya kinuha ko nalamang ang aking paboritong shoulder bag at napagdesisyunan ko nang lumabas sa aking dorm. Sinimulan ko na ang aking paglalakad. Ngayon ko lang napagtanto na isang oras na pala ako doon sa Fairies Garden. Hindi ko lang namalayan dahil alam kong sampong minuto lang ako doon. Sadyang mabagal lang talaga ang oras doon at mabilis dito.

Huminto na ako sa aking paglalakad ng ako'y makarating na sa HM Office. Akmang ako'y kakatok na subalit ako'y napahinto dahil saaking naririnig na may nag-uusap sa loob.

"HM, bakit kailangan pa po syang kasama?" rinig kong boses ni Christian na nagtatanong.

Mga Royalties pala. Ibig sabihin, pinatawag din sila?

"Opo nga HM. First day pa lang nya dito at isa pa, kakakilala lang natin sa kanya tapos kasama pa sya sa amin ngayon?!" rinig kong reklamo at nagtataka na sabi ni Arron

Napakunot nalang ang aking noo dahil sa aking mga naririnig. Ano ang pinag-uusapan nila na tila hindi ata sang-ayon ang mga Royalties? Bahala na, wala na rin naman akong pakealam. Napagdesisyunan ko na lamang na kumatok na naging dahilan para tumahimik ang mga nasa loob.

The Powerful PrincessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin